Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinaposyon ng isang nagbalangkas sa 1987 Constitution at ilang pang-legal expert
00:04ang pagbalik sa Kamara ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:10Sabi naman ang isang pang-Constitution Pramer,
00:13unprecedented o hindi man inaasahan ng nakbang na yan ng Senado,
00:18hindi ibig sabihin ay bawal na ito.
00:20May opinion din ang isang nagbabalik Senado na si dating Senate President Tito Soto.
00:25Sa unang balita, si Joseph Morong.
00:30Tingin ni Sen. Elect Tito Soto, hindi na kinailangang ibalik sa Kamara ng 19th Congress
00:37ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Duterte dahil sila naman ang naghain nito.
00:42Sa halip aniya, pwedeng iratipika ito ng papasok na Kamara sa 20th Congress sa pamamagitan ng isang resolusyon.
00:50Isa si Soto sa mga uupong Sen. Judge kapag nagpalit ng Kongreso sa June 30.
00:55Dagdag ni Soto, tanging Korte Suprema ang may kapangyarihan magpasya
00:59kung may paglabag si Saligang Batas at hindi ang Senado o Impeachment Court.
01:04Ito rin ang sinabi ni Atty. Christian Monzod, isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution,
01:10ang naging hakbang daw ng ilang Senador tila pagdiskaril sa impeachment proceedings.
01:14These people have another agenda other than obeying the mandate of the Constitution.
01:21Kasi self-execretory yung Constitution eh.
01:24Nakakalimutan yata nila na they're senators because the people voted them as senators.
01:30They are senators of the people.
01:32They are not senators of Vice President Duterte.
01:36Dapat mag-inhibit themselves if they have any integrity.
01:39Ang ginawa ng Senado ni wala raw sa konstitusyon at wala rin sa sarili nilang rules of procedure
01:45ayon kay UP College of Law Assistant Professor Paulo Tamase.
01:49Insulto rin daw ito sa Kamara dahil ang Kongreso hindi naman katulad ng Korte na may higher at lower court.
01:55Dapat ma-offend yung House.
01:57Yung remand, essentially, second guesses.
02:01Yung House, kung ano yung ginawa niya.
02:03And puts them higher.
02:04The Senate, higher.
02:06Co-equal sila, nire-respeto nila yung isa't isa.
02:09Hindi naman kine-question ng Senado pag ang House nagpapasa ng bill sa kanila eh.
02:13Kung sinunod ba ng House yung proseso nila.
02:16So bakit kine-question ng Senado ngayon kung sinunod ng House yung proseso nila
02:19sa pagpapapasa ng impeachment complaint?
02:21Hindi kami magkapantay pagdating sa bagay na ito.
02:25Sa parte ng impeachment, Korte ang Senado, Prosecutor ang Kamara.
02:31Hindi ito parang bicam na kailangan naming mag-agree.
02:34Ito'y kautusan galing sa impeachment court na nakatuon sa prosecutor na isa lamang partido sa kaso.
02:42Ayon naman kay Retard Associate Justice Adolf Azkuna na isa rin sa nagbalangkas ng saligang batas,
02:47unprecedented o hindi pa nangyayari ang ginawang pagbalik ng impeachment complaint.
02:52Pero pinapayagan ito para masiguro ang malinis na pagtawid ng Articles of Impeachment
02:57mula 19th Congress patungon 20th Congress.
03:01Pareho ang pananaw ni Escudero ng questioning ni Sen. Rizonte Veros
03:04ang pagbawalik ng impeachment complaint sa Kamara.
03:07Ika nga din ni Justice Azkuna, makabago man, kakaiba man, hindi bawal o iligal
03:15dahil sa kapangyarihan ng Senado to try and decide all impeachment cases.
03:22Ngayon kung sa pananaw at palagay niya ay iligal yan,
03:25ginagalang ko ang kanyang karapatan na questioning ito sa Korte Suprema.
03:29At anumang kautusan ng Korte Suprema bilang abogado, ako itatalima doon.
03:33Ang mahalaga raw ayin kay Justice Azkuna ay hindi naman napipigilan yung impeachment process
03:39kahit pa ni-remand o i-benelik ng Senado ang Articles of Impeachment sa Kamara.
03:44Ang pinaka-importanting elemento raw ay hawak na ng impeachment court ang kaso
03:49at maaari ng maisinod ang paglilitis at pagdidesisyon ng wala ng delay
03:54matapos itong tumawid sa susunod na kongreso.
03:58Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
04:01Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
04:07para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended