Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/15/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa agitan ng mga dumaraming nasasawi sa mga disgrasya sa kalsada,
00:04mungkahin ng isang grupo gawing 30 km per hour ang speed limit sa mga urban area.
00:09Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:14Ang disgrasya sa kalsada pwedeng mangyari kahit anong oras at lugar.
00:20Gaya nitong van for hire na sumalpok sa postes sa Tacloban o Martes na ikinasawi ng isang pasahero.
00:27Wala rin itong pinipiling edad.
00:29Bata man gaya ng tatlong taong gulang sa Maynila na kailangang maoperahan matapos mabundol at madaganan ng tricycle.
00:37O matanda, gaya ng dalawang lol ang nasawi sa magkahihwalay na pagbangga ng motrosiklo sa Cebu City at Davao City.
00:44Ang rider namang si Frederick Tabigne minsan ang namiligro dahil muntik madisgrasya.
00:49Kahit anong gawin natin ingat sa kalsada, mayroon pa rin talagang mga balasobas mag-drive.
00:56Biglang nagbaba ng pasahero yung tricycle.
01:01Tapos biglang, nung pagbaba ng pasahero niya, biglang kumaliwa.
01:04Eh tama-tama naman, paparating po ako pero mabaga lang naman yung takbo ko nun.
01:08Kaso talagang inabot ako nung bigla niyang pagliko.
01:11Ayon sa Department of Health o DOH, panglima na sa cause of death ng mga Pilipino ang mga disgrasya sa kalsada.
01:18Habang sa mga kabataan hanggang edad 29, ito ang naungunang rason ng pagkamatay.
01:24Bukod sa paggamit ng safety gear at pag-iwas sa mga distraction gaya ng paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
01:33Ayon sa DOH, mahalaga rin na maging kalmado ang mga motorista at kailangan din ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas.
01:40Tumaas pa from 2022 to 2023 ang road deaths.
01:46So ako, to me, makalaks yung ating implementation.
01:49Ang dami ng laws.
01:50Pinakita ng taga-LPO, ang daming batas.
01:53Helmet law, seatbelt law, yung rider sa motorcycle law, pati child seat, batas pala yun.
02:00Isa yun sa mga dapat gawin, enforcement.
02:03May batas na eh.
02:04The laws are there but we need enforcing it.
02:06Mungkahe na grupong Move As One gawing 30 kilometers per hour ang speed limit sa urban areas.
02:1330 kilometer per hour speed limit in urban roads is the number one recommendation.
02:21Bakit?
02:22Ni-research nila and they found it will actually reduce road fatalities by about 40%.
02:30Ang laking bagay nito.
02:33Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng MMDA.
02:36Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended