00:00Nasa Osaka, Japan, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang dumalo sa World Expo 2025 at ipagmalaki ang mayamang kultura at turismo ng Pilipinas.
00:12Bibisitahin ng Pangulo ang Philippine Pavilion sa Expo kung saan tampok ang masiglang kultura, malawak na tradisyon at naggagandahang lugar sa Pilipinas.
00:23Nagbukas ang World Expo 2025 noong April 13 at magtatapos sa October 13.
00:30Inaasahan din makikipagpulong ang Pangulo sa ilan Japanese company at dadalaw sa Filipino community.
00:37Itinalaga naman bilang caretakers ng pamahalaan si na Executive Secretary Lucas Bersamin,
00:42Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Department of Education Secretary Sonny Angara habang wala ang Pangulo.