Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/25/2025
24 Oras: (Part 3) Pag-araro ng truck sa SUV at pagsalpok sa 10-wheeler,ikinadamay ng 7 ibang sasakyan; naghahanap umano ng barya sa imburnal, na-trap kaya kinailangang sagipin; truck, bumitin sa gumuhong tulay sa China, sakay na driver, nailigtas; Sang'gre Flamarra Faith da Silva na abala rin sa "Stars on the Floor" at "TiktoClock", kaya bang isabay ang love life?, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Perwisyo ang dulot ng proyektong sidewalk sa San Mateo Rizal dahil natenggan ang hindi tapos.
00:08Ang takaw aksidente niyan idunulog sa inyong Kapuso Action Man.
00:19Inukay na sidewalk pero iniwan daw na nakatiwangwang?
00:24Agaw pansin ang hilekilerang orange barrier cones pero may mga nagtumba ka na.
00:28Ang naiwang mga tipak ng bato na kausli lang sa hukay.
00:32May gumagawa dito eh, may mga kontraktor. Bakit ako may natira? Kailangan nalipatapos nila. Inupisahan, dapat tapusin.
00:40Mga Kapuso, ang construction site na ito na iniwang nakatingga, ugat ngayon ang problema, hindi lamang sa mga pedestre lang nagdaraan dito,
00:48kundi pati po sa mga motoristang nasa aking kaliwa dahil ang binabanggit ilang motor na ang nahulog sa era na ito.
00:56Tumataas din daw ang tubig, kaya't walang choice yung mga tao, kundi ang maglakad sa ibabaw na kalsada, ang problema lamang tulad niyan.
01:05Pwede akong masagasaan dahil ito po ay daanan ng mga sasakyan.
01:11Ang senior citizen na si Jeanette, hindi lang isa, kundi tatlong beses na raw na hulog sa lugar.
01:16Mahalos na pasubasob. Lucky Lim, yung apo ko beside me. Buti ako makapal yung suot kong pantalon.
01:23So, halos mapunit yung pantalon ko dahil maraming ano dun eh, yung sharp na mga bato, mga matutulis.
01:33Dumulog ang inyong kapuso action man sa DPWH Rizal 2nd District Engineering Office.
01:39Anila, nagkaroon ng road right of way issue. Kaya naantala ang proyekto.
01:44Katuwang nila ang lokal na pamahalaan sa pagresolbaan nito.
01:47Sa ngayon ay patuloy ang negosyasyon para mapirmahan ng deed of sale sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng may-ari ng lupa.
01:55Sa sandaling maisaayos ito ay itutuloy na ang konstruksyon.
01:58Tututukan namin ang sumbong na ito. Para po sa inyong mga sumbong,
02:05pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page o magtungo sa GMA Action Center
02:10sa GMA Network Drive Corner, Samar Avenue, Diliman, Quezon City.
02:14Dahil sa namang reklamo, pang-abuso o katiwalayan, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:24Bukod sa patuloy na aktibidad ng Volkang Kanlaon,
02:27dagdag perwisyo sa mga magsasaka ang halos walang tigil na pagulan.
02:33Dahil sa pagkalugi, hindi na prioridad ng ilang residente makapagpatingin sa espesyalista.
02:39Kaya naman hatin ng GMA Kapuso Foundation ang kalusugan caravan project para sa ating mga kababayan doon.
02:47Dahil sa masamang panahon at ashfall na dulot ng pag-aalboroto ng Volkang Kanloon,
02:58nasira ang ilang pananim sa Bagos City sa Negros Occidental.
03:03Kaya ang magsasaka na si Rizaldi, walang magawa kundi ibenta ng palugi ang kanyang mga palay.
03:12Para makatulong ang kanyang misis na si Ann,
03:15nagtitinda ng miryenda kahit pa may iniinda siyang bukol sa likod.
03:21Makati, tapos ano siya kumikirot.
03:26Dati hindi, ngayon lang.
03:28Diabetic din si Ann, pero hindi siya nakakainom ng maintenance medicine dahil kapus nga, sakita.
