Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 9, 2025
- Brigada Eskuwela sa Epifanio Delos Santos E.S., maagang sinimulan ng mga guro, magulang, at kawani ng barangay
- Mga volunteer, nagtulong-tulong sa paglilinis at pagpipintura sa mga silid-aralan sa Pinyahan Elementary School
- Kalidad ng school supplies, kinikilatis ng ilang magulang at estudyante na namimili bago ang balik-eskuwela | Grupong Ban Toxics, nagbabala laban sa ilang school supplies na may mataas na lead content | DTI, nakabantay sa kalidad ng mga ibinibentang school supplies bukod sa presyo nito
- Nasa 10 pamilyang nakatira sa ilalim ng Capulong Bridge sa Tondo, sinagip sa ilalim ng DSWD Pag-Abot Program
- Draft schedule ng impeachment trial ni VP Sara Duterte mula June 11-30, mungkahi ni Sen. Francis Tolentino | Sen. Win Gatchalian: Hindi matatapos sa loob ng isang buwan ang impeachment trial ni VP Duterte | Ilang mambabatas, iginiit na kailangang matuloy ang impeachment trial ni VP Duterte
- Octa Research Survey: 78% ng mga Pilipino, naniniwalang dapat humarap sa impeachment trial si VP Sara Duterte | Ilan pang unibersidad, nanawagan sa Senado na ituloy ang impeachment trial ni VP Duterte
- Mayamang kultura at talento ng mga Pinoy, bumida sa Philippine National Day Expo 2025
- Carlos Yulo, wagi ng ikaapat na sunod na gold medal sa floor exercises sa 2025 Asian Gymnastics Championships; panalo rin ng 3 bronze medals | Pananakit ng iba't ibang bahagi ng katawan, kabilang sa mga hamon kay Carlos Yulo sa 2025 Asian Gymnastics Championships | Carlos Yulo, proud sa kapatid na si Eldrew na nagwagi ng silver medal sa 2025 Junior Asian Gymnastics Championships | 2025 World Artistic Gymnastics Championships sa Oktubre, pinaghahandaan na rin ni Carlos Yulo
- Mga bagong karakter at ilang eksena, ipinasilip sa full trailer ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Brigada Eskuwela sa Epifanio Delos Santos E.S., maagang sinimulan ng mga guro, magulang, at kawani ng barangay
- Mga volunteer, nagtulong-tulong sa paglilinis at pagpipintura sa mga silid-aralan sa Pinyahan Elementary School
- Kalidad ng school supplies, kinikilatis ng ilang magulang at estudyante na namimili bago ang balik-eskuwela | Grupong Ban Toxics, nagbabala laban sa ilang school supplies na may mataas na lead content | DTI, nakabantay sa kalidad ng mga ibinibentang school supplies bukod sa presyo nito
- Nasa 10 pamilyang nakatira sa ilalim ng Capulong Bridge sa Tondo, sinagip sa ilalim ng DSWD Pag-Abot Program
- Draft schedule ng impeachment trial ni VP Sara Duterte mula June 11-30, mungkahi ni Sen. Francis Tolentino | Sen. Win Gatchalian: Hindi matatapos sa loob ng isang buwan ang impeachment trial ni VP Duterte | Ilang mambabatas, iginiit na kailangang matuloy ang impeachment trial ni VP Duterte
- Octa Research Survey: 78% ng mga Pilipino, naniniwalang dapat humarap sa impeachment trial si VP Sara Duterte | Ilan pang unibersidad, nanawagan sa Senado na ituloy ang impeachment trial ni VP Duterte
- Mayamang kultura at talento ng mga Pinoy, bumida sa Philippine National Day Expo 2025
- Carlos Yulo, wagi ng ikaapat na sunod na gold medal sa floor exercises sa 2025 Asian Gymnastics Championships; panalo rin ng 3 bronze medals | Pananakit ng iba't ibang bahagi ng katawan, kabilang sa mga hamon kay Carlos Yulo sa 2025 Asian Gymnastics Championships | Carlos Yulo, proud sa kapatid na si Eldrew na nagwagi ng silver medal sa 2025 Junior Asian Gymnastics Championships | 2025 World Artistic Gymnastics Championships sa Oktubre, pinaghahandaan na rin ni Carlos Yulo
- Mga bagong karakter at ilang eksena, ipinasilip sa full trailer ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:30Igan, good morning. Maaga nagsimula ang paglilinis dito sa Epifanio de los Santos Elementary School sa Pasay.
