00:00Naka-alerto naman ang mga kinukulang ehensya ng pamalaan sa Cordillera region sa harap ng epekto ng low pressure area at habagat.
00:09Batay sa tala ng Mines and Geosciences Bureau,
00:14i-1032 barangay sa Rion ang posibleng bahain at magkaroon pa ng landslide.
00:21Si Janice Denise ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:26Dahil sa sunod-sunod na malalakas na pag-ulan,
00:33binaha ang bahagi ng kalsadang ito sa Barangay Irisan sa Baguio City noong lunes.
00:39Ayon sa barangay, dalawang taon nang pinoproblema ang pagbaha sa lugar tuwing panahon ng tag-ulan.
00:45Maliit kasi ang drainage sa kalsada at dumagdag pa ang mga naipong mga basura
00:51kaya pinapaalala sa mga residente na maging responsable sa pagbabasura.
00:56Gulat din ako, bakit ulan ngay, ganun ang nangyari.
01:01Mahigpit na binabantayan ng pag-asa ang isang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility
01:08na nasa hilagang silangan ng Apari, Cagayana, kasabay na nito ang nararanasang Southwest monsoon.
01:15Sa kanilang forecast, dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng Hulyo.
01:25Kapag ang Southwest monsoon ang uma-apekto sa isang lugar, anytime may pag-uulan tayo.
01:31Unlike yung mga localized thunderstorms, nasa hapon lagi ang mga occurrence ng mga thunderstorms.
01:37Naka-heightened alert na ang Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defense Cordillera
01:45sa posibleng maging epekto ng naturang weather systems sa regyon.
01:50Nakipag-ugnayan na rin ang OCD sa lahat ng ahensya para ihanda ang mga kinakailangang kagamitan.
01:57Sa ngayon, ang tinitignan natin is yung continuous monitoring sa ating mga probinsya, including dito sa City of Baguio.
02:04May mga minor activities tayong ginagawa tulad ng pag-repair at pag-aayos ng mga kalsadang naisara noong mga nakarang araw dahil sa mga malalakas na localized thunderstorms.
02:14Kahapon, nagpakawala ng tubig ang Ambuklao Dam at nananatiling nakabukas ang dalawang gate nito.
02:21Sa tala naman ng Mines and Geosciences Bureau as of July 2, 2025, aabot na sa 132 ang barangay na susceptible sa landslide at flooding.
02:34Kaya naman, ipinaalala ng ahensya ang pagiging alerto at paglikas sa ligtas na lugar kung kinakailangan.
02:41Ang Department of the Interior and Local Government Cordillera naman, pinaalalahanan ang mga lokal na opisyal na mahigpit na magbantay sa kanilang nasasakupan sa panahon ng kalamidad.
02:54Palagi po silang handa na lalo-lalo na kapag ito dumating na naman ang tag-ulan na laging handa ang anumang komunidad sa kanilang sinasakupan.
03:07Meron po tayo yung tinatawag na operation listo at alam na ng ating mga local officials yan.
03:15Nakapaghanda na rin ang Department of Social Welfare and Development ng sapat na supply ng food and non-food packs ngayong tag-ulan.
03:23Nakapreposition na ang family food packs sa iba't ibang probinsya para madaling ma-access ng malokal na pamahalaan kung kailangan.
03:31Janice Dennis para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.