03:39Kabilang siya sa natulungan ng kalusugan caravan ng GMA Kapuso Foundation,
03:45kung saan may libreng medical consultation, dental services, at salamin sa mata
03:51para sa mahigit siyang nadaang residente doon.
03:55Nagbigay rin tayo ng mga hygiene kit.
03:58Pag natamaan ka ng kalamidad, like here, medyo mahirap maghanap ng medical aid.
04:05So that's why we really target remote areas.
04:10Si Ann nakapagpatina sa spesyalista at nabigyan pa ng gamot.
04:14Diabetes, ayun yung cause ng kanyang pabalik-balik na infection sa likod.
04:18Every two weeks, at least, makapag-check sila ng sugar sa mga city health.
04:22Si Laika Joy naman na pa-check up na ang kanyang dalawang taong gulang na anak
04:27na may hand, foot, and mouth disease.
04:31Maaari itong makuha sa paghawak sa mga bagay na nadapuan ng virus o droplets mula sa simpon at ubo.
04:40Mostly po kasi ang mga kabataan, nakahawahawa po sila kapag especially po there are close contacts.
04:46Umuwi namang masaya ang magsasakang si Luciano.
04:52Matapos kasi ang 20 taong pagtitiis sa malabong paningin,
04:57sa wakas, may salami na siya sa tulong ng ideal vision.
05:02Sa mga nais makiisa sa aming mga health projects,
05:07maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa simpon na laluhul year,
05:13whether ring online via Gcash, Shopee, Lazada, at Globe Rewards.
05:23Magandang gabi mga kapuso!
05:25Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
05:28Isang malalimang pag-aaral ang sinagawa ng mga eksperto mula sa University of the Philippines Marine Science Institute
05:35sa pinakababaw na bahagi ng Philippine Rice, ang Benham Bank.
05:39Ano kaya ang kanilang nadiskubre tukos sa bahagi ito na ating katubigan?
05:47Sa silangang bahagi ng Pilipinas, matatagpuan 50 meters sa ilalim ng sea surface.
05:52Ang isang sea mount na mas mataas pa rao kung ikukumpara sa pinakabatayag na buntok sa bansa,
05:57ang Mount Apo sa Mindanao.
05:59Ito ang tinatawag na Benham Bank.
06:01So ang Benham Bank, situated around 200 kilometers from the eastern part of Luzon.
06:07Part siya ng mas malaking tinatawag natin na Benham Riles.
06:10Yun yung pinaka-shallowest part.
06:12Ito 2019, ang mga researcher ng University of the Philippines Marine Institute o UPMSI
06:17naglayag patungo sa kinaroon-ona nito.
06:19At gamit ang baited remote underwater video systems,
06:22pinag-aralan nila ang puso ng Benham Bank.
06:24At sa kauna-una ang pagkakataon, pinahagi nila sa publiko, kanilang nadeskubri.
06:34Sa Menham Bank, patatagpuan daw ang isa sa pinakamayamang deep coral ecosystem sa Pilipinas.
06:39Merong mga areas na ang coral cover is 75 to 100 percent.
06:44If you go around the Philippines, very limited lang yung mga areas na may ganong coral cover.
06:49And it's surprising kasi nasa malalim na siya.
06:53Yung light na nare-receive ng mga corals is not as much as when you are in the shallow reef.
06:58But then, you see this very pristine environment.
07:01Kabilang din sa katilang mga nadiskubri doon,
07:04ang ilang mga benthic habitats o ecological regions sa pusod ng dagat
07:07na tinitirha ng iba't ibang marine organism.
07:10May mga seaweeds or macroalgae and you have turf algae
07:13and then also soft corals and octocorals, sponges.
07:16Sobrang diverse yung community na nakikita mo doon.
07:19It allows also other marine organisms na mag-thrive doon.
07:24At ang magandang banita raw,
07:25wala pa kaming nakikita threats at destructive levels pristine
07:29kasi free siya from physical and mechanical stress associated with fishing or illegal poaching.