00:35All hands on deck para tiyaking malinis ang paralan ngayong panibagong school year.
00:44Sinimula ng maaga ang pagawalis sa buong paralan dito sa EDCES sa Epifanio de los Santos Elementary School sa Tramo, Pasay.
00:51Hinahanda nila ang eskwela para sa muling pagubalik ng mga mag-aaral sa susunod na linggo.
00:55Buod sa pagawalis ng mga kalat sa paligid, inaasikaso rin ang mga silid-aralan.
01:00Magpipintura rin ang mga opuan at ang iba-ipa pang mga gamit.
01:03Hindi lang mga guro ang nagsasagawa nito. May pakikiisa rin mula sa mga kawalin ng barangay, pati mga magulang ng mga estudyante.
01:10Pahinga natin ang pahayag na isa sa mga guro.
01:12Napakahalaga ng Brigada Eskwela dahil ito yung time na kung saan sama-sama naghahanda para sa darating na pasukan.
01:24The usual task ay ang paglilinis po ng mga classrooms at pagpipintura po lalong-lalo na sa mga classroom chairs at ang mga wallings at saka yung mga CRs.
01:36Igan, maghapon itong Brigada Eskwela. Pero para mas lalong energized ngayong umaga, itong mga participant ng Brigada ay magsusumbaraw mamaya-maya.
01:48So live mula rito sa Pasay, Bamalegre para sa GMA Integrated News.
01:52Tulong-tulog din ang mga volunteers sa pag-aayos ng mga silid-aralan sa Pinyahan Elementary School bilang pag-anda sa Balik Eskwela.
02:01Dahil mula sa Caso City, may inang balita si James Agustin.
02:04James!
02:09Igan, good morning. Nagsimula na nga yung parada ng mga volunteers, mga magulang, guro at mag-aaral.
02:14Hudyat na pagsisimula ng Brigada Eskwela. Dito po yan sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City ngayong araw.
02:22Kabilang sama na kiisang nasa 80 security guard na mga volunteer mula sa isang pribadong kumpanya.
02:28Nasa labing dalawang classroom ang target nilang malinis at ma-repaint ngayong araw.
02:32Ito raw ay bahagi ng kanilang advokasya at paraan ng pagtulong sa komunidad.
02:36Dumating din ngayong umaga ang ilang miyembro ng EcoWaste Coalition.
02:39Panawagan ng grupo ang lead safe at waste free na Brigada Eskwela.
02:43Kanina maaga nagtungo rin rito mga straight sweeper mula sa Barangay Pinyahan na tutulong din sa mga guro, magulang at ilang mag-aaral.
02:52Gusto po namin na ito ay gawin sa paulit-ulit at sa taon-taon na Brigada Eskwela maliban sa ibang mga corporate social responsibility ng aming kumpanya
03:05para suportahan ng komunidad, hindi lamang pagdating sa aming pagtatrabaho, pati na rin po sa pagsuporta sa ating community.
03:17Samatalaigan kapag natapos na yung parada at makabalik na yung mga nakiisa dun sa parada dito po sa Pinyahan Elementary School
03:24ay makakaroon ng maigsing programa para masimula na nga mismo yung Brigada Eskwela.
03:28Pero kanina, yung mga volunteer, nagsimula na sila sa paglilinis ng mga classroom.
03:32Tatagal po itong Brigada Eskwela sa loob ng apat na araw ngayong buong linggo.
03:36Yan na unang balita mula rito sa Quezon City.
03:39Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
03:43Nagbabalang isang grupo laban sa ilang school supplies na may mataas na lead content na nakakasama sa kalusugan.
03:49Ayon naman sa Department of Trade and Industry, isa rin niyan sa kanilang binabantayan bukod sa presya ng school supplies.
03:55May unang balita si Nico Wahe.
04:01Grade 11 na sa pasukan si Patricia at ngayon nila target makompleto ang kanyang gamit pang eskwela.
04:07Kasama ang kanyang ina, bumili na siya ng notebook, ball pen, mga papel at iba pang school supplies na tingin nila ay dekalidad at magandang klase.
04:16Para mas tumagal po yung school supplies sa'yo.
04:20Parang nadodobli, parang pag nasira po, syempre po bibili ka po ulit ng bago.
04:26Si Annabelle kinikilatis din ang mga bibilihing gamit para sa anak niyang grade 4.
04:31Bonus daw kung mura.
04:32Yung quality siya.
04:33Dahil po, bakit quality ma'am?
04:36Kasi may ibang na matagal.
04:38Pero bukod sa presyo at kalidad, dapat din daw maging mapanuri lalo sa material na ginamit sa mga school supplies.
04:46Ayon sa grupong Ban Toxics, nakabili sila ng ilang gamit pang eskwela na may mataas na lead content, gaya ng kiddie bag at water container.
04:55Alarming po itong na-detect natin na presence ng lead na umaabot po ito ng halos 18,900 parts per million.
05:05Sa bansa natin ay regulated po yung paggamit ng ganitong klaseng kemikal.
05:10Dapat po wala, zero, prohibited po yung paggamit.
05:15Ayon sa DTI, mahigpit daw nilang binabantayan ang kalidad ng binibet ng school supplies.
05:20There's FDA, it passes through the FDA, yes, yung mga monitored by the FDA then and then also monitored and enforced by the DTI.
05:30So we don't really have much problem sa ganon, as long as they follow the guidelines set by the DTI.
05:38Nag-ikot sa baklaran at nag-inspeksyon ng DTI sa mga tindahan ng school supplies para tignan kung nasusunod ang presyong itinalaga nila.
05:45Ang writing notebook dapat ay nasa 15 to 52 pesos lang.
05:5018 to 52 pesos naman ang composition.
05:53Ang pad paper na pang grade 1 to grade 4 dapat ay nasa 15 to 37 pesos lang.
05:59Habang 26 to 48.75 pesos naman ang intermediate pad paper.
06:04Ang crayons, 12 pesos to 114 pesos depende sa dami.
06:09Sa ngayon, wala raw sumusobra sa presyo na yan maging sa ilang bookstore.
06:13The prices here are pasok sa price guide set by the DTI.
06:18There are some items that are lower that we saw which is the notebooks, the ballpens, the pencils, and I'm sure there's some others.
06:25But there are also prices that are within the price range of the DTI.
06:29Inaasahan daw ng DTI na hindi magtataas ang presyo ng mga school supply kahit papalapit na ang pasokan.
06:35Ito ang unang balita ni Kuwahe para sa GMA Integrated News.
06:39Ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng isang tulay sa Tondo, Maynila, ang sinagip.
06:44Bilang bahagi ng programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
06:49Balikan natin ang unang balita live ni Bea Pindak.
06:51Bea!
06:56Iga, nasa sampung pamilya ang sinagip ng Department of Social Welfare and Development
07:00dito sa barangay 150 Tondo, Maynila, particular yung mga matagal nang nakatira dito sa ilalim ng Kapulong Bridge.
07:08Nagsagawa ng reach-out program ang DSWD para makausap at matulungan ng mga pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay.
07:15Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mas delikado kasi ang pamumuhay nila sa ilalim ng tulay, lalo't tag-ulan na.
07:22Kanina, may alinlangan yung ilan sa mga nakausap ng DSWD.
07:27Ayaw raw nilang tumira sa malayo, mawala ng hanap buhay at takot silang mawalay sa mga pamilya nila dito sa Maynila.
07:39Ngayon, ang operasyon natin, ikutan yung mga tulay, yung mga estero na may mga nakatira sa ilalim
07:44para masigurado na walang nakatira sa danger zone itong nag-start ng tag-ulan
07:48and to permanently find them a better living community.
07:53Ang long term niyan is to re-integrate them back to the community
07:56pero hindi yung ilalagay mo lang ng walang economic support.
