- 3 months ago
Panayam kay National Commission of Senior Citizens Chairperson and CEO, Dr. Mary Jean P. Loreche ukol sa livelihood program sa strategic priorities ng NCSC
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Livelihood programs at strategic priorities ng NCSC ating alamin kasama si Dr. Mary Jean P. Loretche, Chairperson and Chief Executive Officer ng National Commission of Senior Citizens.
00:12Dr. Loretche, magandang tanghali po at welcome sa Bagong Pilipinas.
00:15Maraming salamat, ASEC Weng, for this opportunity para maipaalam sa ating mga kababayan ang programa ng komisyon bago ang lahat. Ito ay angkop at kasama sa programa ng Pangulo.
00:27Okay ma'am, tungkol po sa inyong pagtutok sa Livelihood programs, ano po yung mga pangunahing layunin ng mga pagpupulong na isinasagawa ng NCSC kasama ang DOT, TESDA at siyempre at ang SM CARES para sa mga senior citizens ng bansa?
00:42Alam mo, ASEC Weng, ang sabi ng Pangulo natin, ang mga nakatatanda bilang haligi ng ating bayan should continue to be productive at sila dapat ay kasama rin sa ating economic revolution for our country.
00:56So that is really the purpose why we have livelihood opportunities.
01:01So ma'am, ano po yung mga konkretong kontribusyon ng bawat partner agency o institusyon sa mga livelihood programs ng NCSC?
01:09Mauun na tayo sa Department of Tourism. Nag-usap na tayo at meron tayong Memorandum of Understanding with Secretary Frasco ng DOT kung saan yung mga tourism-rich destination areas na po pwede sa ating mga nakatatanda ay mabigyan natin sila ng pansin.
01:25Pangalawa, sa TESDA with Secretary Danites, meron din tayong agreement doon for retooling and reskilling kasi alam natin yung ibang nagre-retiro, may second passion sila.
01:36So gusto natin silang bigyan ng kahalagahan doon.
01:39Sa SM CARES, that is a private partnership wherein they will allow our seniors who have livelihood products to display and para marketing strategy.
01:50Pangalawa ay kinausap natin sila kung pwedeng X number of their employees doon sa kanilang mga business partners sa loob ng mga SM Malls na ibigay din sa ating mga senior citizens.
02:03So these are things that we are working on para dito sa trabaho sa bayan.
02:07So doon po siya sinasabi ninyong reskilling at saka re-tooling. Paano po sila mag-a-apply? Meron po ba yung age limitation or basta kaya nila at gusto nila?
02:20Napakaganda ng tanong na yan. Eh, mensan may nagre-react negatively on this kasi ang sa kanila ay dapat magpahinga na.
02:27Subalit tayo bilang isang komisyon sa nakatatanda, we are really promoting dignity and a healthy, happy, productive, aging lifestyle.
02:36So sila kung ito ay tourism related ang kanilang interest like sa cultural heritage sites, tour guarding, sa hotels and resorts naman, sa DOT at sa tanggapan natin, pwede silang magpadala ng kanilang aplikasyon.
02:50Pagka naman sa kanilang retooling and reskilling, gumawa na tayo ng training needs assessment sa iba ba.
02:56Alam na natin ano-ano yung mga interest ng ating mga nakatatanda.
02:59And so, basit dyan, they can actually send their applications and inquiries sa opisina din natin, either at the regional level or here at the central office.
03:09So, wala ko siyang age limit?
03:11Sa ngayon, wala tayong age limit, but dalawa lang ang kailangan natin, able and capable.
03:16And pangatlo, willing siya.
03:18So, napakagandang balita ngayon, we just finished meeting with the medical doctors, so we wanted to prepare the medical guidelines.
03:26Parang very basic lang na kailangan natin, kasi alam natin na kailangan din natin tulungan sila pagdating dyan.
03:33So, ma'am, ano naman po yung mga income generating skills o kabuhayang inaasahan na matututunan ng mga senior citizens sa ilalim ng programang ito?
03:41Katulad ng sinabi ninyo na meron nga tayong reskilling at retooling.
