00:00Isang political party ang inilunsad ng multi-billionaire na si Elon Musk,
00:05tinawag na katawatawa ni US President Donald Trump,
00:09at ang pagupo ng bagong halal na pangulo ng Republic of Suriname sa South America,
00:16nakabagtala ng bagong kasaysayan.
00:18Ang mga detalya sa sentro na balita ni Joyce Salamatin.
00:23Binatikos ni US President Donald Trump si Elon Musk
00:26matapos nitong inilunsad ang bagong political party na tatapat umano sa kasalukuyang liderato ng Amerika.
00:34Sa post ni Trump sa Truth Social,
00:36iginit niyang off the trail ang naging aksyon ni Musk mula noong umalis siya sa kabinete.
00:41Tinawag din ni Trump na ridiculous o katawatawa ang ideya ng pagkakaroon ng third party sa Amerika,
00:48na aniyay magdudulot lang ng kaguluhan.
00:51We have a tremendous success with the Republican Party.
00:55The Democrats have lost their way, but it's always been a two-party system.
01:00And I think starting a third party just adds to confusion.
01:04It really seems to have been developed for two parties.
01:06Third parties have never worked.
01:08So he can have fun with it, but I think it's ridiculous.
01:11Isang cargo ship ang pinasabugan at sinunog sa Red Sea, malapit sa Yemen.
01:17Ayon sa mga ulat, inatake ito ng walong maliliit na bangka gamit ang baril at rocket-propelled grenade.
01:24Nagdulot ito ng matinding pinsala.
01:26Dahilan, para abandonahin ng crew ang barko.
01:29Ligtas namang nailikas ang lahat ng crew ng nasabing Liberian Flagship.
01:34Pinag-ihinalaan na Manghutis ang nasa likod ng pag-atake dahil tugmaa nila ito sa kanilang stilo.
01:42Naging makasaysayan ang pag-upo ni Jennifer Simons bilang bagong pangulo ng Republic of Suriname.
01:48Lalo na't siya ang kauna-unahang babaeng presidente na nahalal sa South American country.
01:54Si Simons ay itinalaga ng Suriname Parliament.
01:57Matapos ang kasunduan ng 6 na coalition party sa halos tabladong resulta ng halalan.
02:03Si Simons ay dating parliamentary speaker at leader ng National Democratic Party.
02:09Formal siyang manunumpa bilang presidente sa July 16.
02:13Kasama si Gregory Ruslan bilang vice-presidente.
02:17Joyce Salamatid para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.