00:00Pagtugon sa malnutrition at food insecurity, tinututukan po ng gobyerno.
00:04Ito'y sa pamagitan ng iba't ibang programa na makatutulong sa malilit na negosyo.
00:09May report si Denise Osorio.
00:13Sa paglaban sa malnutrition at food insecurity sa bansa,
00:17hindi lang public health ang hinaharap ng pamahalaan,
00:20kundi pati ang pag-unlad ng malilit na negosyo o MSMEs.
00:24Sa ilalim ng Department of Science and Technology,
00:27Food and Nutrition Research Institute o DOST-FNRI,
00:31binibigyan ang mga MSMEs ng access sa science-based food technologies.
00:36Ang problema ng malnutrition at kakulangan sa pagkain
00:41ay isang priority na programa, mga programang prioridad ng gobyerno.
00:50Tumutulong din ang DOST na ma-adapt ang mga makabagong teknolohiya
00:53at makahanap ng akmang merkado sa pamamagitan ng kanilang mga programa,
00:58tulad ng tinatawag na set-up.
01:00Sa pamamagitan po ng paglilink na ito sa ating mga suppliers at sa merkado,
01:06nagkakaroon po ng sure na kita, profit, at magiging sustainable
01:10yung ating mga tinatransfer na food technologies.
01:13Isa sa mga bagong inisyatiba ng FNRI ang paggamit ng standardized nutri-bond premix
01:19na magpapabilis ng paggawa ng masustansyang tinapay
01:23habang tinitiyak ang kalidad at kita para sa mga community bakers,
01:27lalo na sa pinaka-apektadong mga sektor at rehyon.
01:30Recently, we signed an agreement with the SMC, San Miguel Food Corporation,
01:38to standardize your nutri-bond.
01:41Kasi when we transfer the technology,
01:45yung monitoring to standardize the content of the nutri-bond,
01:50ay medyo mahirap kasi pag na-transfer mo na, mahirap ng puntahan sa isa.
01:55So, what we did was to have the premix yung standard na yung nutrients ng andon.
02:03Ayon sa 2023 National Nutrition Survey,
02:06tatlo sa bawat sampung households sa Pilipinas ay nakakaranas pa rin ng food insecurity,
02:12lalo na sa Bangsamoro, Mimaropa, Bicol, at ilang bahagi ng Mindanao.
02:17Dahil dito, pinahigting ng gobyerno ang whole-of-government approach
02:21katuwang ang DOH, DA, DSWD, DepEd, mga LGUs, at ang pribadong sektor.
02:29Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.