00:00...siniguro ng pamahalaan na hindi ganong maapektuhan ng gulo sa pagitan ng Israel at Iran ang ekonomiya ng Pilipinas.
00:08Kasabay nito, patuloy ang mga hakbang ng gobyerno para maibsan ang epekto sa mamamayanang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:17Nabilang dyan ang utay-utay na pagpapatupad ng oil price hike ngayong minggo. Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:24Walang malalang epekto sa Pilipinas. Ganyan nakikita ng pamahalaan ang kasalukuyang sigalot sa Middle East.
00:34Kasunod kasi ng pulong at pag-assess ng economic team ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., wala raw dapat ika-alarma sa ngayon.
00:42So far, there is no effect. So there is no significant effect on the economy.
00:50Yun lamang, binabantayan natin ngayon yung price gouging. Dahil ang dami ko nang nakita, nagtataas ng presyo. Hindi naman tumaas ang presyo ng langis.
01:01So yun ang babantayan natin ngayon. That's what we are going to want.
01:05Patungkol naman sa presyo ng produktong petrolyo, sinabi ng Pangulo na bumaba na sa 68 dolyar ang presyo ng langis mula sa higit 70 dolyar kada bariles.
01:15Matapos ang paghupa ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel. Kaya nilinaw ng Pangulo na ibabatay ang pamahagi ng fuel subsidy sa aktwal na galaw ng presyo ng petrolyo products sa merkado.
01:26Kung hindi nagbago yung presyo, then we'll do the same like before.
01:35Ang sinasabi namin, hindi ayuda, subsidy, pag tumaas ang presyo.
01:44Eh kung hindi tumaas ang presyo na langis, then there's no need for that.
01:48We can do business as usual.
01:50The price of oil has not gone up. So we do not need to talk about the subsidy yet.
01:58The price of oil has not gone up. It went up for one day, then it came back down.
02:03Una ng sinabi ng Energy Department na handa ang pamahalaan kung kakailanganin ang pamahagi ng fuel subsidy.
02:10Katunayan, nasa 2.5 billion pesos ang nakalaan para sa transport sector.
02:14Bukod sa staggered o utay-utay na pagpapatupad ng taas presyo, isa rin sa ginagawang hakbang ng gobyerno ang pakikipag-usap sa mga oil company.
02:23Sa ngayon kasi, ginawang 2 pesos and 60 centavos muna ang taas presyo sa diesel, 2 pesos and 40 centavos sa gaas, habang 1 peso and 75 centavos muna sa gasolina.
02:34Ang natitira, nakaambang ipatupad sa June 26.
02:37Ukol naman sa hirit na maalis ang VAT at excise tax sa mga produktong petrolyo, paliwanag ng DOE.
02:43The excise tax and the value added tax, which is 12%, is imposed because of a law. Legislation yan eh.
02:53So hindi pwede na yung DOE can go against what is mandated by law, nor DOF, nor even the president.
03:01So kailangan talaga sundan kung anong nasa batas.
03:04Kenneth, pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.