Skip to playerSkip to main content
Hindi lang teritoryo, kundi maging ang likas na yaman ay binabantayan ng mga sundalong naka-destino sa Kalayaan Islands na binisita ng AFP sa nagpapatuloy nitong maritime patrol mission.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00It's not a territory, but it's a common land that is the best place to be in the Kalayan Islands
00:08that visited the AFP in the maritime patrol mission.
00:12The situation of the Kalayan Islands is the best place to be in China.
00:19Chino!
00:20Vicky, sa pangalawang araw ng pag-iikot ng BRP Andres Bonifacio sa mga islang kukpado ng Pilipinas dito sa Kalayan Island Group,
00:31wala tayong namamatang lumalapit o bumubuntot man lang ng mga Chinese vessels.
00:35Bagamat may dalawang Chinese militia vessels o mano na nadetect malapit sa Licas Island,
00:40kung saan tayo bumaba kanina para makausap ang ilang mga sundalong nakadestino dito.
00:45Hindi naging hadlang ang masungit na panahon na sumalubong sa Embedded Maritime Patrol Mission
00:55sa Kalayan Islands ng AFP kasama ang mga miyambro ng media.
01:00Sa pangatlong araw ng misyon, narating namin ang Licas Island, isa sa pinakamalayong isla na okupado ng Pilipinas.
01:07Agaw pansin sa gitna ng puting buhangin ang malaking lighthouse sa dulo ng isla
01:12at katabi nito ang watawat ng Pilipinas na nakaharap sa malakas na hangin ng karagatan.
01:19Ang nagbabantay sa isla, mga tauha ng Philippine Marines at Philippine Coast Guard.
01:24Para dagdagan ang makakain ng mga nakadestino dito,
01:27nagpapalaki sila rito ng mga kambing, mga manok at may sariling vegetable garden.
01:33Ang tubig ginumin, bagamat nagmumula sa mga resupply mission,
01:38nakukuha din sa balloon na ito at isinasala sa desalination machine.
01:42May generator naman at solar facility para may kuryente ang isla.
01:48Dahil buwan ang binibilang sa rotation sa isla,
01:51isa raw ito sa pinakamahirap na duty na naranasan ni Technical Sergeant Nino Calbog.
01:56Mabuti na lang daw at may wifi para makontak ang mga pamilya.
02:09Bukod sa regular na pagsusupply ng tubig at pagkain,
02:13prioridad din ng AFP na pagandahin ang mga pasilidad sa siyam na islang okupado ng Pilipinas.
02:19Kung malayo ka sa family mo, a simple wifi signal or a simple entertainment is malaking bagay na po sa amin.
02:27From time to time, we are improving our facilities dito po
02:32and how to improve the way of life ng ating mga sundalo.
02:36Pero hindi lang occupation ng isla ang pakay ng mga sundalo rito.
02:40May mga paghahanda din sakaling lusubi ng isla.
02:43Bagay, natanggap na raw ng mga sundalong nagbabantay.
02:47Karangalan din namin, at itong station namin,
02:51ang pangabantayan dito,
02:52na simple trabaho namin yung pangalagaan ito,
02:55para sa ating sambayanan.
02:57Kung sa pangalan nito,
02:59malalawak ng mga white sand beach
03:01at halos hindi pa nagagalaw na yamang dagat
03:04ang matatagpuan dito sa Licas Island.
03:07Kung kaya't kakaibang pagbabantay ang ginagawa ng mga nakadestinong sundalo dito,
03:12hindi lamang para itaguyod ang ating soberenya,
03:15kundi para pantayan din at panatilihin ang kaligasan.
03:19Ang buong likas, puti ang buhangin,
03:21at pinalilibutan ng napakalinaw na tubig dagat.
03:25Ilang hakbang lang mula sa dalampasigan,
03:27makikita na ang mga isda,
03:29pati na ang malaking isdang ito,
03:31na kung tawagin ay pakol.
03:33Kahapon narating din namin ang Parola Island,
03:35nakatabi lang ang Pugad Island na okupado naman ng Vietnam.
03:39Pero dahil sa masamang panahon,
03:41hindi na kami nakababa ng isla.
03:43Gitang kita ang pagkakaiba sa pasilidad ng dalawang isla.
03:47Kung halos di makita ang naval station sa Parola,
03:50tanaw na tanaw naman ang mga radar dome
03:53at iba pang malalaking gusali sa isla ng mga Vietnamese.
03:56Vicky, ayon sa AFP,
04:02magiging priority din ang pagpapaganda ng mga pasilidad ng isla
04:06gaya ng nabisita natin kanina sa likas
04:08at hindi lamang magkokonsentrate sa pag-asa island
04:11kung saan kumpleto na nga ang runway,
04:13dinadagdagan pa,
04:14at halos tapos na rin ang ginagawang watchtower
04:18at ang pagpapalawak ng sinasabing o tinatawag na boat shelter
04:22na magagamit ng civilian at military ships.
04:25At live mula rito sa Kalayaan Island Group,
04:27ako si Chino Gaston Nakatutok 24 Horas.
04:30Maraming salamat sa'yo, Chino Gaston.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended