Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Matumal ang huli ng ilang mangingisda sa Ilocos Norte dahil sa masamang panahon,
00:05dulot ng bagyong bising at hanging habagat.
00:08Live mula sa Ilocos Norte, ngayon ang balita si Darlene Kai.
00:12Darlene, kumisahin na ngayon ang sitwasyon dyan, yung panahon, lagay ng panahon.
00:20Mariz, makulimlim yung kalangitan tapos ambon-ambon yung naranasan ngayon dito sa Lawag City, Ilocos Norte.
00:26Pero tuwing hapon ay bumubuhos yung malakas na ula na sinasabayan din ang malakas na hangin.
00:31Kaya ilang araw na raw apektado yung ilang residente yung nakausap namin dahil nga rito sa sama ng panahon.
00:41Limang araw na tigil si BJ sa pamamanan ng isda dahil sa masamang panahon.
00:45Mas maaraw na kahapon ng umaga kaya nagpa siya siyang sumisid para may maibienta.
00:50Yun nga lang.
00:50Matuman ngayon ma'am kasi malabo yung tubig ngayon.
00:55Bakit?
00:56Kasi may bagyo.
00:57Ilang pirasong maliliit na isda at pugita lang ang nakuha niya.
01:02Sakto lang sa pangulam pero wala pa rin siyang kita.
01:06Buong araw makulimlim sa Ilocos Norte.
01:09Bandang hapon, umula ng malakas at may kasama rin malakas na hangin.
01:14Inabuta naman namin ang ilang residente yung nagtutulong-tulong para hatakin ang lambat ng isang pabalik ng pangka ng manging isda.
01:21Kukunti kasi may bagyo kasi.
01:25Wala pang tatlong kilo ang mga isda. Puro butete pa. Kaya tinapon din ang marami sa dagat.
01:33Wala na namang kita si Richard at kanyang makasama na isang linggo na raw hindi nakakapangisda.
01:38Talang ganyan ang pisarman ma. Kahit walang huli, pwede na rin.
01:47Tinuloy naman ng ilang turista ang kanilang bakasyon dito sa Pagudpod kahit masama ang panahon.
01:52Ang pamilya ni Menchi na taga-Kavita pa, pinagdasal daw na sana gumanda ang panahon.
01:58Actually parang staycation lang ang maghapon.
01:59Pero pinag-pray na lang namin. Sabi ko, you have to wake up early in the morning para masulit.
02:05Ayon sa monitoring ng pag-asa, lumakas pa ang bagyong bising kaya makararanas ng rough seas ang kanlorang bahagi ng Ilocos Norte,
02:11kabilang ang bayan ng Pagudpod. Kaya bawal uling pumalaot ang mga manging isda.
02:16In coordination with the Philippine Coast Guard and the PMT Maritime,
02:21as well as yung mga local government yun sa atin sa barangay, sa city, sa mga munisityo at sara sa province,
02:28sa pinahitin natin yung pagbabantay at pag-i-info dissemination sa mga social networks natin.
02:35Nakawag muna kumalahot habang malakas yung halong.
02:39Nananatingin naman daw nakahanda ang provincial government sa anumang epekto ng bagyo.
02:44Maris, kanina narinig ko, inanunsyo na natin.
02:47Pero ulitin ko lang po para sa mga kapuso natin, nakatututok pa lamang ngayon.
02:50Kagabi pa lang ay sinuspindi na ni Governor Cecilia Arineta Marcos yung pasok o klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan,
02:58mula kindergarten hanggang elementary.
03:00Pero iniiwan niya raw yung otoridad sa mga mayor, school heads at mga employer
03:04kung magsususpindi rin sila ng pasok sa kanika nilang mga lugar.
03:08Yan yung latest mula rito sa Lawag City, Ilocos Norte.
03:11Ako po si Darlene Kay para sa GMA Integrated News.
03:14Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:16Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended