00:00Nanindigan ang palasyo na hindi kailanman mapapatahimik ang mga Pilipinong ipaglalaban ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
00:09Ito ay kasunod ng pagban ng China kay dating Sen. Francis Tolentino.
00:14Ayon kay Press Officer Yusek Claire Castro, desisyon ng China ang sanksyon.
00:19Pero hindi nito mapipigilan ang mga pro-Philippines na ipaglaban ang soberanya ng bansa.
00:25Tinawag naman ni Tolentino na badge of honor ang ipinataw na sanksyon na patunayan niya ng paninindigan niyang protektahan ang karapatan ng Pilipinas sa mga katubigan nito.