00:00Samantala, 12 anak na mga nawawalang sabongero na kuhanan na ng DNA samples
00:05para sa cross-matching sa mga narecover na buto sa Taal Lake.
00:10Isa sa mga whistleblower nakatakda ng magsumite ng reklamo
00:13laban sa mga polis na isinasangkot sa kaso ng missing sabongeros.
00:18Si Ryan Lasigues sa Sentro ng Balita.
00:23Nakarating na sa Campo Crame ang ilang buto na narecover ng technical diving team
00:27na sumisisid sa Taal Lake para sa paghahanap sa mga labinang missing sabongeros.
00:32Ayon kay PNP Chief Police General Nicolás Torre III,
00:35sisimulan na ang pagproseso nito para matukoy kung mga buto ba ng tao o hayop
00:40ang nakuha mula sa Taal Lake.
00:42Halo-halo, kasi alam niyo naman na may farm yan dyan sa lugar na yan.
00:46May farm. Ang Taal ay farming yan.
00:50So, andyan na lahat na makikita natin.
00:53May mga narecover ng mga animal remains,
00:56may mga human at mix-mix na ating mga tinitingnan ngayon na mga...
01:03Kaya kasama sa ating processing dyan,
01:05ang pang-differentiate kung ito ba ay animal origin or human origin.
01:09Nakakuha na din daw ang PNP ng standards
01:12mula sa mga kamag-anak na mga nawawalang sabongero.
01:15Isasalang umano ito sa cross-matching
01:17para matukoy kung sa mga nawawalang sabongero talaga
01:20ang mga natagpuang buto.
01:22Para sa mas mabilis na proseso,
01:24we have already directed the crime lab of region 4A at saka yung Batangas
01:33to already move forward to the operations para sa operations area
01:37para mabilis na ang pag-transport at pag-process nito mga narecover namin.
01:42Ayon naman kay PNP spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo,
01:46aabot na sa labing dalawang kamag-anak na mga nawawalang sabongero
01:49ang nakuhanan ng DNA samples.
01:51Gagamitin ito sa cross-matching para malaman
01:54kung tutugma ito sa mga buto na nakuha sa Taal Lake.
01:57Paliwanag ni Fajardo sakaling magtugma.
01:59Maituturing ito na major breakthrough sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
02:04Bukas naman ani ang PNP sa pagtanggap ng iba pang samples sa kaanak na mga biktima.
02:08Suportado naman ang PNP ang plano ng tinaguriang whistleblower na si Alias Totoy
02:13na magtungo sa Napolcom para formal na magsampan ang kaso
02:16laban sa mga pulis na isinasangkot sa kaso ng missing sabongero.
02:20Samantala, nilino naman ang PNP na sa labing limang pulis
02:24na isinasangkot sa kaso ng mga nawawalang sabongero,
02:27labing dalawa na lang dito ang hawak nila
02:29dahil tatlo sa mga ito ay naalis na sa servisyo.
02:34Mula dito sa Campo Crame, Ryan Lisigues.
02:37Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.