03:45Una sa lahat, kung sa turismo naman, alam natin na pupwede naman silang mabigyan ng honoraria doon.
03:51And so, we are working very closely with DOT and other associations related to tourism and the LGUs on the matter.
04:00Doon naman sa isa ay tinatawag nating livelihood opportunities in terms of entrepreneurial naman.
04:06So, for example, we want to launch it and start it in Cotabato.
04:10Kasi meron tayo sa Kidapawan na isang community-based care center on food preservation naman.
04:16Kasi ang dami nating fruitas, it being considered a fruit basket.
04:19Baka kailangang i-equip natin ang mga nakatatanda who are interested to go into that venture.
04:25So, may plano po ba ang NCSC na palawakin itong pilot program sa labas ng NCR?
04:31Kasi baka sasabihin, yung mga projects ay Metro Manila-centric.
04:35So, palalawakin po ito para maabot din ng ibang senior sa buong bansa?
04:38Definitely, definitely. Uunahin lang muna natin, pilot kasi ang tawag natin dyan.
04:43At ang madali nating ma-pilot ay NCR, syempre.
04:46So, we want to start it na pag-usapan namin sa Department of Tourism ang ating gagawin sa Intramuros muna.
04:52And then, we also have Cebu kasi magkakaroon tayo doon ng engagements with the Hotels and Resorts Association.
04:59Doon sa isang parte ng livelihood kung saan i-de-develop yung skills nila for enterprising, doon naman sa Kidapawan muna natin gagawin.
05:07So, bukod po sa aspetong pangkabuhayan, paano naman nakatutulong yung programang ito sa sense of purpose ng ating senior citizens?
05:15Eh, alam mo, pagka nagri-retiro ang isang nakatatanda, ang feeling niya, wala na siyang silbi sa mundo.
05:21So, the feeling of isolation and the absence of belongingness and productivity, you know, weighs heavy on a senior citizen.
05:29So, mahalaga yun. Bigyan sila ng purpose, bigyan sila ng kahalagahan.
05:33And this actually will become a model for the young generation as well.
05:37So, ano po yung hakbang ng NCSE para labanan yung social isolation and discrimination?
05:43Kasi nga, sabi ninyo, feeling nila, hindi na sila kapakinabang.
05:48So, ano po yung may ginagawa po, baka yung projects para doon?
05:51Yes, una sa lahat, yung ating community-based care centers, one of the major programs there ay ang ating tinatawag na social prescribing.
05:59So, para magkaroon sila ng way of, parang a community-like na sila ay, they belong to each other, one.
06:07Number two, alam natin may mga batas ngayon na nakaambang.
06:10Una sa lahat ay itong bill na equal job opportunities para sa ating mga nakatatanda.
06:15And that should actually do away with the discrimination based on age.
06:19Kausap natin ang DOLE on this matter.
06:21And they have been very proactive in helping us as we continue on moving,
06:26encouraging mga partners natin na agencies, mga private sectors and the government
06:31to engage the seniors because kaya pa naman nila yan.
06:35Kasi diba, kato sa ibang bansa, katulad sa Japan, yung mga nagtatrabaho sa hotel,
06:40yung sa housekeeping nila, yung mga seniors, kung kaya pa naman nila na magpalit na ng mga bedsheets,
06:45kumuha lang ng mga basura, everyday na gagawa po nila.
06:47So, dito po sa atin, meron po tayong ganun talaga na...
06:50Yes, definitely.
06:51Yung para sa ating hotels and resorts, yan yung magiging concept natin.
06:55And hindi lang dyan, pati yung siguro sa mga karinderya, sa mga restaurants,
07:00not the karinderya, the small ones, but the restaurants.
07:02We want really to engage our elder adults there.
07:06Kasi alam natin na kaya pa naman nila yan kung gugustuhin nila.
07:09So, kailan po inaasahang mailulunsa nitong unang rollout ng mga pilot programs?
07:14Tsaka paano po makikilahok ang senior citizens na interesado?
07:18Okay, unahin natin.
07:19Kung interested po kayo, kung ito ay tourism related,
07:22pwede po ang inyong application sa Department of Tourism o kaya naman sa NCSC.
