00:00Samantala sa gitna ng mainit na debate patungkol sa impeachment,
00:03nasa 80% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat nang harapin
00:07ni Vice President Sara Duterte ang kanyang impeachment trial.
00:11Ito ay batay sa latest nationwide survey ng Okta Research.
00:15Si Gav Villegas sa detalye.
00:20Para sa mga estudyante ang sinasabian, Davon at Tyrone,
00:24naniniwala sila na dapat nang masimulan ang impeachment trial
00:27kay Vice President Sara Duterte.
00:29Yes po, favor po ako na dapat pong umpisaan na po yung impeachment kay Sara
00:34since naka-schedule po ito ng June 2 diba po
00:37and matagal para pong tagal na pong na-postponin.
00:40Dapat po, pinag-usapan na po ito sa Senado
00:43since importante po ito, malaking pera po yung pinag-usapan natin dito
00:47and ang dami pong usapin na hindi po tinatakal ni VP Sara
00:51sa Kongres o sa mismong Senado.
00:54Para sa akin ay oo, pero naniniwala ako na mag-eenda pa rin sa opinion ng bawat tao ito.
01:03Dahil alam naman natin na marami nang ginawa si Duterte
01:10na hindi ganun kanais-nais sa ating komunidad,
01:13lalong-lalo na sa confidential funds na hindi alam kung saan ito dinala.
01:19Ito rin ang sa loobin ng 8 sa bawat 10 Pilipino
01:22na naniniwalang dapat ng harapin ng pangalawang Pangulo
01:26ang impeachment trial nito,
01:27batay sa pinakahuling nationwide survey ng Octa Research.
01:31Batay sa survey na ginawa noong April 20 hanggang 24
01:34sa 1200 respondents sa buong bansa,
01:3778% ang nagsasabing dapat nang humarap si Vice President Duterte
01:41sa impeachment court,
01:43habang 13% naman ang nagsasabing hindi dapat humarap
01:46ang pangalawang Pangulo at siyam na porsyento
01:49ang hindi pa desidido.
01:51Lumabas rin sa survey na mataas ang public awareness
01:54ng mga Pilipino pagdating sa impeachment.
01:56Pagdating sa socio-economic classes,
01:58ang mga may hirap o kabilang sa Class E
02:00ang may pinakamataas na awareness na nasa 96%.
02:04Sinundan ito ng Class ABC na nasa 95%
02:08at ng Class D na nasa 90%.
02:11Gabumil de Villegas para sa Pambansang TV
02:14sa Bagong Pilipinas.