Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Hindi na pinapalusot sa bahagi ng NLEX sa Meycauyan ang mga naglalakihang truck kasunod ng pagsabit ng isang truck sa Marilao Interchange Bridge. Isa ang patay sa insidente. Binabaan na rin ang vertical clearance sa tulay pero pinagpapaliwanag pa rin ng Transportation Department ang NLEX sa sunod-sunod na aksidente.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon-Risayas at Mindanao.
00:05Hindi na pinapalusod sa bahagi ng NLEX sa may kawayan ang mga naglalakihang truck.
00:11Kasunod ng pagsabit ng isang truck sa Marilao Interchange Bridge, isa ang patay sa insidente.
00:19Binabaan na rin ang vertical clearance sa tulay, pero pinagpapaliwanag pa rin ang Transportation Department ng NLEX sa sunod-sunod aksidente.
00:27Nakatutok si Joseph Moro.
00:30Ramdam hanggang kanina ang epekto ng pagsabit ng isang container truck sa Marilao Interchange Bridge tanghali kahapon.
00:39Bukod sa pagkasawi ng isa at pagkasugat sa anim na iba pa dahil sa pagbagsak sa EUV ng bakal mula sa tulay.
00:47Bumagal pa ang trapiko sa northbound lane ng NLEX sa Marilao, Bulacan.
00:52Kuha ito bandang alas 3.30 ng madaling araw kung kailan sarado pa ang gitnang lane sa ilalim ng tulay.
00:58Alas 7 na nung umaga ng buksan nito.
01:01Ayon sa driver ng truck, hindi raw niya aakalaing sasabit siya.
01:05Yung chassis na yan, hindi ko po yung karelay.
01:08Bala ibang chassis ang gamit ko ngayon eh.
01:11Kaya po siguro na inabot po yan.
01:13Mabito.
01:14Hindi niyo po na-check?
01:15Tumaas po.
01:17Ayon naman sa NLEX, sadyang iniwasan ng truck ang kanila mga enforcer at dumaan sa may may kawayan, Bulacan.
01:22Nalingat lang po yung tao po namin po ang kaganoon.
01:27Hindi po nakita na talagang sumabi po siya.
01:30Kaya nandaanan ko magtatanghali kanina, hindi na pinapalusot ang mga truck sa may kawayan.
01:36Ibinaba na rin sa 4.27 meters ang vertical clearance sa told booth.
01:41Dati po kasi yan, nakakalusot po yan dyan.
01:43Saan nandaan yan?
01:44Sa Marilaw na po.
01:46Marilaw din?
01:47O, palabas po ng mga kato.
01:49Hindi na nga namin saralan kung saan kami dadaan eh.
01:51Kaya nakabaregan na kami dito.
01:53Araw-araw kami dumadaan, wala kaming sasayada na tulay.
01:56Fire off na sa habang dyan, sir eh.
01:57Pahala na, sir.
01:58Pahala nga po eh.
02:00Mabilis naman ang daloy sa North Down Lane ng NLEX sa may Marilaw.
02:04Ayon sa Transportation Department, kapag nagka-traffic dahil sa aksidente dito sa bahagi ng Marilaw,
02:09kung saan maraming truck ang dumadaan at pwede nilang iutos sa NLEX na ilibre ang toll feed dito.
02:16Kapag yan eh, na-disrupt na naman yung mga kababayan natin sa biyahe.
02:19Kasalanan nila yan. Ipapalibre ko po uulit ang toll dyan.
02:23Pinagpapaliwanag din ng DOTR ang NLEX Corporation kung bakit hindi nila dapat suspindihin o baguhin
02:29ang concession agreement nila gayong tila sunod-sunod ang mga aksidente sa lugar.
02:35Nitong Marso lamang may sumabit din na truck sa Marilaw Bridge din.
02:38Humihingi ang DOTR ng plano ng pamunuan ng NLEX para paigtingin ang kaligtasan sa expressway.
02:45Liable siga dun sa nangyari na namang kahapon.
02:48Ibig sabihin yan, pinalusot yan o nakalusot yan ng NLEX.
02:52Hinihintay pa namin ang reaksyon ng NLEX sa direktiba ng DOTR.
02:57Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:01Kaugnay naman ang direktiba ng Transportation Department sa NLEX dahil sa sumabit na truck sa Marilaw Interchange Bridge.
03:09Sinabi ng pamunuan nito na makikipagtulungan sila sa investigasyon.
03:14Nalulungkot umano sila sa nangyari at aalala yan ang mga biktima.
03:18Nagpapatupadaan nila sila ng mga akbang para higpitaan ang mga dumaraan sa NLEX.
03:22KONIEC

Recommended