Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
-3 menor de edad na sangkot sa pagnanakaw sa isang vape shop, huli; P16,000 cash at ilang vape products, natangay

-Paunang bahagi ng big-time oil price hike, ipinatupad ngayong araw

-PISTON: Tigil-Pasada, posibleng gawin kung sasampa sa P60/L ang diesel; nanawagang suspendihin ang VAT at excise tax

-2 menor de edad, nagsapakan dahil daw sa away sa lalaki

-Negosyante, patay sa pamamaril; bag at motorsiklo niya, tinangay ng mga suspek

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Puli cam sa Quezon City, libo-libong pisong halaga ng cash at ilang produkto ang natangay sa isang vape shop.
00:11Ang mga sangkot sa pagnanakaw mga minor de edad. Balita natin ni James Agustin.
00:20Alas 12.30 na madaling araw na mahagip sa CCTV ang tatlong lalaking ito na tumambay sa labas ng isang vape shop sa Katipunan Avenue sa Quezon City.
00:28Ang dalawa nagsilbing lookout. Humiga ang isang lalaki malapit sa roll-up door habang ang isa pa ay naupo sa tabi niya.
00:36Ilang saglit pa makikita ang isa nilang kasama na nasa loob na ng vape shop.
00:40Kumuha siya ng ilang vape products, binuksan ang kabinet at pinuntiriya ang kaha.
00:45Matapos ang pagnanakaw, ang tatlong lalaki tila may pinagpapartihan na at naglakad papalayo sa lugar.
00:51Ayon sa pulisya, nadiskubre ng empleyado ng vape shop ang pagnanakaw pagpasok niya sa trabaho, bandang alas 9.30 ng umaga.
01:00Nakita po niya na nakabukas na yung roll-up ng kanilang vape shop at nakita rin po yung pintuan na basag na rin po yung mga salamin.
01:10At yung mga gamit po sa loob ay mga bukas at nagkagulo-gulo na po.
01:18Sa follow-up operation ng pulisya, natukoy ang pagkakilala ng tatlong nagnakaw.
01:24Lahat sila minor de edad.
01:26Ang pumasok sa shop ay 13 anyos lang, habang ang dalawang nagsilbing lookout ay 14 at 16 anyos.
01:33Nabawi sa kanilang ilang ninakaw na vape products pero bigo nang makuha ang 16,000 pesos na cash.
01:38Sinampanan ang reklamong rabiri ang 16 anyos sa lalaki.
01:43Napagalamang dati na rin siyang nasangkot sa pagnanakaw.
01:46Sasa ilalim siya at dalawa pang minor de edad sa counselling ng social worker.
01:50Yung 14 years old at saka 13 years old po ay nai-turnover po sa BCPC ng barangay.
01:58Yung isa naman po ay nai-turnover po sa social worker ng mulabi po.
02:04Pagkakaroon po sila ng mga intervention po ng social worker.
02:08James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:12Sa taas ng oil price height ngayong linggo, pumayag ang mga retailer na hatiin sa dalawang araw ang pagpapatupad ng taas presyo.
02:25Ngayong Martes, 2 pesos and 60 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel.
02:301 peso and 75 centavos naman sa gasolina, habang 2 pesos and 40 centavos sa kerosene.
02:36Ganyan din ang itataas sa Huwebes, June 26.
02:39Ang kabuang taas presyo ngayong linggo, pinakamataas na price hike ng mga produktong petrolyo mula pa noong 2022.
02:49Sa Quezon City, marami ang humabol na magpakarga ng gas.
02:52Kaya ang isang gas station sa FP Avenue o FPJ Avenue na ubusan ng supply.
02:58Umaga pa lang daw kasi kahapon ay dumagsana ang mga motorista roon.
03:01Dahil naman sa patuloy na pagsipan ang presyo ng mga produktong petrolyo, nagbantapo ng Tigil Pasada ang isang transport group.
03:11May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
03:14Bernadette?
03:15Connie, tumaas na nga ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.
03:22At gaya nga ng naibalita ni Rafi, ay may part 2 pa ito sa darating na Huwebes.
03:27Kaya naman ang grupong Piston ay nagkils protesta ngayong araw sa isang gasolinahan dito sa Quezon City.
03:34At nabanggit nila ang ilan sa kanilang panawagan na maaari maging solusyon sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
03:45Sa kabila ng matinding sikat ng araw ay nagkils protesta ang grupong Piston sa gasolinahan dito sa Quezon City.
03:52Hindi raw malayo na magkasa sila ng Tigil Pasada pag sumampas sa 60 pesos per liter ang diesel.
03:58Bagamat makatutulong daw ang fuel subsidy na kinakasa ng pamahalaan, tatagal lang daw ito ng ilang araw.
04:04Panawagan nila maglabas raw ng executive order ang Pangulo para isuspend ang VAT at excise tax.
04:11Wala pa rin linaw kung maipagkakalo o ba ang hirit ng ilang transport group na dadag-singil sa pamasahe.
04:19Connie, ang dagdag pa na pasakit sa mga mamayan ay yung posible rin tumaas ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.
04:28Kanina ay nagpunta tayo sa isang pamilyhan at ayon sa mga nagtitinda ay wala pa namang pagtaas sa presyo ng mga gulay at isda.
04:35Pero sa mga susunod na araw, sa sandali raw na maramdaman na nila ang epekto ng mas mataas na presyo ng mga produktong petrolyo ay maaari rin tumaas ang presyo ng ilang bilihin.
04:45Connie?
04:45Maraming salamat, Bernadette Reyes.
04:47Sapak kung sapak.
04:57Sabunot kung sabunot ang tapatan ng dalawang menor de edad na babae sa Dumangas, Iloilo.
05:02Walang gustong magpadaig kahit pareho ng napuruhan.
05:06Imbis na umawat, podokansaw pa ang mga kapo-estudyante nila.
05:10Naawat lamang ang gulo ng may dumating na pulis.
05:13Kwento ng 14 anyos na si Alyas Nene, ang grupo ni Alyas Lin ang nagbanta ng pananakit.
05:19Depensa naman ng 16 anyos na si Alyas Lin, si Alyas Nene ang unang manapak.
05:25Base sa imbisigasyon ng pulis siya, lalaki ang pinag-ugutan ng away.
05:30Nagkasundo na ang parehong panig.
05:33Kahit hindi sa eskwelahan nangyari ang gulo, iimbisigahan pa rin daw ng Dumangas National High School ang insidente.
05:39Ito ang GMA Regional TV News.
05:46Mailit na balita mula naman sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
05:52Patay sa pamamarin ang isang hinold up na negosyante sa Santa Maria, Bulacan.
05:57Chris, ano ang detalya ng pangyayari?
06:00Connie, bumibili lang daw ng pagkain ng biktima ng ma-hold up.
06:03Sa CCTV footage, kita ang paghinto ng dalawang motorsiklo sa gasolinahan sa barangay Bagbagin.
06:11Malapit kung saan bumibili ng burger ang biktima.
06:14Bumawang dalawang angkas ng mga motorsiklo at nilapitan ng biktima.
06:18Inagaw na isa sa kanila ang bag ng biktima na nakipagpambuno.
06:22Ang isa namang salarin, sumakay sa motorsiklo ng biktima at pinaandar ito.
06:27Itinulak ng biktima ang sumakay sa kanyang motorsiklo.
06:30Doon na siya binaril ng umagaw sa kanyang bag habang tumakas sa mga salarin.
06:35Idilekta rang dead-on arrival sa ospital ang biktima.
06:38May lead na raw ang mga investigador kung sino ang mga sospek.

Recommended