00:00Possibly bumaba ang presyo ng ilang mga gulay sa bansa
00:03kasabay ng pagsisimula ng harvest season.
00:06Nananatili ring stable ang supply nito sa kabila ng mga pagulan.
00:11Si Denise Osorio sa Sentro ng Balita.
00:16Ang may bahay na si Ginang Freda,
00:19pinapagkasya ang 500 piso para sa isang linggong budget
00:22sa pagkain nilang mag-asawa.
00:25Pa-tantantantant na lang para magkasya yung pera mo.
00:30Kaya good news para kay Freda ang hatid na balita ng Department of Agriculture.
00:35Sabi ng DA, posibleng bumaba pa ang presyo ng ilang mga bilihin, particular na ang gulay.
00:42Harvest season kasi, bumaba ba'tin ng konti ang manok, bumaba ba'tin ng konti ang baboy sa mercado this week.
00:51So it's a good sign.
00:52Ramdam na nga ito sa ngayon dahil ayon sa ilang manggugulay, stable pa rin ang presyo nito.
00:58Dito nga sa Mega Q Mart, nasa 90 pesos kada kilo ang carrots, 70 pesos kada kilo naman ang patatas, repolyo at pechay bagyo.
01:07Ang kamote nasa 60 pesos kada kilo, 50 pesos naman kada kilo ang kalabasa at 40 pesos kada kilo ang sayote.
01:15Para sa kalamansi at talong, tig 100 pesos per kilo ang mga yan at nasa 10 pesos bawat tali ang kangkung.
01:22Ngayong malamig ang panahon, perfect ang mga sabaw, binisa at masusustansyang ulam.
01:28Para sa almusal naman o baon, patok pa rin ang itlog na naglalaro sa 8 pesos hanggang 10 pesos kada piraso.
01:35Sa panahog naman, nasa 160 piso kada kilo ang bawang, habang ang sibuyas, red man o white, nasa 140 pesos kada kilo.
01:46Ang kamatis nasa 50 kada kilo at kung gusto nyong umanghang ang ulam, ang siling labuyo ay nasa 160 piso kada kilo.
01:56Panahon nito para samantalahin ang pagkakataon na makapaghain ng mura na at masustansyang pagkain sa mesa ng pamilyang Pilipino.
02:05Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.