00:00Oh, ito ha! Ah, tested and proven po na to.
00:03Ang video ito peke at gawa lang ng Artificial Intelligence o AI sa pamamagitan ng deepfake.
00:09Babala mismo ni kapuso comedy genius Michael V, hindi niya iniendorso ang produktong binabanggit sa advertisement.
00:15Siyempre, alarm ka agad ako. Tsaka alam ko kasi maraming mga netizens, maraming mga mahilig sa social media na baka maapektuhan in a negative way, baka maniwala.
00:26Kaya agad gumawa ng vlog ang comedy genius para pasinwalingan ang kumakalat na video.
00:31Inireport na rin daw niya ang nagpost at blinak ito sa kanyang mga social media pages.
00:35Titignan natin kung ano ang gagawin niya. Kasi pagka-persistent siya, pagka gumawa pa siya ng aksyon at inulit niya, mukhang gagawa na namin ng legal aksyon.
00:45Sa deepfake, pinag-aaralan ng AI ang itsura at tono ng pagsasalita ng isang tao para magaya ito ng tila totoo.
00:53Ayon sa isang technologist, mas nagiging mahirap na nga daw malaman ang deepfake sa totoong video.
00:58Kaya mga social media users, dapat laging tamang duda.
01:01Pinakamainam pa rin daw na pag-aralan ang mensahe ng video.
01:04Tugma ba ito sa personalidad ng nagsasalita?
01:07At kung personalidad ang nasa video, makikita ba sa ibang platforms tulad ng television at radio ang kaparehong endorsement?
01:13Kaya nanonood ka lang, nagbabrowse ka, tapos tinitingnan mo, kung hindi mo naman ine-expect na deepfake siya, hindi mo agad susurihin yung isang video.
01:23Kaya mahirap malaman kung siya ba talaga ay deepfake video or hindi.
01:28Tapos ngayon, kung tingnan mo, ay parang may kakaiba.
01:33Fake din ang mga video ito na ginamit si na 24 Horas Anchors, Mel Tiyanko at Vicky Morales,
01:38para magmukhang nag-i-endorso ng mga investment, kasama ang ilang malalaking pangalan sa pagnenegosyo.
01:45Ang kapuso anchor at reporter na si Maris Umali, ginawan din ng deepfake at pinagmukhang maibinabalita tungkol sa isang produkto.
01:52Ang doktor na ginamit sa deepfake video, nagsampanan ng reklamo sa NBI laban sa mga nagpapakalat nito sa social media.
01:59Yung mga pasyente ko mismo, naapektohan din dahil ang feeling nila, yung credibility ko ay puro nagbebenta lang ako ng kung ano-ano.
02:07So naapektohan yung reputation ko as a doktor.
02:10Natatakot ako na baka pag may nangyari sa kanila, eh akong mabuntungan nila.
02:16Ang Department of Information and Technology may ginagawa na raw para labanan ng pagkalat ng deepfake.
02:21Dahil sa mga peking endorsement, marami na raw kasing nagre-reklamo sa kanila na napaniwala at naloko na mga peking endorsement.
02:29Bukod sa mga telco, tuloy-tuloy daw ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga social media platforms para agad mablock ang mga peking endorsement na ito.
02:37Ang tawag po doon sa mekanismo na yun, geo-blocking, geo-locking.
02:43Yung same mekanism po ng technology na yan, yun yung sinasabi ko sa mga streaming platform at sa mga social media platform.
02:51Alam nyo, kaya nyo namang i-prevent yan proactively, eh.
02:54Sa bilis ng pag-usad ng teknolohiya, hindi nga raw malayong dumating ang panahon na mga eksperto na lang ang makapagsasabi kung peke o hindi ang isang video o litrato.
03:03Kaya malagang suriin at pag-aralan ng mensaheng nakapaloob dito.
03:07Huwag agad maniwala at ugaling i-double-check kung totoo o hindi ang inyong nakikita sa social media.
03:13Ito ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
03:18Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
03:33Igan, mauna ka sa GMA.
Comments