00:00Isinusulong sa Senado na pagbawalan ng mga kabataang edad 18 pa baba na gumamit ng social media.
00:06Aprobado yan ng ilang ahensya pero ang tanong, paano yan ipatutupad?
00:10Kalot, kaakibata ng edukasyon ang teknolohiya.
00:13Narito ang aking unang balita.
00:18Tulad ng maraming kabataang Pilipino, babad din ang panganay na anak ni Mark Bumanlag sa mga gadget.
00:24Sa edad na 7, nakikita nitong nilalaman ng feed sa Facebook account ng ina
00:28at mahilig din ito sa mga games kung saan may mga iba siyang nakakasalamuha online.
00:32Pero bilang isang IT professional, alam ni Mark ang mga piligro online
00:36kaya nililimitahan niya at binabantayan niya aktividad ng anak online.
00:41Hindi natin alam sa panahon ngayon, yung mga child predator talagang sinasadya na makainteract yung mga bata
00:48through games, through social media, through even different platforms na pang bata.
00:52Akala natin sila lang purely yun nando doon.
00:54Pero yun pala, may nakakahalo na palang nananamantala sa kanila.
00:58Ang mga ganitong piligro sa social media ang naislabana ni Sen. Panfilo Lacson
01:02sa panukala magtakda ng regulasyon sa paggamit ng mga minority-edad ng social media.
01:07Base raw kasi sa datos ang Council for the Welfare of Children.
01:11Anim sa bawat sampung batang edad sampu hanggang labim-pito,
01:14active user ng social media na nagiging sanhin ng mental health problems
01:18at maaring mabiktima ng online sexual exploitation.
01:22Kaya ang isinusulong ng kanyang panukala,
01:24pagbawalan ng mga kabataang Pilipino, edad 18 pa baba,
01:28na makagamit ng social media.
01:30Kahalintulad ng ipinasang batas sa bansang Australia
01:32na nagtakda ng edad 16 na taon para makagamit ang social media.
01:36Sa ilalim nito, ang mga social media platforms
01:38ang gagawa ng paraan para matukoy ang edad ng mga nagbubukas ng account
01:42at magpapatupad ng regular na audit
01:44para matanggal ang mga account na hindi pasok sa age requirement.
01:48Ang Department of Information and Communications Technology
01:51ang pangonahing ahensya magpapatupad nito.
01:53Titiyaking sumusulod ng mga social media platforms
01:56at may kapangirihan magpato ng parusa
01:58kabilang ang pagtanggal at pag-deactivate ng mga account.
02:02Suportado ng DICT ang panukala.
02:04Pero base sa karanasan sa nagpapatuloy na laban
02:06kontra sa sabot-saring cybercrime sa social media,
02:09sa implementasyon nito, nagkakaroon ng problema.
02:27Suportado rin ang Council for the Welfare of Children ang panukala.
02:31Pero sa halip na tuluyang ipagbawal,
02:33ay baka pwedeng limitahan lang.
02:35Dahil hindi rin naman matatawaran ang papel ng social media sa edukasyon
02:38ng mga kabataan.
02:39I think it's a matter of balancing.
02:41Maganda po yung bill.
02:42But yun nga, we have to balance it with the right to participate
02:45in information ng mga bata.
02:47Ito ang unang balita.
02:49Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
02:52Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:56Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel
02:59ng GMA Integrated News.
Comments