00:00Ikinahalarman ni Pangulong Bongbong Marcos ang dami ng mga Pilipinong nagkakasakit sa bato,
00:07na mas mataas na raw kung ikukumpara sa global average.
00:12Dinagdaga naman ang sagot ng PhilHealth at sa pagpapadialysis at kidney transplant ng mga miyembro.
00:21Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:22Sa National Kidney and Transplant Institute pa lang, umaabot na ng hanggang 250 ang dinadialysis kada araw.
00:33Sa buong bansa naman, puwapalo ang bilang sa daang libo.
00:37Hindi katakataka, lalot isa sa bawat tatlong Pilipino nagkakaroon ng chronic kidney disease o sakit sa bato.
00:43Batay sa datos ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth,
00:46mas marami yan sa global average na lampas isa sa bawat sampu.
00:50Ikinahalarman ito ng Pangulo na bumisita sa National Kidney and Transplant Institute kanina.
00:55Ito ang pinagangalingan nito ay diabetes.
01:00Dahil nangyari sa katagalan ng panahon ay ang Pilipino naging masyadong sweet tayo,
01:09masyado naman tayong mahilig sa matamis.
01:12Kaya kailangan din natin gumawa ng programa, turuan ng ating mga kabataan,
01:17huwag lang matatamis ang kinakain.
01:20Sa gitna ng problema ay tinaas na ng PhilHealth ang sagutin itong dialysis sessions sa 156 sessions mula sa dating 90 lang.
01:28Kaya umaabot sa 28 billion pesos ang gastos ng PhilHealth para rito noong 2024.
01:34Itinaas din ang pinakamataas na pwedeng sagutin ng PhilHealth sa mga magpapakidni transplant.
01:392 million pesos na yan mula sa dating 600,000 pesos lang.
01:42At ngayon, pati ang gastusin pagkatapos ang transplant, tinaasa na rin para sa mga gamot at laboratorio.
01:49Pati mga donor, makakatanggap din ang benepisyo sa ilalim nito.
01:53Layon itong hikayatin ang mga nagdadialysis na magpa-transplant kung pwede naman.
01:57Marami po dun sa nagdadialysis, takot magpa-transplant.
02:03Ito po yung programang ginawa ngayon, front to end, para mas maingganyo ang mga taong nangangailangan ng transplant na tumuloy na.
02:14Nangako naman ng PhilHealth na patuloy pang pinabibilis ang kanilang mga proseso.
02:18Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina, Nakatutok, 24 Horas.
Comments