00:00Umabot sa isang daang Chinese nationals ang nahuli sa magkakahihwalay na anti-crime operations sa mga Pogo Hubs
00:06ang ipinadeport na papuntang China kahapon. May detalya si Vel Custodio.
00:14Sila ang isang daang Chinese nationals na ipinadeport patungong Shanghai, China
00:18matapos mahuli sa mga ikinasang anti-illegal Pogo operations
00:22ng Presidential Anti-Organized Crime Commission no PAOK, katuwang ang Bureau of Immigration.
00:27Bahagi ito ng tuloy-tuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa mga dayuhang sangkot sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operations o Pogo
00:35alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:40Inaresto ang mga banyaga sa magkakahihwalay na anti-crime operations sa mga small-scale Pogo Hubs sa Cebu, Cavite, Paranaque at Pasay.
00:48Ayot kay PAOK Undersecretary Gilbert Cruz, posibing mga Chinese nationals din ang nabibiktima ng mga sangkot sa pang-i-scam
00:56kung saan naabot na ng milyong dolyar ang nakukulimbat nilang pera.
00:59Kamihan ang nabibiktima nila is Mandarin-speaking, so most likely mga Chinese.
01:05Isang na-turnover natin na wanted person sa kanila, umaabot sa 900 billion pesos ang kanyang nakulimbat o na money launder.
01:17Sagot na ng Embahada ng China ang airfare ng mga ipinadeport na Pogo workers.
01:22Natutuwa po kasi sila sa coordination na ginagawa ng Pilipinas dahil po natutulungan po natin yung bansa nila.
01:32Yung mga biktima kasi marami, almost libo.
01:37Sabihin na natin mga hanggang 8,000 ang mga nagiging biktima sa kanilang bansa.
01:42At natutuwa sila dahil kahit papano talagang natutulungan natin sila sa pagsumpo dito sa mga gumagawa ng scamming activity doon sa kanilang mga kababayan.
01:51Ayaw kasi nila siyempre yung hindi nakakarating sa China mismo.
01:56Yung mga boss nitong operasyon ng Pogo, ang gusto kasi nila pag nagdedeport tayo, yung diretso lang talaga sa China.
02:04Tiniyak din ang paok na magpapatuloy ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno kasama ang mga international partners
02:11para labanan ang transnational at organized crime sa bansa.
02:14Sa katunayan, nagkaroon ng personal invitation ng counterpart ng law enforcement agency sa China
02:20para talakayin kung paano mas papaigtingin ang investigasyon sa mga cryptocurrency at money laundering cases sa bansa.
02:27Gusto natin dito magkaroon ng parang skills at capacity building in terms of training and info sharing.
02:36Samantala, handa naman magbigay na assistance ang paok sa mga naiwang Pilipinong anak na mga sangkot sa iligal na Pogo sa bansa.
02:43Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.