Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 months ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, may natanggap ka bang mensahe na nag-aalok ng pera kapalit ang simpleng pag-like?
00:07Nako, ingat at baka bahagi yan ng task scam.
00:12Ang mga red flag alamin sa balitang hatid ni Darlene Kai.
00:19Work from anywhere ang alok ng nagpakilalang staff ng isang digital marketing agency na minsang nag-message kay Bea.
00:25Ang kikitain sa simpleng pag-like lang ng mga produkto sa shopping apps, abot hanggang halos siyam na libong piso kada araw.
00:34May pinagawa siya sa isang shop na e-heart po. E-heart po yung parang product.
00:41Kada po may pinapagawa silang ganun na e-heart, nagbibigay naman po sila ng 160 hanggang tatlong beses po.
00:48Pero kasunod nito, inalok siyang patubuin ang kanyang pera sa isa anyang investment.
00:53Yung 1 to ko naging 1,560.
00:57Tapos nakalagay naman po doon yung sumod is 3,5 na po.
01:01May binigay po na link na sa parang bitcoin, ganun.
01:05Doon po yung parang mag-i-invest, lalaki daw po yung pera doon.
01:09Dahil malaking tumubo, nangutang na siya para makapaglaan ng mas malaking pera.
01:13Pero di na ito ibinalik at blinak na siya ng kausap.
01:17Natulala po ako din eh. Natulala po ako kasi yung 6K doon sa 9-8, inutang ko lang din po yun.
01:25Kala ko kikita ako mas nalugay pa pala.
01:27Mahigit 38,000 pesos naman ang naskam mula kay Pearl sa pareho ring modus.
01:33Mas professional sila ma'am Darlene eh. Ang galing nila magsalita.
01:37Kumbaga, madadala ka talaga.
01:40Musak tumambay din kasi that time talagang maghanap din ako niyang 5,000.
01:45Nagmakaawa pa siyang maibalik ang 38,000 pesos pero hindi na siya pinansin at blinak.
01:50Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK, task scam ang modus.
01:56Pasasakayin ka eh. Kunyari mga gagawin mo para kumita ka, diba?
02:01Tapos ang bigat kasi dito, grupo-grupo din yan.
02:05Posibleng nakukuha ang cellphone number ng mga biktima sa pamamagitan ng MC catchers
02:09o mga device sa may kakayahang humigop ng numero, mensahe at iba't ibang data sa mga smartphone sa paligid.
02:16Kukunin nila yung mga cellphone numbers tapos ititext blast nila ngayon.
02:20Pag nahagip yung phone mo ng mga ads nila na yon at ikaw ay nainganyo doon,
02:25mapapasakay ka na at sigurado madadali ka nila kung tutuloy-tuloy mo yung task scam na ibibigay sa'yo.
02:32Maaari rin nakuha ang mga number mula sa mga dating na-click na phishing websites
02:37ayon sa CICC o Cybercrime Investigation Coordinating Center.
02:41Magbibigay ka ng number mo, pangalan mo, tsaka yung email address mo,
02:45akala mo kumukuha ka lang ng promo o ng discount.
02:47Yun pala, kinuha na nila yung details mo para ibenta sa iba.
02:51Patuloy ang investigasyon ng PAOK sa mga scam na posibleng mga Pilipino ang operator.
02:56Para daw sa mga nagahanap o maghahanap ng trabaho,
02:59wala raw sino mang lehitimong employer ang manghihihingi ng pera mula sa inyo kapalit ng trabaho.
03:05Hindi raw nila kayo basta-basta ikokontak sa messaging apps kung hindi ka naman nag-apply.
03:09Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:39Darlene Kai, nagabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended