00:00Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang malalang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas
00:06sa ngayon ang kasalukuyang tensyon sa Middle East.
00:10Sa panayam sa Pangulo, sinabi niya na batay sa assessment na economic team ng pamahalaan
00:15ay walang dapat ikaalarma sa ngayon.
00:18Patungkol naman sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,
00:21sinabi ng Pangulo na bumaba na sa 69 dolyar ang presyo ng langis mula sa higit 70 dolyar kada bariles.
00:28Matapos humupa ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
00:32Kaya naman ayon sa Pangulo, hindi pa nakikita ng pamahalaan ng pangangailangan sa pagpapatupad ng fuel subsidy.
00:39Una ng tiniyak ng pamahalaan na nakahanda sila sa pagpapatupad nito at ng iba pang hakbang kung kinakailangan.