Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arrestado sa Malabuan ng isang dating kahera na sangkot umano sa paulit-ulit na pagnanakaw sa pinagtatrabahuhang supermarket, limang taon na ang nakaraan.
00:10Nakapagtrabaho pa ang suspect sa Saudi bago mahuli. Balit ang hatid ni Bea Pinlak.
00:23Tahimik lang ang 35-anyos na babaeng ito nang arrestuhin siya sa Malabuan kahapon.
00:29May warrant of arrest siya dahil sa serye ng pagnanakaw umano noong 2020.
00:35Nangyari ang krimen sa isang supermarket sa Kaloocan kung saan nagtrabaho bilang kahera ang babae.
00:42Inireklamo siya ng dati niyang employer ayon sa pulisya.
00:46Yung mga kasamahan niya, kapag magpapunch, bibili ng produkto galing ito sa supermarket, siya bilang kahera, hindi niya pinapunch.
00:59Lahat ng produkto.
01:01At pagkatapos, pagkatapos nilang masagawa yung mali nilang ginagawa, sa kanila paghahati-hatian yung proceeds ng mga ninakaw nila.
01:11Limang beses niyang ginawa sa ibang pagkakataon at sa magkakaibang panahon.
01:16Ayon sa pulisya, bago lumabas ang warrant of arrest, nakapunta na raw sa Saudi Arabia ang akusado para magtrabaho bilang domestic helper.
01:25Itong akusado natin ay nakapag-abroad, tapos nakauwi lang siya noong 2023.
01:34Nahuli ng pulisya ang akusado sa kanyang bahay sa barangay Tonsuya, Malabon, matapos makuha ang informasyon na nakabalik na siya ng Pilipinas.
01:44Sinubukan naming kuhanan siya ng pahayag.
01:47Paumanin po sa inyo, hindi ko po masasagot ang inyong mga katanungan po. Sa korte ko na lamang po siya sasagotin.
01:53Five counts of qualified theft ang isinampa laban sa akusado na nakapiit ngayon sa Malabon City Police Station.
02:01Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended