00:00Transcription by CastingWords
00:30Sa gitna ng mga panawagang mag-inhibit sa hinaharap niyang impeachment trial
00:37ang ilang senador dahil sa kanilang mga pahayag at ikinilos.
00:42Nanawagan si Vice President Sara Duterte na pagtiwalaan ang mga senator judges na magiging patas sila.
00:50Sinasabi ko, ibigay na natin yung benefit of a doubt sa ating mga senator judges
00:55nagagawin nila ang trabaho nila ng patas according to sa sinumpaan nila as senator judges.
01:04Paliwanag niya kung bayas umano ng isang senador, pabor sa kanya ang magiging basihan.
01:10Paano naman daw iyong mga senador na may bayas laban sa kanya?
01:14Kung ganun ang ating basihan sa inhibisyon ay dapat din natin ipainhibit ang mga senators na meron ding bias against Sara Duterte.
01:27Tulad na lang ni Sen. Risa Ontiveros na in a public speech, sinabi niya na kailangan talaga ibain ang pamilyang Duterte.
01:38Tugon niya sa pahayag ng ilang business groups na pagpapakita na accountability ang pagpapatuloy ng impeachment trial.
01:46Igirit niyang hindi ito tungkol sa accountability.
01:50Kung accountability daw ang hanap, dapat sa korte nagpunta at hindi sa impeachment court.
01:56Dalawa lang yung penalties dyan.
01:59Removal from office at perpetual disqualification from government service.
02:03Walang penalties dyan. Dahil walang kaso dyan, ang impeachment ay removal process ng isang impeachable officers.
02:13Kung gusto talaga nila ng accountability, ay mag-file ng mga kaso dyan sa mga korte.
02:21Noong nakaraang linggo, inadapt ng Kamara ang rekomendasyon ng House Committee on Good Government
02:27na sampahan ng kasong sibil at kriminal si Duterte para sa umano yung maling paggamit ng confidential funds
02:34ng Office of the Vice President at Department of Education.
02:38Nagbigay ng reaksyon dito si VP Sara sa isang video na ipinamahagi sa media ng OVP.
02:44Kung ako, okay lang. Dahil politiko ako, alam ko kung anong kailangan ko gawin at gusto ko rin sumagot sa loob ng korte.
02:56Pero naaawa ako dahil sa mga threats sa harassment na ito ay mayroong mga empleyado ng ating opisina na nadadamay.
03:06Ito ang unang balita, R. Jill Relator ng GMA Regional TV para sa GMA Integrated News.
03:13Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments