Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Kumambyo ang gobyerno ukol sa fuel subsidy para sa public transport drivers. Ayon sa pangulo, hindi muna ‘yan kailangan dahil bumababa ang presyo sa world market kasunod ng anunsyo ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kumambyo ang gobyerno tungkol sa fuel subsidy para sa public transport drivers.
00:06Ayon nga sa Pangulo, hindi muna yan kailangan.
00:09Dahil bumababa ang presyo sa world market.
00:12Kasunod na kanunsyo ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
00:17Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:23Kasunod na unang bugso ng oil price hike kahapon,
00:26nag-surprise inspection sa mga gasoline station ang mga kawaninang Department of Energy.
00:31Sa pamamagitan ng mga aparatong ito, malalaman ng mga kawaninang DOE kung tama ba ang sukat ng produktong petrolyo na dinidispense ng mga pumps sa mga gasolinahan.
00:41Eto namang boting ito ang kanilang ginagamit para makakolekta ng mga samples na susuriin ng DOE.
00:4810,000 pesos ang multa sa kada pump na hindi tama ang sukat ng dinidispense na petrolyo.
00:54200,000 kung may violation pagdating sa kalidad.
00:58At kung dalawang beses o higit pa na mahuhuling lumalabag.
01:01Sa second penalty mo, 300,000.
01:05At the same time, mayroon din hong revocation ng inyong certificate to operate.
01:11Bukas, June 26, ipapatupad naman ang ikalawang bagsak ng price increase.
01:171 peso and 75 centavos kada litro sa gasolina, 2 pesos and 60 centavos sa diesel at 2 pesos and 40 centavos sa kerosene.
01:27Pero sabi ng DOE, posibleng pansamantalang makahinga ang mga motorista sa susunod na linggo kung magtutuloy-tuloy ang naobserbahan nitong pagbaba ng presyo ng petrolyo sa world market nitong mga nakalipas na araw.
01:39Ang estimate namin, rollback ko tayo next week. Sa two days pa lang.
01:45Two days.
01:46Oo. Ngayon, hintay natin ng Wednesday to Friday.
01:49This is an effect of the ceasefire.
01:54Hindi na yung ceasefire, yung parang kumalman na yung speculation.
01:57Dahil dyan, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, hindi raw muna kailangan ng fuel subsidy.
02:03The price of oil has not gone up.
02:06So, we do not need to talk about the subsidy yet.
02:10The price of oil has not gone up.
02:12It went up for one day, then it came back down.
02:15Gayon man, tuloy sa paghahanda ang DOE sakaling tumaas pa ang presyo ng langis.
02:20Lahat ng oil companies we're talking to para, let's be prepared.
02:25Huwag nating hintayin na umakit pa.
02:26Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended