00:00Sa ating balita, muling pinagtibay ng pamahalaan ang commitment na lumikha ng dekalidad at mataas ang kita ng mga trabaho para sa mga Pilipino.
00:08Ito ay matapos maitala ang pinakamataas ng labor force participation rate sa bansa mula noong Abril 2005 ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DEPDEF.
00:20Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, naitala na 1.4 milyon na Pilipino ang nadagdag sa labor force ng bansa na ngayon ay umabot na sa 52.32 milyon na individual.
00:33Kaugnay nito, tumaas ang employment rate o bilang na mga may trabaho sa 96.1% nitong May 2025 mula sa 95.9% noong Abril ngayong taon.
00:44Ayon pa sa PSA, bumaba ang unemployment rate o bilang na mga walang trabaho sa 3.9% nitong May 2025.
00:53Kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asia, mas mababa ang unemployment rate ng Pilipinas kumpara sa mga bansang China at India.
01:01Ayon pa kay DEPDEF Secretary Arsenio Balisakan, ang mga ito ay sumailalim sa tumataas na kumpiyansa sa labor market
01:09at epekto ng nagpapatuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palawakin ng job opportunities sa iba't ibang sektor.