00:00Susuriin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga panukalang batas sa 20th Congress.
00:05Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:09Pag-aaralan daw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Anti-Political Dynasty Bill at Divorce Bill
00:15matapos na maisumiting muli ang mga ito sa 20th Congress.
00:19Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:23mas mabuting malaman ng Pangulo ang mga provisyon ng Anti-Political Dynasty bago magkomento.
00:28Yan ay para malaman kung ano ba ang maaaring maging epekto nito.
00:32Mas maganda kung maibigay niya nila ang pinakadetaly at buong nilalaman ng bill na ito
00:39dahil mahirap po sa ngayon na mag-oo o mag-hindi ang Pangulo.
00:44Mas maganda pong maibigay ang pinakadetaly dahil maaaring magandang maidulot nito sa ating bansa.
00:51At tingnan po natin, basta po ang Pangulo naman ay para sa bansa
00:54at para sa mga leader din naman, mga opisyal na gusto din naman maglingkot.
01:00So dapat balansean lahat.
01:01Wala pa naman anyang malinaw na posisyon ng Pangulo patungkol sa Divorce Bill.
01:05Pero kung makikitaan daw ito ng Pangulo ng magandang provisyon
01:08at susuportahan ng Simbahang Katolika,
01:11ay maaaring suportahan din ito ng Presidente.
01:13Gayon man, hinimok pa rin ang palasyo na mas mabuting ayusin ang anumang problema
01:17sa pagitan ng mga mag-asawa.
01:19Pero mas maganda po sana, at yun din po ang nais ng Pangulo na
01:24mas paigtingin natin ang magandang pagsasama ng mag-asawa.
01:28Mas palawigin natin na mas marisolba ng bawat mag-asawa
01:33ang kanilang problema para maayos ang kanilang pamilya.
01:37Hindi lang para sa kanilang dalawa, kundi para sa kanilang mga anak.
01:40Sa panukalang batas naman na naglalayong irregulate
01:42ang paggamit ng internet ng mga minor de edad tugon ng palasyo.
01:46Kung ano'y makakabuti sa ating mga kababayan, lalong-lalong na sa mga kabataan.
01:51Kung ito po talaga ay magkakos ng mental health issues,
01:56sususugan din po ng Pangulo yan at makakakuha siya ng suporta.
02:01Basta po ito'y para sa taong bayan at lalong-lalong na para sa kabataan.