07:34We saw already like a lot of patterns of coral habitat degradation around the country.
07:39But we have at least a hope na pwede nating protektahan
07:42and may even be helpful in terms of providing larval sources to nearby coral reefs.
07:48Kaya ang hangad ngayon ni na Joey.
07:50I hope this study would even further help in the conservation of the area.
07:55Ang Benham ba?
07:56Maliit na bahagi lamang ng Benham rice o Philippine rice.
07:59May ideya pa kayo kung gaano kalawak akabuan ito?
08:02Kuya Kim, ano na?
08:03Ang Philippine rice may lawak na humigit kumulang 13 million hectares.
08:14Mas malawak ito kumpara sa buong isla ng Luzon.
08:16Tinawag itong noon na Benham rice,
08:18pinangananan sa Amerikanong Navy officer na si Andrew Benham
08:22na siyang nakadiscover nito noong 1933.
08:25Pero toong 2017, sa visa ng Proclamation No. 489
08:28ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
08:31pinalitan ng pangalan nito.
08:32Mula Benham rice, tinatawag na ngayon itong Philippine rice.
08:36Samantala, para malaban ang trivia sa likod ng viral na balita,
08:39i-post o i-comment lang,
08:40Hashtag Kuya Kim, ano na?
08:42Laging tandaan, kimportante ang may alam.
08:45Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 horas.
08:49Makapigil hini nga ang naging tagpo ng gumho ang isang tulay sa China.
08:53Bumitin kasi ang unahan ng truck na ito sa dulo ng gumuhong parte ng tulay.
09:04Kita rin sa video kung gaano kataas ang pinagbagsakan ng tulay.
09:08Nasa truck ang driver na inabisuhang maghintay ng mga rescuer.
09:12Tagumpay naman siyang nailigtas ayong sa mga tulidad.
09:15Gumho ang tulay dahil sa landslide na bunsod ng malakas na ulan.
09:18Sa Ukraine, hindi bababa sa labing apat ang patay sa magkahiwalay ng pag-atake ng Russia.
09:24Sa isang insidente, hindi bababa sa labing isa ang patay dahil sa ballistic missile ng Russia.
09:30Maigit 116 na po naman nasugatan kabilang ang ilang bata.
09:33Sa isa pang pag-atake, sa hiwalay na lugar, tatlo ang nasawi kabilang na ang walong taong gulang na batang lalaki.
09:40Natutulog ang mga biktima ng mangyari ang drone attack.
09:42February 2022 na magsimula ang gyera, dakila sa pagsakop ng Russia sa Ukraine kung saan libu-libong sibilya na ang nasawi.
09:52May lisensya o mano sa Korea, pero wala naman sa Pilipinas.
09:57Kaya inaresto ang dayuhang dermatologist na nagki-clinic sa Makati.
10:03Nakatutok si Mark Salazar.
10:05Sa mismo ang klinik sa isang kondo building sa Makati, inaresto ng NBI ang isang umano'y Korean dermatologist na nagki-clinic ng walang lisensya.
10:18They have a certificate of practice here from the PRC.
10:22What is PRC?
10:24The professional regulation commission is the one regulating the practice of medicine here in the Philippines.
10:32I don't have a license here, but I have in Korea.
10:34In Korea, but you cannot practice here without the proper license.
10:38Yeah, I cannot stand.
10:39Do you understand?
10:39That's why our owner is my friend, but the doctor is Dr. Ryan.
10:44If you allow, we can go.
10:46Hanggang ngayon, wala namang lumilitaw na Dr. Ryan para suportahan ang depensa ng Korean Derma.
10:52Where is Dr. Ryan? He's not around, so you should not perform any procedure here.
10:58You are using Dr. Ryan's name, but you are performing medical procedure without his presence.
11:07That is violation of our medical act.
11:14May inabutan pang pasyente sa klinik ang NBI na tila na injection na na ng gamot na may Korean letters.
11:20She is waiting for Dr. Ryan.
11:23How about nakahigat?
11:25She is just here from consultation.
11:28And then to get further treatment from Dr. Ryan, they are waiting for looking over Dr. Ryan.
11:35But what she's showing us now, she already took some injection.
11:40Okay?
11:40The presence of Dr. Ryan.
11:42Is that against the law?
11:43May mga nakadisplay na permits at certificates para sa operasyon ng Derma Clinic.
11:49Pero ang license to practice ng Korean doctor ang issue.
11:52She is not licensed to practice her profession here in the Philippines.
11:58Ayaw nang magbigay ng pahayag sa media ng Korean Derma habang nakahold siya sa NBI headquarters.
12:04Kasama ang mga nakumpis ka sa kanyang mga medical equipment.
12:08Sa kasong ito, may paalala ang NBI sa mga mahilig magpa-derma sa kung saan-saan lang.
12:15Pagka nakita yung dermatologist o yung practitioner e foreigner,
12:21ang timano, ang isip ng mga kababayan natin e magaling to, mahusay ito.
12:27But then, yun, ingat sila, lalo na kung foreigner, kailangan na situate na mayroong license talaga.
12:34Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
12:42Update sa pag-araro ng truck sa isang SUV sa Antipolo na ikinasugat ng siyam na tao.
12:48Umabot sa sampung sasakyan ang nagkarambola sa lugar.
12:51Nakatutok doon live, Jamie Santos.
12:54Jamie.
12:55Emil, nandito pa rin sa kahabaan ng Sumulong Highway ang dump truck,
13:03na di umunoy na wala ng preno na naging dahilan ang karambola ng mga sasakyan kaninang hapon.
13:11Hagip ng CCTV ng isang gasolinahan,
13:14ang pagtumbok ng isang dump truck sa isang kotse at ang pagpaikot-ikot nito sa lakas ng impact ng pagkakabanga.
13:21Kitang-kita rin ang pagbangga ng truck sa kasalubong na wingvan sa Sumulong Highway sa barangay Mambugan, Antipolo City, kaninang hapon.
13:29Wasak na wasak ang harapang bahagi ng kaparehong dump truck at wingvan.
13:33Tagkabasag-basag din ang kanilang mga windshield.
13:36Galing umanong Antipolo proper patulong masinag ang dump truck
13:40nang mawala ng preno sa pasulong na bahagi ng Sumulong Highway.
13:44Hindi rin umanog gumana ang airbrake nito dahilan sa pagsuru nito sa iba pang sasakyan.
13:48Siyam ang sugatan sa rakarambola ng sampung sasakyan.
13:52Dahil sa aksidente, mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Sumulong Highway.
13:57Nagkalat din kasi sa kalsada ang mga bote ng soft drinks na karga ng elf truck na nadamay din sa aksidente.
14:04Agad naman daw na isugod sa ospital ang lahat ng sugatan.
14:07Emil, sa mga oras na ito, ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko dito nga sa kahabaan ng Sumulong Highway.
14:14Sa di kasi kalayuan, mga ilang metro mula rito sa ating kinatatayuan, isang aksidente naman po ang naitala.
14:21Isang elf truck at tatlong kotse po ang damay sa aksidente.
14:25At yan ang latest mula rito sa Antipolo. Balik sa iyo, Emil.
14:28Maraming salamat, Jamie Santos.
14:30Na-trap sa isang imburnal sa Cebu City ang isang lalaking naghahanap umano ng bariya.
14:39Ang pagsagip sa kanya tunghayan sa pagtutok ni Alan Domingo ng GMA Regional TV.
14:48Sa isang imburnal sa Cebu City, na-trap ang lalaking ito.
14:52Kaya sinagluluha ng Special Rescue Force ng City Hall.
14:56Persahang tinanggal ang bakal na cover ng manhole.
15:01Bagkatapos ay pinagtulungang mailabas ang lalaki.
15:04Hinanghina na siya noon, kaya agad na dinala sa ospital.
15:09Ayon sa nakakita sa lalaki, may narinig siyang may pumupukpok sa cover ng imburnal at boses mula rito.
