00:00Pinangunahan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang pamahagi ng mga ambulansya sa 7 region sa Luzon.
00:08Ito'y para pag-ibayuhin pa ang emergency response at servisyong medikal para sa mga Pilipino.
00:14Yan ang ulat ni Kenneth Paschente.
00:18Sa layuning mas pagtibayin pa ang healthcare sa bansa,
00:22karagdagang patient transport vehicles o PTV pa ang ipinamahagi ng pamahalaan
00:26sa ilang local government units mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:30Kanina mismo si Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang nanguna sa ceremonial turnover ng 387 PTV sa 7 region sa Luzon.
00:39Bahagi pa rin ito ng commitment ng Marquez Jr. administration na pag-ibayuhin ang emergency response capabilities sa buong bansa,
00:46pati na ang kabuang servisyong medikal sa bawat Pilipino.
00:49We are very happy now to be able to do this dahil dito sa administrasyon ito,
00:56karapatan ng bawat natin kababayan na Pilipino na magkaroon ng ganitong klaseng servisyo.
01:04Pinapatibay nga natin ang buong healthcare services.
01:08Nag-meeting lang kami tungkol sa budget sa DOH, tungkol sa budget ng PhilHealth,
01:13tungkol sa lahat ng mga servisyo na ibinibigay, tungkol sa mga insurance,
01:19upang buuhin namin ang magandang healthcare system.
01:23Kabilang sa nakatanggap ng PTV ang ilang munisipalidad at syudad sa Regions 1, 2, 3, Regions 4A at 4B,
01:31gayon din ang Region 5 at Cordillera Administrative Region.
01:35Mula noong July 2022 hanggang nitong Hunyo ng taon,
01:38umabot na sa 680 ang naipamahaging PTV ng administrasyon batay sa datos ng PCSO.
01:43Hinimok naman ang punong ehekutibo ang mga resipyent na ingatan ang mga natanggap na emergency vehicles,
01:50naan niya'y piniling mabuti para maging angkop sa pangangailangan ng bawat bayan sa Pilipinas.
01:54Alagaan ninyo ng mabuti ito, tatagal ito ng matagal,
01:58basta't alagaan natin ng mabuti kahit gamit na gamit yan,
02:01na meron na kaming experience dun sa mga kuna naming na ibigay,
02:07basta't inaalagaan ng mabuti,
02:09tama ang pag-service, tama ang paggamit,
02:12pagka nangangailangan ng piyasa, palitan ka agad.
02:15Napakalaki po ang tulong nito dahil kami po ay sa probinsya namin,
02:20kami po ang pinakamaliit na bayan,
02:23kaya ibig sabihin yung pondo natin limitado,
02:27kaya po pag may mga ganitong tulong kami po ay nagpapasalamat.
02:31Malaking malaking tulong po ito sa amin.
02:33Nakatakda namang mamahagi pa ang gobyerno ng nasa 985 PTV ngayong taon,
02:38habang ang PCSO ay naglaan na ng isang bilyong piso para sa pagbili
02:43ng 395 PTV na nakatakdang ipamahagi naman sa susunod na taon.
02:48Kasabay niya ng pagtiyak na magiging patas ang pamamahagi ng mga ito.
02:52Itong taon na ito, garantisado po,
02:55mabibigyan po natin ang lahat ng munisipyo,
02:57ano man po nga class,
02:59kung one to six,
03:00hindi po magmamater yan,
03:02kakampi, hindi masyadong kakampi,
03:05kung ano mang kulay po,
03:06hindi po kami nagtatangi.
03:08Yan po ang bily ng Pangulo.
03:10Huwag hong politikahin.
03:11Ang healthcare.
03:14Kenneth Pasyente
03:15Para sa Pambansang TV
03:17sa Bagong Pilipinas.