00:00Samantala ay nirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco T. Laurel Jr. sa Tariff Commission ng unti-unti pagtataas muli ng taripa sa imported labigas.
00:09Ito ay mula sa 15% hanggang maibalik na sa original na 35% na import duty.
00:15Paliwanag ng kalihim, hindi maaaring biglaan ang pagkataas muli ng taripa dahil hindi lang ang lokal na merkado ang posibleng maapektuhan nito,
00:24kundi maging ang mga presyuhan sa global rice trade.
00:27Ito ay dahil na rin sa mahalagang papel ng Pilipinas pagdating sa demand at supply.
00:32Kaya naman ipinanukalaan niya na isabay ang pagtataas ng taripa sa harvest seasons ng malalaking rice suppliers ng bansa,
00:40tulad na lamang ng Vietnam na nasa Setiembre habang Disyembre naman sa Pakistan.
00:45Sa ngayon ay patuloy na na nakokontrol ang presyo ng bigla sa bansa sa tulong na rin ng iba't ibang hakbang ng pamahalaan,
00:52tulad ng pagpapatupad ng maximum suggested retail price sa mga imported rice.