15:17Nang tingnan, nakita niya ang lalaki na humingi ng tulong.
15:21Bagkalaw na kung sa manhole na may taw, di niya na.
15:23Kung sus, nga nung naamo ka niya.
15:25Ang yung tubaga ito, diyan na siya kapoy kayo.
15:27Agad niya itong in-report sa sitong personnel na siyang tumawag ng rescue.
15:33Ayon sa CCDRRMC, hindi na nagpa-confine ang nasabing lalaki sa pagamutan matapos
15:40ma-check na nasa mabuti itong kalagayan.
15:43Approximately from San Jose to Gaisano, Colon, diya sa P. Lopez,
15:47that's roughly mga 500 meters.
15:51Diya sa nalipong sa akin, butong sural.
15:53Imagine, kikananang kanal, kaniwita kagsensyo, so ito nalipong.
15:58Napagalamaan na sa butas malapit sa isang universidad pumasok
16:02ang 39-anyos na lalaki para maghanap ng bariya sa imburnal.
16:08Nang mahirapang huminga, ay lalabas na siya,
16:10pero may cover lahat ng manhol na danaanan.
16:14Nagkipag-ugnayan na ang DSWA sa CCDRRMC para mabigyan ng kaukulang intervention ang lalaki.
16:21Sa psychosocial intervention, mukandak may assessment.
16:25Then, humbisit kung kids itong, ito ang mga,
16:28itong life Saturday na ito ang nisulod sa itong imbukanal.
16:34Kung unsa'y purpose, why ang social worker mag-gathered chug data?
16:40Kung unsa'y mga problema nga iyang na-encounter.
16:43Ikinabahala na ng DSWS ang sunod-sunod na pagpasok ng mga tao sa imburnal
16:48para maghanap ng bariya.
16:50Hindi lang umano problema sa pera dahil nagpapakita ito
16:54na posibling problema sa pag-iisip at sa emosyonal aspect.
16:59Ilang linggo lang ay nakalipas nang nirescue ang isang minoridad
17:02na naipit sa cover ng manhol ng tangkain niyang maghanap ng bariya sa imburnal.
17:10Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrity News,
17:13Alan Domingo, Nakatotok, 24 oras.
17:20Booked and busy si Sangre Flamara Faith Da Silva
17:24sa sunod-sunod niyang projects from acting, dancing to hosting.
17:28Sa sobrang abala, may time pa kaya siya for love life.
17:31Makichika kay Lars Santiago.
17:43Nakipagkatuwaan ang todos si Faith Da Silva
17:46sa idinaos na Sparkle Birthday Lunch
17:49para sa Sparkle Artists
17:51na nagbi-birthday
17:52sa buwan ng April, May at June.
17:55Masaya raw si Faith
17:57na makabonding ang kapwa niya Sparkle Stars
18:00sa mga ganitong pagkakataon.
18:02Masarap din na mas makilala
18:04ng lubusan ng iba pang mga artists
18:06and also yung mga bosses namin,
18:08mga managers namin.
18:11Kinikilig si Faith
18:12kapag napag-uusapan
18:14ang malaking tagumpay
18:15ng Encantadia Chronicle Sangre.
18:17Simula nang ipalabas ito
18:20noong nakaraang linggo
18:22sa Jemme Prime.
18:24Tito, LAR, more than the ratings,
18:26it's the movement
18:27and the impact
18:28na nararamdaman ko talaga
18:31kung gano'ng ka-excited
18:33yung mga Encantatics natin.
18:35And kasi kami nina Bianca,
18:37ako, Bianca,
18:38Angel, Kelvin, at Rian,
18:41we all watched in the same area.
18:43It just felt surreal
18:44na to think about
18:46ilang tao din yung kasabay namin
18:49na napapanood siya
18:50for the very first time.
18:52At ang mga grown-up Flamara,
18:55Deya at Adamus,
18:57mas madalas nang mapapanood.
18:59Sa unang paglabas namin,
19:01siguro ang madidistinguish nyo doon
19:03is yung kakaibang character namin
19:06sa element namin siguro.
19:08At kung paano kami pinalaki
19:09ng aming mga magulang
19:12kasi ako,
19:13galing ako sa Hattoria at Pondjabwe,
19:15so kung paano ba binago
19:17ng buong pamilya
19:19yung isang firekeeper,
19:21kumbaga.
19:23Hindi lang sangre
19:24ang pinagkakaabalahan ngayon ni Faith
19:26dahil sa darating na Sabado,
19:29mapapanood din siya
19:30sa Stars on the Floor.
19:32Isa si Faith
19:33sa Celebrity Dance Stars
19:34sa original Kapuso Dance Show.
19:37It's a challenge,
19:39not just for me,
19:40para po sa aming lahat doon.
19:42And ang masasabi ko lang,
19:44I'm so grateful na
19:45I can finally say na
19:47parte ako ng dance community.
19:49At yung syempre,
19:50ang mga judges natin,
19:52mamangkokwang,
19:53Marian Rivera,
19:54Sir J,
19:55at syempre,
19:55hosted by Alden Richards.
19:57Dito nga raw,
19:58naranasan ni Faith
19:59ang pagsayaw sa mga genre
20:01na hindi siya pamilyar.
20:03Sa totoo lang,
20:04yung paso doble,
20:05jive,
20:06yung dance sport,
20:07this is something
20:07I've never done before
20:08in my life.
20:10Hip-hop na pang lalaki,
20:11kumbaga parang lahat talaga,
20:13naikot talaga namin.
20:14May tuksuhan nga raw sila
20:16sa Stars on the Floor,
20:17magkalaban ang mag-ada
20:19na si Napirena at Flamara.
20:22Minsan,
20:23nagugulat ako sa mga galawan
20:24ni Ate Glyza
20:25na sabi ko,
20:26ha,
20:27hindi ko in-expect
20:28na kaya mong gawin
20:29niyang lahat.
20:30Pero alam mo yun,
20:31dahil siguro
20:31it's a competition,
20:32like heated kaming lahat
20:34bilang mga hatorian kami
20:35at nag-iinit talaga kami palagi.
20:38Bukod sa dalawang shows,
20:40host din si Faith
20:41sa Tik-To-Clack.
20:43At sa dami ng trabaho,
20:45may time pa kaya siya
20:47for love life.
20:48Nagsabi talaga ako na guys,
20:50after ng sangre,
20:51magbaboy-friend ako.
20:53Sabi ko,
20:54pero parang ngayon,
20:55may Stars on the Floor na naman din.
20:57So parang tatapusin ko din
20:58muna ba yung Stars on the Floor
21:00bago ko mag-love life.
21:03War Santiago
21:04updated sa Shoebiz Happenings.
21:10And that's my chica
21:11this Wednesday night.
21:12Ako po si Ia Aragliano,
21:13Miss Mel,
21:14Emile.
21:16Salamat sa'yo, Ia.
21:17Thanks, Ia.
21:18At yan ang mga balita ngayong Merkoles.
21:20Ako po si Mel Tiyanko
21:22para sa mas malaking misyon.
21:24Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
21:26Ako po si Emile Sumangyo.
21:28Mula sa GMA Integrated News,
21:30ang News Authority ng Pilipino.
21:32Nakatuto kami 24 oras.
21:34Ako po si Emile Sumangyo.
21:47Ako po si Emile Sumangyo.
21:47Ako po si Emile Sumangyo.
21:47Ako po si Emile Sumangyo.
21:48Ako po si Emile Sumangyo.
21:48Ako po si Emile Sumangyo.
21:49Ako po si Emile Sumangyo.
21:49Ako po si Emile Sumangyo.
21:50Ako po si Emile Sumangyo.
21:50Ako po si Emile Sumangyo.
21:51Ako po si Emile Sumangyo.
21:51Ako po si Emile Sumangyo.
21:52Ako po si Emile Sumangyo.
21:53Ako po si Emile Sumangyo.
21:54Ako po si Emile Sumangyo.

Recommended