Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, narito po tayo ngayon sa Amandayehan Port dito sa Baseya, Samar
00:05na matapos nga na formal na o opisyal na paganahin itong June 7
00:11para gamitin alternatibong ruta para sa mga malalaking mga sasakyan
00:17na hindi muna pinapayaga na dumaan sa San Juanico Bridge.
00:23Mga kapuso, matatandaan nga po na mula May 14 ipinataw ng DPWH
00:29ang 3 ton weight limit sa 52 taong gulang na San Juanico Bridge
00:35dahil sa structural defects.
00:36Kaya pansamantala munang hindi pinapayagan dumaan sa tulay
00:39yung mga mabibigat na sasakyan gaya ng mga truck na may karga mga produkto
00:44at mga pampasayroong bus o kahit na anong sasakyan lalagpas
00:47sa bahigat na mahigit tatlong tonelada.
00:50Ang mga lokal na pamahalaan ng Samar, Tacloban City at Eastern Samar
00:55ay nagdaklara na po ng state of emergency para mas mabilis matugunan
00:58ang epekto ng pagbaba ng kapasidad ng tulay
01:01tulad ng pagkaantala ng supply ng gasolina at pagkain
01:04pati na rin yung bilihin na tumaas ng hanggang 30%.
01:08At dahil ginagamit na nga pong alternatibong ruta
01:11itong Amandayehan Port
01:12ay nagsagawa na ng emergency upgrades
01:15ang DPWH Region 8 dito sa Pantalan
01:17kabilang yung mga clearing works, land reclamation,
01:21utility adjustments
01:22at pagtatayo ng 17-meter port platform at 28-meter ramp.
01:27Ayon sa Philippine Ports Authority,
01:30nasa P400 million ang itinalaga para sa expansion
01:33at modernization ng Pantalan.
01:36P100 million po para sa navigation buoys na 14 units,
01:40P100 million naman para sa dredging
01:42at P200 million para sa pagkapalawak ng Pantalan.
01:46Limang landing craft tank o LCT vessels
01:49na kasalukuyang bumabiyahe araw-araw
01:51mula ang Mandayehan patungong Takloban
01:53upang maghatid ng mga cargo truck.
01:55May mga karagdagang shipping lines
01:57na inaasahan pa na madaragdag sa mga susunod na araw.
02:00Samantala, mga kapuso,
02:02yung Maritime Industry Authority o Marina naman po
02:04ay nagluwag ng kanilang regulasyon
02:07sa shipping schedule hanggang July 4
02:09para tugunan yung dagsa ng mga truck
02:11na sumasakay ng mga roro.
02:13So, masandali pong ito,
02:14nakikita natin, eh tahimik pa yung sitwasyon dito.
02:17Wala pa yung roro,
02:18yung mga landing craft tanks o yung LCT
02:21na gagamitin para makabiyahe
02:23o makasakay yung mga malalaking mga truck
02:26dito sa mga roro nga papatawid
02:28dun sa Takloban.
02:30Pero nakikita natin,
02:31pagpasok natin dito na talagang mahaba na
02:33yung pila ng mga truck na kailangan sumakay.
02:35So, yan muna,
02:36ang alita sa sitwasyon,
02:38magbabalik tayo mamaya rito.
02:40Dito pa rin,
02:40sa Base, sa Samar,
02:42sa Amandayahan Port.
02:43Balik sa muna sa studio.
02:46Gusto mo ba nga mauna sa mga balita?
02:48Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:51at tumutok sa unang balita.

Recommended