Itinanggi ni Charlie "Atong Ang" ang mga pahayag ni Julie "Dondon" Patidongan na si Ang ang nasa likod ng hindi umano bababa sa 100 missing sabungeros. Giit ni Ang, siya raw ang kinikilan ni Patidongan taliwas sa alegasyong nanuhol siya ng P300M. Sagot naman ni Patidongan, walang katotohanan ang mga paratang sa kanya kabilang ang pagplanong dukutin si Ang. Wala rin aniyang basehan ang reklamong isinampa laban sa kanya.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Itinanggin ni Atong Ang ang mga pahayag ni Dondon Patidongan na siya ang nasa likod ng hindi raw bababa sa isandaang mising sabongeros.
00:09Hindi rin daw niya sinubukang suhulan si Patidongan ng 300 million pesos.
00:14Si Patidongan daw ang nangikil umano sa kanya.
00:17Kasabay niyan, nagain din ang kampo ni Ang ng limang reklamo laban kay Patidongan.
00:22Iyan naman ang tinutukan ni John Consulta.
00:24Sa Mandalu yung Prosecutor's Office piniling maghain ng reklamo ni Charlie Atong Ang.
00:35Laban kay alias Totoy na si Julie Dondon Patidongan at isang Alan Bantires o Mr. Brown.
00:43Pinanumpaan niya at ng tatlong testigo niya ang kanyang sworn affidavit laban kay Patidongan na nagsangkot sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:54Five cases.
00:56Ano ang cases niya ma'am?
00:57Robbery, grave threats, grave coercion, slander and incriminating innocent people.
01:06Wala kami kinalaman lahat dyan.
01:07Kapareho, nauulitin ko ang sinasabi ko, lahat ng grupo namin, mga disenteng tao yan.
01:19Wala naman kaming history na pumapatay ng tao.
01:21Itinangginiang ang aligasyon ni Patidongan na sinubukan niya itong suhulan ng 300 milyon pesos.
01:27Ayon sa kanya at iba pa nilang tauhan, si Patidongan Anya ang humingi ng 300 milyon pesos na mag-usap ito at abugadong si Atty.
01:37Carl Cruz sa isang hotel itong June 12.
01:40Sabi ni Cruz, ito ang dahilan.
01:42Kaya sila naghanda ng Affidavit of Recantation.
01:45Sabihin daw, para makonbinsi ko siya na magbigay na lang ng 300.
01:50Kung may discount man, bahala na silang mag-usap.
01:52Kung 30 milyon, bahala sila.
01:54Para wala silang dalawa na mag-uusap.
01:56Subject to their mutual terms.
01:58Kasi na-mention nga daw niya yung 300, bayaran na lang daw si Dondon para makaalis na sa paalis, makalayo kung ano ma yung statements niya sa ano, magtago na kasama ang pamilya.
02:10I was requested by Mr. Brown to draft the Affidavit of Recantation, which I did.
02:17And pinadala ko sa kanya on June 21.
02:19Ayon kay Ang, nanghingi ito kahit nagbigay na siya ng 12 milyon pesos na campaign fund para sa mayoral race ni Patidongan nung eleksyon.
02:28Ang puno at dulo talaga nito, pera.
02:30Linihingan ako ng 300 milyon para ibigay daw, para huwag daw ko idamay doon sa kaso nila.
02:34Kasi sila may kaso, hindi naman ako eh.
02:36Sinabi sa akin ni Brown, para maayos daw yan, bigyan ko ng 300 milyon.
02:41Kaya namura ko doon ang simula.
02:42As early as February bago siya mag-file, bago siya gumawa ng Affidavit.
02:46May mga telephone call kami dito eh.
02:51Actually, mapapatunayan ko sa inyo yan in the future.
02:54Hindi lang anya siya ang hiniyan nang matalo si Patidongan nitong eleksyon.
02:59Ang grupo namin, lahat tinatawagan na isa-isa, nage-extort eh.
03:03Akala yata niya, pagkatapos siya magsalita na kung ano-ano kalukuhan,
03:08pwede na lang siyang biglang aalis pag nakuha niya ang pere eh.
03:11Yun ang problema eh.
03:11Lahat tinatawagan eh.
03:13Si Gretchen, tinatawagan, sinasama ni si Gretchen,
03:18humihingi nung time na humihingi ng pangkampanya yung asawa.
03:23Tapos tinawagan din ni Brown, kinausap din ni Don Don.
03:28Tapos humihingi ng pangpapanganak.
03:30Aligasyon ngayon ni Atong Ang, may plano ang grupo ni Patidongan na kanyang nadiskubre.
03:36Kasi nasa paligid ko, mga tao niya eh.
03:39Noong time na nagtituwala ako sa kanya.
03:40Ngayon, ang napag-usapan doon, kikindapin ako, matutubos ako, saka papatayin ako.
03:49Sabi pa ng kanyang kampo, hindi kwalifikado si Patidongan na maging state witness.
03:55Dahil ito umano ang may pinakamabigat na participation sa kaso.
03:59Questionable rin umano ang pagkataon ito dahil sa dami umano ng mga hinaharap na kaso.
04:04Nakita pa namin sa due diligence namin na noong January 2020, merong nag-file ng information for frustrated murder.
04:16Ito, against yung whistleblower na yan sa RTC Morong Rizal.
04:22Meron pa siyang charge for murder and multiple frustrated murder in Taytay Rizal, final noong March 2019.
04:30Nakita rin namin na noong July 2019, ang Metrobank mismo, Metrobank, Metropolitan Bank and Trust Company mismo,
04:41ang nag-file ng isang kaso for robbery.
04:44Robbery, robbery with threat and intimidation, physical injuries and grave threats.
04:50So tignan natin, credible ba itong whistleblower na ito?
04:56Nandito pa kami para ilabas ang katotohanan because baka mag-follow ng false leads ang SOJ.
05:03Wala na lamang mangyayari sa kasong ito.
05:06May ensayin ni Atong Ang sa pamilya ng mga nawawalang sabongeros.
05:10Malalaman niyo rin ang totoo. Siguro sa pag-i-investin niya, may ilalabas na totoo dyan.
05:14Wala kami kinalaman lahat dyan. Kapareho, nauulitin ko, sinasabi ko, lahat ng grupo namin, mga disenteng tao yan.
05:22Ang hiling lang namin, sabong lang.
05:25At mensahin naman niya kay Don Don Patidongan.
05:28Don, mag-isip ka don. Kung ano man ng mga, huwag ka na magsinungaling na magsinungaling.
05:35Eh, tinuri kita parang anak ko eh. Hindi ko alam na ganyang kakasama.
05:38Pati ako, papatayin mo pa, kikitnapin mo pa ako.
05:40Ano ang mga nadadaman?
05:43Eh, yun lang, gano'n lang kasimple.
05:47Kailangan ko, kailangan ko lang proteksyon na ng sarili ko na yan.
05:51Tsaka ang grupo namin, kawawa na kami masyado.
05:53Sinusubukan pa na makuha ng GMA News ang pahayag ni Bantiles na kapwa-akusado ni Patidongan.
06:00Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
06:10At bilang tugon sa mga pahayag at reklamo ni Atong Ang,
06:17iginiit ni Julie Dondon Patidongan na walang katotokanan ng mga paratang sa kanya.
06:22Kabilang ang paghingi umano niya ng daan-daan milyong piso para bawiin ang pahayag laban sa dating amo,
06:28itinang ganyan rin na nagplano siyang dukutin ito.
06:32Wala rin umanong bataya ng mga reklamong murder at frustrated murder na isinampalaban sa kanya.
06:36Narito ang aking eksklusibong panayam sa kanya.
06:44Nanindigan si Dondon Patidongan na kabaligtaran ang sinabi ni Atong Ang sa press conference kanina.
06:50Hindi siyang lumapit kundi siya ang nilapitan ng kampo ni Ang para papirmahin
06:54ng affidavit of recantation o pagbawi sa kanyang statement laban sa dating niyang amo,
07:00ang kapalit daan-daang milyong piso.
07:02Parang binaliktad niya ang lahat na sinabihan ako doon-doon,
07:08tanggapin mo na yan, bawiin mo lahat ng sinasabi mo at mag-abroad ka na lang.
07:14Yun ang pagkasabi sa akin.
07:16Okay, so hindi ako nanghingi?
07:18Hindi ako nanghingi.
07:20Itinanggi niya rin ang aligasyong nagplano siyang dukutin si Ang.
07:24Kabaliktaran lahat ng sinabi niya.
07:27Ako mangidnap sa kanya, sino ba naman ako?
07:29Si Mr. Atong Ang, mag-isip kayo, kikidnapin ko na halos lahat nandoon na sa kanya.
07:37Kwento ni Pati Dongan, hindi siya kundi kamag-anak ni Atong Ang,
07:41ang isaan niya sa anim na gwardyang kinasuhan sa pagkawala ng mga sabongero sa Manila Arena noong 2021.
07:48Pero kinausap umano siya ni Ang para saluhin ang kaso.
07:52Kung nakiusap siya sa akin, dun, total marunong ka naman sumagot,
07:57ah, kayo na lang, palit na lang kayo.
07:59Kasi ito sa ***, battery na lang ang gumagana dito, yung may opera na yan.
08:04Sumunod daw siya sa utos, pero ang masaklap, iniwan umano siya ni Ang.
08:09Yung nangyari sa akin, nahuli kami, siyang may utak nun.
08:15Pasalamat ako na nadampot ko yung anak ko.
08:17Kung hindi ko nadampot, kwento na lang sana si Dundon Pati Dongan.
08:21Kung meron daw dapat na managot sa pagkawala,
08:24halimbawa na lang ng anim na sabongero sa Manila Arena noong nakaraang 2021,
08:29si Ang Umano, dapat yun.
08:31Sa Manila Arena, nandun siya, nandun siya sa baba, nandun, nagsasabong yung time na yun.
08:36Ikaw may ari ng sabongan?
08:38Alam mo na si Dundon Pati Dongan ay inutusan ninyo na kunin yung tao sa taas,
08:43iturn over dun sa mga pulis.
08:45Paano ako maging guilty dun?
08:47Wala rin anyang batayan ang mga inungkat kaninang mga kasong isinampas sa kanya,
08:50gaya ng murder at frustrated murder.
08:53Alam naman ang Panginoon niyan, kung mayroon man niyan, dapat noon pa, di ba?
08:59Pinagbintangan lang ako niyan, yung sinasabi niyang murder.
09:03Pinapapatay niya yung isang tao doon na nanggugulo.
09:06Sa totoo niyan, piniansahan pa nga niya ako noon.
09:09Pinaglaban ang ator niya.
09:11At, kaugnay ng nabanggit na pagkakasangkot niya sa robbery sa isang bangko.
09:17Dahil galit sa akin, dahil hindi na siya pinagkatiwalaan ni Mr. Atong Ang,
09:22nilagay ni *** ang mukha ko niya.
09:25Absuelto na yan, ang ator niya ko nga dyan, si ator ni Caroline Cruz, yung katabi niya kanina.
09:29Inihinga namin ang reaksyon si Ang sa mga sinabi ni Pati Dongan.
09:33Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.