00:00Plano ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na tuluyan ang ipagbawal ang online lending
00:05dahil sa dami ng mga nabibiktima nito.
00:08At para naman matulungan sila, gumawa ang ahensya ng one-stop shop upang agad na ma-actionan
00:13ang mga reklamo ng mga biktima na kadalasang target ay may mga regular na trabaho gaya po ng mga guro.
00:19Nagbabalik si Christian Bascones.
00:25Pamamahiya, pagbabanta at paninira.
00:27Ilan lang yan sa nararanasan ng mga biktima ng online lending scam.
00:31Matapang silang maningil dahil kadalasang walang lisensya.
00:35Hindi rin reyestrado sa Securities and Exchange Commission o SEC
00:38at lumalabak sa Data Privacy Act dahil sa iligal na paggamit ng mga impormasyon ng kliyente.
00:43Nang dahil sa harassment, nagkadepresyon ang mga umutang.
00:47Hindi makapagreklamo ang mga biktima dahil lunod na rin sila sa kahihiyan.
00:50Sa katunayan, umabot na sa labing limang libo ang nagre-reklamo sa mga online lending companies.
00:56Pero nasa higit dalawang daan lang ang gustong magsampa ng complaints.
01:00May solusyon na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission para matulungan ang mga borrowers.
01:05Ang ginawa po ng PAOK is gumawa po kami ng one-stop shop.
01:10Kasama po yung SEC, kasama po yung PNP natin.
01:14Para po asikasuhin itong mga complaints.
01:18Kasi ang nangyayari, alam naman po natin na kaya nangutang itong mga ito eh dahil nagigipi.
01:26So ang akala nila, nung nakakita na sila ng online apps o kaya may nag-message po sa kanila na
01:32pwede ka mag-loan na in two hours sa aprobahan namin yan with the lowest interest.
01:39Plano ng PAOK na tuluyan ang ipagbawal ang online lending.
01:43Dahil sa hindi mapigilang pagdami ng mga nabibiktima,
01:46kaya payo ng PAOK na suriin ang loan application sa online.
01:50Maaari rin kasing malagay sa alanganin ang personal information.
01:54Totally wala na itong online lending and then kung hindi ko naman sinisiraan yung ibang lending,
02:00may mga legit naman po eh.
02:02Pero dapat po medyo maingat sila, dapat medyo po mapanuri sila bago po silang mangutang.
02:09They can check with the SEC, sabihin naman nila,
02:12okay ba ito, ito ba ay legit, nakapasok ba ito sa listahan nyo ng mga maayos na lending.
02:19Kadalas ang target ng scammers ang may mga regular na trabaho gaya ng mga guro
02:24at iba pang mga namamasukan sa gobyerno.
02:27Ayon sa PAOK, magpapatuloy ang kanilang operasyon para masawata
02:30ang anumang uri ng panoloko at mananamantala gamit ang teknolohya.
02:35Christian Bascones para sa Pamansang TV sa Bagong Pilipinas.