07:28Kapag ka sa other livelihood opportunities natin, like sa dairy production,
07:32magkakaroon tayo ng meeting with the Department of Agriculture.
07:34Kasi lumalabas na number one need nila is agribusiness.
07:38So, dapat itutukan din natin ito.
07:41Pangalawa, itong launching natin, we're looking at August for the launching of maybe here in Intramurus
07:47for the tour guiding and cultural heritage sites.
07:50And hopefully before the year should end, we would have that also in the hotels and resorts.
07:54We'll take it small step at a time, but kailangan ay continuous siya.
07:59At ang guidelines will be very, very clear.
08:01Kasi hindi naman ito na ilalagak mo ng ganyan lang.
08:04Kailangan mag-usap lahat ng mga ahensya na kasama, including the private sector.
08:09Maganda siguro yung tour guiding, ano?
08:11Kasi silang mga nakatanda, baka na-experience pa nila kung ano yung ituturo nila doon sa tour guiding.
08:17Dahil yung mga bata, baka parang book-based na lang yung kanilang sinasabi.
08:22So, maganda po itong tour guiding.
08:23Actually, ASEC, alam mo, I call that, it becomes a his and a her story.
08:28So, napakaganda at napakagaling naman nilang magkwento.
08:31So, it now brings back the love and the passion for our culture and trying to tell people who are there, both local and foreign,
08:42ano ang kultura na napakasaya at napakaganda ng Pilipinas.
08:46So, sa iba kong usapin naman po, Ma'am, ano po yung mga strategic priorities na inyong tututukan para sa kapakanan ng senior citizens sa bansa?
08:53Nabanggit ninyo sa medical assistance.
08:55Opo, apat talaga yan, ASEC, unahin natin medical well-being.
09:00Alam mo, pinaka number one need ng seniors natin ay yung kanilang medical well-being.
09:05So, meron tayong mga programa para dyan, kasama natin ang Department of Health, of course,
09:09dahil meron silang elderly care package at ang ating PhilHealth sa e-consulta
09:14and ang ating iba't-ibang mga medical specialty societies
09:17dahil very specific naman ang mga doctors na needs ng ating mga seniors in terms of their wellness.
09:24Pangalawa, eh, kailangan natin economic security.
09:27So, yung economic security, doon natin ipapasok ang livelihood.
09:31Naniniwala tayo, there has to be a paradigm shift now.
09:34Hindi dapat dole out lang, eh.
09:35Kailangan very active sila, engaged, so they become part, again, of the economic growth of the country.
09:42Pangatlo, ay, kailangan siguro natin ang tinatawag natin social inclusion and participation.
09:46By doing all of these things back to the communities and up here,
09:51I believe that is one way of including them in whatever programs we have.
09:55At ang pang-apat na kailangan natin tingnan ay accessibility to government services.
10:00Yung ating ginagawa, the community-based care centers,
10:03kasama nitong mga livelihood natin,
10:05this is actually a whole of government approach.
10:07So, pagkajaan, may mga libreng konsulta sila dapat?
10:11Yes.
10:12And kung meron silang mga libreng gamot or kahit yung mga maintenance medicines lang nila?
10:16Yan ay dinidevelop pa natin sa ngayon.
10:19And I believe the Department of Health has a program for that together with the local government units.
10:24So, mahalaga yung ating relationship with the LGUs
10:27at saka iba't-ibang ahensya ng ating pamahalaan.
10:30Okay, may mga programa po ba para sa pamahala naman ng iba't-ibang sakit
10:34maging sa kanilang mental health issues?
10:36Dahil, syempre, yung mga nakakatanda natin ay medyo nagiging emotional na minsan.
10:40Ay, hindi lang emotional minsan.
10:42Sensitive pa yan.
10:43No, I would be a classic example of that.
10:46So, I leave that.
10:47So, ibig sabihin yan, yung kanilang mental well-being kailangan nating pangaragaan.
10:51So, sa ating community-based care centers,
10:53meron tayong mga activities like INDAC,
10:55which is a kind of a dance na pinupropose at ginagawa ng institutes,
10:59for Dementia Care Asia.
