00:00Samantala, may libreng sakay po ang LRT-2 at MRT-3 para sa mga seafarer ngayong araw.
00:06Si Bernard Ferrer sa Detalle Live. Rise and Shine, Bernard!
00:11Audrey, iba't ibang aktividad ang inihanda ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng Day of the Seafarers.
00:19Magsasagawa ang Maritime Industry Authority o marina ng iba't ibang aktividad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Day of the Seafarers.
00:30Isa sa mga tampok na aktividad ay ang job fair na gaganapin sa Rizal Park Hotel sa lungsod ng Maynila mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.
00:39Magkakaloob din ang marina sa pakipagtulungan sa Department of Transportation ng Libreng Sakay para sa mga marinos sa LRT-2 at MRT-3.
00:50Sa LRT-2, nagsimula ang Libreng Sakay kaninang 7am hanggang 9am at mula 5pm hanggang 7pm.
00:59Sakop nito ang biyahe mula Recto Station hanggang Antipolo Station at pabalik.
01:02Sa MRT-3 naman, maaari makapag-avail ng Libreng Sakay mula 4.30am hanggang 10.30am at mula 5.05pm hanggang 11.09pm.
01:14Sakop nito ang biyahe mula Tap Avenue Station hanggang North Avenue Station at pabalik.
01:19Kinakailangan lamang magpakita ng Seafarers Identification and Record Book o PRC ID sa ticket seller o security personnel na nakasasyon sa service gate upang makuha ng Libreng Sakay.
01:31Ang programang ito ay linsunod sa Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. na pagganin ang gastusin sa transportasyon ng mga pasero kabilang na mga marino na may mahalagang ambag sa lipunan.
01:44Samantala isang special flag ceremony ang isang nagawa kanin ng 7am sa Independence Flag Post sa Luneta bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga marino.
01:53Susundan ito ng kalintulad na aktibidad sa Provincial Capital ng Tagbilaran City Hall mamayang 7.45am.
02:02Audrey, sa iba pang balita, pansamantalang nagpapatupad ng service operation o provisional service operation ang LRT Line 2 dahil sa technical problem.
02:14Ang mga biyahe ng tren ay mula rekto at Kubaw Station at pabalik lamang. Balik sa'yo Audrey.
02:19Maraming salamat Bernard Ferrer.
02:21Arharag!