07:59Ganito pong ginagawa po namin kasama po ang MMDA na unti-unti po namin silang tinatanggal dito, nire-relocate
08:06and ilalagyan po namin ng unti-unting harang para po hindi na po nila talaga mabalikan yung ilog natin
08:14kasi napaka-delikado po talaga.
08:18Igan, may ilang pamilya na nadinala sa processing center ng DSWD
08:25pero may ilan na nandito pa rin hinihintay yung mga kaanak nila
08:28at patuloy pa silang kinukumbinse ng mga tauhan ng barangay at DSWD.
08:32Yung gagawin sa processing center ng DSWD, bibigyan sila ng pagkain at tulong medikal.
08:38Pagkatapos niyan, i-assess sila ng DSWD officer para malaman talaga kung ano-ano yung tulong na ipapaabot sa kanila
08:45kasama na dyan yung economic, psychosocial at medical.
08:49At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
08:52Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
08:54Isa pang nagpalangkas sa 1987 Constitution ang nagsabi na kailangang matuloy na agad
09:07ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
09:10at pwedean niya itong maitawid sa 20th Congress.
09:14May panukalang schedule naman ng isang senador para mapabilis daw
09:17ang paglilitis at matapos ito sa kasalukuyang kongreso.
09:21May unang balita si Jonathan Andal.
09:27Ipinanukala sa Senado ang mas pinabilis o expedited impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
09:34na kaya ro tapusin sa loob lang ng labing siyam na araw o mula June 11 hanggang June 30
09:40na huling araw ng 19th Congress.
09:42So, i-constitute ang impeachment court sa June 11,
09:45tapos 10 days pa rin yung submission ng answer ng respondent,
09:49tapos kung mag-reply yung prosecutors, June 22.
09:55Submission trial brief, June 23.
09:58Tapos opening statement na rin sa hapon.
10:00Presentation of evidence on the part of the prosecution, June 24 to 25.
10:06Ang defense ay June 25 to 26.
10:11Kung kinakailangan ng re-battle, ibigay yung June 27.
10:15Sa re-battle, AM, PM, prosecution, PM and defense.
10:19June 28, one hour each, oral arguments, defense, at saka prosecution.
10:25Pagkatapos sa June 29, mag-meeting kami ng closed door.
10:29June 30, render a judgment.
10:30Sabi ni Sen. Francis Tolentino, pwede niya raw itong i-presenta sa Senado.
10:35Pero para daw magawa yan, kailangang mapapayag ang prosecution na imbes na pito,
10:39gawin na lang dalawa ang articles of impeachment.
10:41O, yung dalawa, doable na yun.
10:44Piliin na lang nila yung sa tingin nila ay meron silang sapat na evidensya.
10:49Sa ganon, paraan ay talaga mapapabilis ito.
10:53Sinusubukan pa namin kunin ng komento rito ng mga kongresistang miyembro ng prosecution,
10:57pero wala pa silang tugon sa ngayon.
10:58Paliwanag ni Tolentino, iminumungkahi niyang pabilisin ang trial
11:02dahil hindi anya ito pwedeng tumawid sa 20th Congress.
11:06Show me a provision in the Constitution, 1987 Constitution,
11:12that would point to the words carry over. Wala.
11:17Naging basihan niya ang salitang forthwith sa Constitution.
11:20Yung salitang forthwith ay command na naka-attach sa 19th Congress.
11:26Hindi po yung constitutional command sa 20th Congress.
11:30Iba ang pananaw rito ni Sen. Sherwin Gatchalian.
11:33Hindi ito matatapos ng isang buwan lang. Talagang tatawid ito ng 20th Congress.
11:38Sa Facebook, nagpost si Retired Justice Adolfo Azcuna na kasama siya sa framers ng 1987 Constitution.
11:45Sabi niya siya ang sumulat ng salitang forthwith na ang ibig sabihin anya agad-agad.
11:51May tuturing daw na matinding paglabag sa saligang batas kung ibabasura ng Senado
11:56ang Articles of Impeachment at hindi magtutuloy sa trial.
11:59Pero pwede raw itong baligtarin ng Korte Suprema o Senado ng susunod na Kongreso
12:03sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration.
12:05Sabi rin ni Azcuna, pwede tumawid sa susunod na Kongreso ang impeachment proceedings
12:10dahil hindi naman daw ito legislative power ng Senado kundi constituent power.
12:16Umaasa si Azcuna na susundin ng mga senador ang mandato ng konstitusyon na ituloy na ang impeachment trial.
12:22Mabibigyan din daw nito ng due process at pagkakataon si Vice President Sara Duterte na ipagtanggol ang kanyang sarili.
12:28Panukala naman ang isa sa mga prosekusyon na si Manili Rep. Joel Chua
12:31sana present sa kanilang presentasyon sa Merkules sa mga bagong halal na senador
12:36para raw makapaganda ang mga ito kapag naging senator judge na sa susunod na Kongreso.
12:41Babala naman ang mga mambabatas kapag hindi natuloy ang impeachment trial.
12:45Kung maging malabnaw o lumabo ang impeachment proceedings, ilalabnaw lahat yan
12:50at mahihina yung tinatawag natin check and balance.
12:54I'm afraid that there's going to be an erosion of public trust in the Senate as an institution.
13:02Marami pong aalma dyan. Marami pong mawawalan ng, if I may say, respeto sa Senado.
13:11Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
13:15Maraming Pilipino ang naniniwala na dapat humarap sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte
13:28para sagutin ang mga paratang sa kanya batay sa tugon ng masa survey ng Okta Research.
13:35Sa survey na ginawa nitong April 20 hanggang 24, 78% ang nagsabing dapat humarap sa paglilitis si VP Duterte.
13:4213% naman ang nagsabing hindi dapat siya humarap sa paglilitis, habang 9% ang wala o hindi alam ang sagot.
13:511,200 Pilipino ang sumagot sa face-to-face interviews.
13:55May margin of error ang survey na plus-minus 3%.
13:59Ayon sa Okta Research, walang nagkomisyon ng naturang survey.
14:04Nadagdaga naman ang mga universidad na nananawagan sa Senado na ituloy ang impeachment trial ni Vice President Duterte.
14:10Sa joint statement ng Ateneo Schools, ang impeachment trial ay bahagian nila ng accountability ng mga nasa pwesto, due process at mandato rin ng konstitusyon.
14:21Sabi naman ng Lasallian family in the Philippines, dapat patas, transparent at nasa tamang proseso ang impeachment.
14:30Ang pagkapaikli sa impeachment process ay nakasisiraan nila sa justisya at tiwala ng publiko.
14:35Gate naman ang Adamson University na nanunood ang buong sambayanang Pilipino sa gagawin ng Senado.
14:42Kaya dapat daw, sumunod sila sa batas at gawin ang kanilang tungkulin.
14:47Sa post ng University of Santo Tomas, binigyan-biin nila ang salitang forthwith o agad-agad.
14:53Sa miyerkoles, June 11, ang pag-convene ng Senate Impeachment Court at babasahin ng articles of impeachment laban sa bise.
15:00Dati nang sinabi ni Vice President Duterte na gusto niyang matuloy ang impeachment trial.
15:07Hindi lang ang mayamang kultura ng Pilipinas ang bumida sa Philippine National Day sa Expo 2025 sa Osaka, Japan,
15:14kundi maging ang mga pang-world class na talento ng ating mga kababayan.
15:19Live mula sa Osaka, Japan, ngayon ang balita si Katrina Son.
15:23Katrina, ohayo, gozaimasu!
15:24Maris, hinangaan nga ang mga kababayan natin na nagtanghal sa pagdiriwang ng Philippine National Day
15:33dito sa Expo 2025 na ginaganap ngayon dito sa Osaka, Japan.
15:42Inabangan ng ating mga kababayan ang Philippine National Day na idinaos sa Expo 2025 sa Ray Garden dito sa Osaka, Japan.
15:52Ang tema ng pagdiriwang, ang hinabing Hiraya Woven Imagination.
15:58It talks about honoring our past, embracing our present, and creating our future together.
16:07The importance still is human connection.
16:10And in the Philippines, we continue to empower our people.
16:14We are happy that we have an opportunity that aside from what they can see in our pavilion,
16:20they will also be able to see our live performers and hear from our government officials
16:25about our relations with the Philippines and Japan
16:29and what they can expect by visiting our pavilion,
16:33but more importantly, by visiting, by investing, by touring the Philippines.
16:39Nagtanghal ang National Living Treasure for Chanting na si Rossi Godwino Sula
16:44at sinundan ng iba't-ibang cultural dances,
16:48kabilang ang performance ng Ramon Abusan Folkloric Group.
16:52Ilang nakalakihan nating awiting Pinoy ang binigyang buhay din ng The Lobok Children's Choir
16:57kasama ang sparkle artist na si Zephanie.
17:01Pinalakpakan din ang pagtatanghal ng The Voice Season 26 Champion na si Sofronio Vazquez.
17:07May pop-up performances din at isa sa mga pinilahan ang pavilion ng Pilipinas
17:15kung saan makikita ang iba't-ibang hand-woven art pieces na may multimedia projection
17:21na tila ililibot ka sa mga rehyon sa bansa.
17:26Kasama rin sa tour experience ang hilot o massage.
17:30Mayroon ding hain kung saan inihahain ang pagkaing Pinoy
17:35at interactive activities for the complete tour package.
17:42Maris, kasama ko nga ngayon si Kokoro.
17:45Siya ang mascot ng Philippine Pavilion dito sa Expo 2025 dito yan sa Osaka sa Japan.
17:51Maris, bukas itong Expo 2025 mula 9am hanggang 9pm araw-araw yan
17:57at magtatagal ito hanggang Oktubre.
18:00Kaya naman sa mga kababayan natin na nagdanayos na magpunta rito sa Osaka.
18:04Huwag niyong kalimutan na bisitahin ang Expo 2025
18:08at siyempre puntahan ang Philippine Pavilion.
18:11At yan ang muna ang latest mula rito sa Osaka.
18:13Maris?
18:14Arigoto gozoy mas, Katrina Son.
18:17Maraming salamat.
18:18Panalo ang magkapatid na Yulo sa 2025 Asian Gymnastics Championships sa South Korea.
18:25Nakuhan ni Golden Boy Carlos ang ika-apat na sunod niyang gold medal sa floor exercises
18:30at tatlo pang bronze medal sa ibang events.
18:34Huwag ni naman ang silver medal si Eldrew sa vault finals.
18:39May unang balita si JP Soriano.
18:41Ang trademark na malinis at pulidong routine sa floor exercise
18:48ang naging susi ni Carlos Yulo
18:50para mapanatiling kampyon sa ika-apat na magkakasunod na taon
18:54sa Asian Gymnastics Championship.
18:57Gold medal ulit ang nakuha ng tinagoreang Golden Boy ng Philippine Sports
19:02matapos makakuha ng score na 14.600 sa floor exercise.
19:07Overall bronze medalist naman si Caloy sa vault, parallel bars.
19:12Gayun din sa individual all around kung saan ipinakita niya ang galing
19:16sa anim na magkakaibang aparatos gamit ang iba't ibang routines.
19:21Carlos, grabe yung floor exercise mo.
19:25Paano mo na-maintain yung dominance sa event na to?
19:30Lalo na after a long break of no competitions?
19:34Um, actually, um, wala po ako talagang, um, in-expect sa competition na to.
19:40Like, I just wanna test po yung sarili ko kung anong kakalabasan ng performance ko.
19:46And syempre, yung, um, kaba po eh.
19:49Um, syempre, after Olympics, um, ibang, ibang platform po yung Olympics kesa dito.
19:57Pero yung nagko-compete po eh, na-loss of touch na rin ako siguro ng, um, sa competition.
20:05So, gusto ko po i-try and i, um, challenge yung sarili ko, uh, this competition.
20:14Two-time Olympic champion man.
20:16Marami raw ginawang adjustment si Carlos para sa Asian Gymnastics Championship.
