00:00Naging masalimuot ang pagtatapos ng kampanya ng GILAS Pilipinas Women's Basketball Team sa 2025 William Jones Cup,
00:11kasunod ng kanilang 76-57 na kabiguan kontra sa Chinese Taipei University Sports Federation.
00:19Sa kanilang huling laro nitong linggo sa Taipei Heping Basketball Gymnasium,
00:23nanguna si Vanessa De Jesus na nakapagtala ng 15 points, 8 rebounds at tig-dalawang assists at steals,
00:30habang 10 markers, 6 boards at 3 dimes naman para kay Naomi Pangaliban.
00:36Nakapagtala ang Filipina Cagers ng isang panalo at apat natalo sa Jones Cup para maibulsa ang ikalimang pwesto sa torneo.
00:44Matapos ang Jones Cup, focus naman ngayon ng Patrick Aquino Mentored Squad,
00:48ang kanilang magiging laban sa FIBA Women's Asia Cup Division A na aarangkada mula July 13 hanggang 20 sa Shenzhen, China.