00:00Samantala, patuloy na naka-alerto ang Department of Social Welfare and Development ngayong panahon ng tagulan,
00:05particular na ang mga lugar na madalas bahain o magkaroon ng pagbuhu ng lupa.
00:10Sa eksklusibong panayan ng PTV4 sa tagapagsalita ng DSWD na si Assistant Secretary Irene Dumlao,
00:16sinabi nito na kasalukuyan sila nag-aatid ng family food packs at ipapantulong sa Region 9, particular sa Zamboanga City.
00:23Sa datos ng ahensya, nasa mahigit 1,230 pamilya o mahigit 4,300 individual na ang apektado ng pagbaha dahil sa pagulan na dala ng low-pressure area at habagat.
00:36Nasa mahigit 48,660 na family food packs naman ang nakaanda sa Tetuan Warehouse para sa agarang distribusyon.
00:44Ang instruction ni Secretary is tiyakin na meron tayong sapat na family food packs na naka-imbak o naka-preposition sa lahat ng mga hubs, spokes, and last miles natin,
00:57yung mga warehouses natin, up to the geographically isolated disadvantaged areas.
01:03Hanggang doon sa GDAS, ay dapat meron tayong mga naka-preposition.
01:08Pangalawa, yung tiyakin na meron tayong maayos na koordinasyon with local government officials para kung may mga requests for augmentation support, ay madali tayong makakapagpahatid.