00:00Rodrigo Duterte
00:04Naghain ang resolusyon ang isang senador para himukin ang gobyerno
00:13na hingin ang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC,
00:19ang tugon ng palasyo sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:25Sa inihain resolusyon ni Sen. Alan Peter Cayetano,
00:30hinihimok ang gobyerno na hingin sa International Criminal Court
00:33na bigyan ng interim release si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:37Maaari daw itong house arrest o iba pang arrangement sa loob ng Philippine Embassy sa The Hague.
00:43Ayon pa sa resolusyon, makagaganda sa kalusugan ng may edad na na si Duterte
00:48kung may makakasalamuha siyang pamilya at kaibigan.
00:51Dagdag nito dapat ratuhin inosente si Duterte hanggang hindi napapatunayang guilty.
00:57Reaksyon ng Malacanang dito?
00:58Kung may ganyan pong mga suggestion mula kay Sen. Alan Cayetano, noted.
01:04Hindi na po makikialam ang Malacanang on this matter.
01:08Sa mabibigay ko lang po ngayon, noted.
01:11Thank you, ma'am.
01:12May inihain ng petisyon sa ICC ang mga abogado ng dating Pangulo
01:16para sa kanyang interim release.
01:18Hindi Senado ang magtatakda o magpapropose ng ganitong conditions o kaya circumstances,
01:25kundi ang defense.
01:27Sa ngayon, walang personalidad ang Philippine government or even the Senate of the Philippines
01:33dun sa kaso ni Duterte sa ICC.
01:35Kaya ang tingin ko, maaaring mabaliwala ito maliban kung lalapit siya sa defense
01:42para ipanukala itong ganitong mga kondisyones.
01:46May bigat man legal o wala ang resolusyon ni Cayetano.
01:50Kabado raw ang pamilya ng EJK victims tuwing napapag-usapan ng interim release.
01:55Alam naman natin na maraming supporter pa rin ang dating Pangulo ng Duterte
02:00at ang resolusyon ito ay magbibigay ng tingalis na para bang wala siyang pananagutan
02:05doon sa mga naganap na mga pagpatlang.
02:08Kung pinagmamalasakitan anila ni Cayetano si Duterte,
02:12sana ganun din sa mga mahihirap na pamilyang biktima ng extrajudicial killings.
02:17Marami pong mga pamilya ng biktima,
02:19mga nanay, mga lola, namatay na po sa pagkakasakit
02:25at sa kanilang pagpanaw, wala, hindi nila nabanagan yung ustisya.
02:30Kaya po yung ganitong resolusyon ay napaka-isang panig.
02:35Hinihingi pa namin ang tugon ni Sen. Cayetano dito.
02:39Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
02:49Редактор субтитров А.Семкин Корректор А.Егорова