Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kasama ni Gusyanti si Atong Ang at ang showbiz personality na si Gretchen Barreto sa mga idinawit na isa sa mga akusadong sa missing Sabongeros case na si Julie Dondon Patidongan.
00:12Gita man ang kampo ni Ang, kasinungalingan ang mga sinabi ni Patidongan.
00:16Sinisika pa rin namin makuwang panig ni Barreto at dalawa pang idinadawit ni Patidongan.
00:21Ayaw pa pang inilahad ni Patidongan sa unang balita ni Emil Sumangil, Exclusive.
00:25Sa muling pagharap ni Alias Totoy sa GMA Integrated News, pumayag na siyang ilabas ang kanyang tunay na pangalan.
00:36Siya, si Julie Dondon Patidongan, head ng security ng ilang sabongan.
00:41Isa rin siya sa anim na kinasuhan sa pagkawala ng mga sabongero sa iba't ibang lugar sa bansa.
00:47Ano naging papel mo dito sa missing Sabongero? Ba't ikaw ay kasama sa kinasuhan?
00:50Sa totoo lang, wala akong kinalaman dyan at isa lang akong utusan niya na bilang parmanager.
00:59Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News, pinangalanan ni Patidongan ang mga umunoy mastermind sa pagkawala ng hindi raw bababa sa sandaang mga sabongero.
01:09Nandyan sa apidabit ko yan, Mr. Charlie Atong Ang, then Eric De La Rosa, Engineer Silso Salazar.
01:18Sila ang mastermind sa nawalang mga sabongero. Sila ang utak ng lahat.
01:24I-dinetalya niya ang papel ng mga ito.
01:27Si Mr. Eric De La Rosa, siya ang nagmamonitor ng mga palabas.
01:32Pag alam niya ang tsupi, pinapaalam niya kay Mr. Atong Ang, then mag-uusap sila ni Silso Salazar,
01:39then itawag sa akin na i-hold yung mga taong nagsutsupi.
01:42Kasi Mr. Atong Ang, siya yung chairman ng pitmaster. Siya ang pinaka-mastermind at siya ang nag-uutos na talagang iligpit yung mga yan.
01:54Pinangalanan na rin niya pati ang babaeng showbiz personality na nauna niyang iniugnay sa kaso.
01:59Yung attista na yan, walang iba kundi si Ms. Gritzen Barito.
02:05100% na may kinalaman siya at gawa na lagi sila magkasama ni Mr. Atong Ang.
02:11Ang panawagan ko lang sa kanya para naman medyo maano siya, makipagtulungan na lang siya sa akin.
02:21Ayon kay Pati Dongan, nagpa-interview siya dahil kung ano-ano na raw bintang ang ibinabato sa kanya ng mga kalabang.
02:28Ipinakita niya sa akin ang affidavit na pinapipirma raw sa kanya ng kampo ni Atong Ang.
02:33Nakasaad umano rito na babawiin at babalik na rin ni Pati Dongan.
02:36Ang lahat ng kanyang naging salaysay laban sa kampo ni Naatong Ang at iba pa, kapalit ng 300 milyon pesos.
02:43Mr. Atong Ang, sabi na nga ng mga matatanda na huwag ka na magtago sa palda ng nanay mo.
02:51Binigyan mo ako ng papel na para pirmahan ko yung rekantisyon ba yun na binigay mo sa akin kapalit ng pira.
03:03Sabi ko hindi ko kayang tanggapin yan dahil buhay ko at buhay ng pamilya ang nakataya dito.
03:10Sa statement na pinadala ng kampo ni Atong Ang, sinabing maghahain siya ng complaint affidavit laban kay Pati Dongan.
03:25Iahain daw nila ito sa Office of Mandaluyong City Prosecutor.
03:28Ayong pasakampo ni Ang, isa si Pati Dongan, sa nakipagsabatan umano para magsagawa ng attempted robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coercion, incriminating against innocent persons at slander laban kay Ang.
03:44Nabahiran umano nito ang dignidad at reputasyon ni Ang at nagdulot ng anxiety at stress sa kanyang pamilya.
03:52Wala raw katotohanan, walang basiyan at malisyoso umano ang mga aligasyon laban sa negosyante.
03:58Sa katunayanan nila, nakikipagtulungan siya sa mga otoridad mula noong magsimula ang investigasyon para malinis ang kanyang pangalam.
04:05Umaapela rin si Ang sa publiko at sa media na huwag magkalat ng maling impormasyon.
04:10Dapat daw mapanatili ang right to do process at maiwasan ang trial by publicity.
04:15Ikaw pala ikakasuhang ni Atong Ang. Ano man sasabi mo?
04:18So, parang kinasuhan niya na rin yung sarili niya dahil ako kakasuhan niya, siya naman nag-uutos ng lahat.
04:25Katulad niyong sinabi niya, nag-extortion daw ako ng 300 milyon para alam ng lahat, hindi ko kayang tanggapin yung pira niya.
04:36Sa mga taong nagtaka, bakit ngayon lang ako lumutang?
04:39Ngayon, lumutang ako dahil alam ko ang pinagkatiwalaan kong tao na ang ating PNP chief na si General Tore.
04:51Alam kong hindi niya kaya bayaran ng pira yan.
04:55Sinusubukan palaming bako ang panig ni Gretchen Barreto at iba pang nabanggit ni Patidongan.
05:00Ang mga ibinunyag ni Patidongan, hindi na raw ikinagulat ng pamilya ni Edgar Malacca, pero para raw silang pinarusahan sa kanilang narinig.
05:09Kung nagkasalaman sana yung mga sabungero, dapat dinaan nyo sa batas, pinakulong nyo na lang sana, dinaan nyo sa proseso.
05:21Hindi, masama ang loob namin kung gano'n ang ginawa mo.
05:25Pero yung pagkidnap, pagkitil sa mga buhay ng 34 na sabungero, sobra-sobra yung ginawa mong parusa sa amin lahat.
05:38Nasaan ang konsensya mo? Wala ka bang ina? Wala ka bang anak? Wala ka bang kapatid at mga asawa?
05:46Ang 76 na taong gulang na ina ni John John Lasko, napaluha pero lalaban daw siya.
05:52Magdusa din sila. Magdusa sila sa kulungan. Maranasan nila kung gano'ng kahirap.
06:03Yan eh, kulong pa lang. How much more pinatay nila yung anak ko. Laban ako. Kailangan lumaban ako.
06:12Anya, matagal na nilang alam sa pamilya na si Ang ang suspect pero takot silang ulang magpangalan kay Ang.
06:20Panawagan niya kay Patidongan na huwag siyang magrekant o bumaliktad at sanay lumabas pa ang ibang testigo.
06:27Kasabay ng kanyang mga revelasyon na nawagan sa Pangulo si Patidongan.
06:31Sa mahal kong presidente, BBM, sir, sana pakinggan mo naman yung mga pamilya na namamatayan.
06:42Ito na yung pagkakataon na tulungan niyo ako dahil lahat ng sinasabi ko dito walang kasinungalingan at walang pirang kapalit dito.
06:52Ayon sa Malacanang, patuloy na pinaiimbestiga ng Pangulo ang kaso ng mga nawawalang sabongero.
06:56Patuloy po ang pag-iimbestiga ng malalimang pag-iimbestiga para malaman kung sino ba talaga ang sangkot dito at mapanagot ang dapat mapanagot.
07:04Ito ang unang balita, Emil Sumagil para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended