00:00Samantala kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak
00:04na tatlo pang tripulanting Pilipino na sakay ng MV Eternity Sea
00:09ang nailigtas matapos atakihin ng Houthi rebels.
00:13Dahil dito, umakyat na sa walo ang mga nakitang Pilipino mula sa lumubog na barko
00:17habang patuloy ang paghahanap sa iba pang nawawala.
00:21Tiniyak naman ni Secretary Kakdak na nasa ligtas na kalagayan ang walong Pinoy seafarers.
00:27July 7 ng paulanan ng rocket ng Houthi rebels ang barko sa karagatan ng Yemen.
00:34Sakay nito ang 22 tripulante kabilang na ang 21 Pilipino.
00:39Unang narescue ang limang Pilipino nang lumubog ang barko.