11:01Kasi naniniwala tayo na dementia is going to be a problem.
11:04Like, there is a projected 1.7 million Filipinos
11:08that will suffer dementia by 2030.
11:11So, ngayon pa lang pinaghahandaan na natin yan.
11:13And, of course, by them having social, you know, socialization,
11:17yung tinatawag nating social prescribing,
11:19that actually boosts their morale
11:21and removes that feeling of isolation and depression.
11:25Kasi, importante nga yun, sinasabi ninyo na
11:27nagiging emotional din ang mga seniors.
11:30So, pagdating naman sa financial aspect,
11:34meron po ba tayong programa na para man lang makatulong din sa kanila?
11:38Sa ngayon, ang meron tayo sa komisyon,
11:40which is given to us by law,
11:42is the expanded centenarian cash gift.
11:43So, eto yung pag nag-milestone age ikaw ng 80, 85, 90, 95,
11:48ay makakatanggap ikaw ng reward or gift
11:50mula sa national government na 10,000.
11:53So, that's the one that we are currently giving out,
11:55including yung centenarian or 100 years old natin.
11:59So, aside from that, I believe it's more of services
12:01that we are offering kasi programmatic naman
12:04ang approach natin sa NCSC.
12:06So, ma'am, may plano po ba ang NCSC
12:08na maglunsad ng mga intergenerational activities
12:12o community-based engagement?
12:14Yes. Yan yung ating tinatawag na
12:16Senior Citizens Community-Based Care Center sa ASECWENG.
12:20And pangalawa, tayo nakikipag-ugnayan sa DepthEd, ha?
12:24At saka, soon, I hope that we would be able to reach to CHED.
12:26At meron tayo mga akademes na nilalapitan
12:29like the University of the Philippines.
12:31We believe that there has to be intergenerational connectivity.
12:34By putting our seniors actually as part of the livelihood
12:37or the workforce, kasama na yan sa ating intergenerational connectivity.
12:42Pangalawa, by having programs wherein the seniors and the young
12:45are placed together, that is intergenerational connectivity.
12:50Kasama dun siguro yung pagtuturo sa paggamit
12:52ng mga makabagong teknoloyahs, mga gadgets, diba?
12:56Yan yung sinasabi natin, digital literacy.
12:59Eh, ang digital literacy, alam ninyo,
13:01yung mga kasing-edad ko at mas matanda sa akin.
13:03Minsan, eh, resistant tayo to change.
13:06So, tuturuan natin ang bawat isa.
13:08At sa aming ugnayan sa DICT,
13:10where we want to enhance digital literacy,
13:12I believe that's the way to go for our seniors.
13:15So, ma'am, minsan nyo na lang po sa lahat ng mga senior citizens
13:18na nanunood ngayon, lalo na sa inyong mga programa,
13:21na baka habig lang meron diyang naiinip na nanunood lang ng TV,
13:24pero meron po palang ganito, eh, gusto nilang sumali.
13:27Maraming salamat, Asekweng, at kami po ay nagpapasalamat
13:30upang maiparating din po sa ating mga mahal na nakatatanda.
13:34Ang programa po ng National Government sa pamumuno ni Pangulong Marcos po
13:39ay very actively engaging sa aming mga programa para po sa inyo.
13:43Abangan po, marami po tayong nakalaan na programs para sa inyo
13:46kasi naniniwala tayo na holistic dapat ang approach natin
13:50sa ating mga pangangailangan.
13:52Sa importante, gusto at kaya pa nila.
13:54Gusto at kaya pa.
13:55What about yung halimbawa merong mga na-operahan na
13:58na naputulong kumiyari ng paa pero gusto pang magtrabaho?
14:01Pwede pa rin.
14:02Basta kaya.
14:02Basta kaya niya.
14:04Okay, maraming salamat po sa inyong oras,
14:06Dr. Mary Jean T. Loreche,
14:08Chairperson and CEO ng National Commission of Senior Citizens.
14:12Thank you, Mom.
14:14Kapagaganda.
14:15Maraming salamat po.
Recommended
1:40