00:00To the rescue, ang apat na polis sa Quezon City sa isang ginang na napaanak sa tabing kalsada.
00:05May unang balita si Bea Pinlock.
00:11Hindi pang karaniwang tagpo sa gilid ng Edsa Balintawak sa Quezon City,
00:15Merkules ng madaling araw.
00:17Rerespondehan sana ng mga polis ang isang nadulas na babae.
00:21Pagdating sa lugar, buntis na nasa tabing kalsada ang naabutan nila na mga nganak na.
00:27Nakita ko yung babae, duguan at mga nganak na siya.
00:33So ang ginawa nung kasama ko, sinalo niya yung bata.
00:36Alos wala pang 20 seconds, lumabas na yung bata.
00:40Tulong-tulong ang apat na rumisponding polis sa pag-alalay sa babae,
00:45pagtawag ng ambulansya at pagmando ng traffic.
00:49Ayon sa polisya, kasama noon ang babae ang isa pa niyang anak.
00:53Binalot nung white cloth at pinayungan din yung kasi medyo umuulan para hindi mabasa yung nanay at yung baby.
01:03Malusog po yung bata at umiyak pa nga po yung pagkalabas niya.
01:08Makalipas ang ilang minuto, dumating ang ambulansya ng barangay na ligtas na nagdala sa mag-ina sa ospital.
01:15Bibigyan naman ang parangal sa Camp Karingal sa lunes ang apat na polis na tumulong magpaanak sa babae.
01:21Ito ang unang balita.
01:23Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.