20:20Nag-iba ng rules and, um, I had to make it, like, really clean po na routine.
20:29So, nag-focus po ako sa artistry and yung form ko in terms of sa, um, tumblings.
20:37So, dun po ako nag-focus sa quality ng movement, sa quality ng skills, sa quality ng landing.
20:43So, ayun po yung pinagtrabahuan ko po nung bumalik po ako.
20:47Nagtagumpay sa Asian Gymnastics Championship si Carlos sa kabila ng mga iniindang sakit sa katawan.
20:55Ah, ang dami kong, ang dami sumakit sa akin eh.
20:57Sumakit yung likod ko, sumakit yung, um, shoulders ko and yung leeg ko.
21:02Um, parang two weeks, almost two weeks, two weeks yung pagitan ng paggaling niya.
21:09Para sa presidente ng Gymnastics Association of the Philippines, OGAB, isang malaking karangalan ang pagkapanalo ng gold at bronze medals ni Carlos.
21:19I know what he's going through.
21:21So, for this, that he went to make the bronze, it's fantastic.
21:27You know, it's really, congratulations, Carlos.
21:29Ang nakababatang kapatid ni Carlos sa si Eldreau, nakakuha ng silver medal sa Asian Gymnastics Championship para sa vault finals.
21:39Isang karangalan din daw ito para sa kanyang kuya.
21:42Of course po, of course. Bata pa po si Eldreau, marami pa po siyang mga competition na masasalian.
21:50And of course, marami pa po siyang may experience na magaganda.
21:55And also, marami pa siyang matututunan through mga competitions po na mangyayari sa kanya.
22:02Susunod na paghahandaan ni Carlos ang 2025 World Artistics Gymnastics Championship sa Jakarta, Indonesia sa Oktubre.
22:10Ang kumpetisyong ito ay qualifying competitions para sa 2028 Los Angeles Olympics.
22:17Tinatanong ko yung sarili ko kung anong next goal ko, anong next para sa akin.
22:22Isa lang talaga yung sagot.
22:24Gusto ko talagang makapasok pa sa LA, makapag-compete pa, and ibuos lahat ng kaya ko bilang atleta.
22:35Ito ang unang balita. Ako po si JP Soriano para sa GMA Integrated News.
22:41Avisala, mga kapuso.
22:50Goosebumps at excitement ang hatid ng full trailer ng Encantavia Chronicles, Sangre.
22:56Wala akong kasalanan, Mitena. Walang kasalanan sa iyong ang Encantavia.
23:01Seda mo siya!
23:02Yan ang confrontation scene ng magkapatid na sina Bat-Halumang Casio Pea at Kera Mitena played by Solan Yousaf and Rian Ramos na dapat abangan sa series.
23:12Ang Batang Mitena gagampanan ni 2024 Metro Manila Film Festival Best Child Performer, Shena Stevens.
23:18Ipinakilala na rin ang iba pa ang magiging kontrabida sa mundo ng Encantavia.
23:23Gaya nila Gabby Eigenman as Zaur, Bianca Manalo as Organa, John Lucas as Darren, Jamie Wilson as Ednu, Shuvie Etrata as Veshdita, at Billy Hackinson as Koshava.
23:38Magbabalik din sa series si na Sangre Lira at Mira with New Costumes played by Mikey Quintos at Kate Valdez.
23:48Bagong karakter din si na Luis Contiveros as Soldarius at Isabel Ortega as Sangre Armea.
23:55Spotted din sa trailer ang apat na gabaydiwa ng mga brilyante.
24:00Dumalo rin sa Sangre Grand Media Con ang ilang GMA executives sa pangunguna ni OIC for GMA Entertainment Group, Cheryl Ching C.
24:09Kinanta rin ni Limitless star Julian San Jose ang theme song ng Sangre.
24:14Kapuso mo, una ka sa mga balita.
24:28Panoorin lamang ang unang balita sa unang hirit at iba pang award-winning newscast sa youtube.com slash GMA News.
24:35I-click lamang ang subscribe button.
24:37Sa mga kapuso abroad, maari kaming masubaybayan sa GMA Pinoy TV at www.gmanews.tv.