00:00Tuluyan na po na nagdeklara ang pag-asa ng onset ng rainy season at southwest monsoon.
00:06Yung pinagkaiba nila, yung southwest monsoon, ay focused dun sa wind direction.
00:10Dapat yung hangin na nakaka-apekto sa ating bansa ay nanggagaling sa Timog-Kanluran o southwest ng Pilipinas.
00:19At ito rin ay nagdadala ng mga pag-ulan, lalo na sa western part ng Luzon, Visayas at Mindanao.
00:24Pero yung onset natin ng rainy season ay focused dun sa dami ng ulan or yun sa mga tuloy-tuloy na pag-ulan dun sa mga given months na yun kapag nag-onset na.
00:34Pero dapat isaalang-alang natin na hindi po na nag-onset na tayo ng rainy season ay uulanin na tayo po lagi.
00:41So meron din tayong tinatawag na monsoon break.
00:43So ito yung kapag malakas yung easterlies ay napipigilan yung movement or yung southwesterly wind na nakaka-apekto sa ating bansa.
00:51Kaya may mga araw na at least three days na sunod-sunod na hindi tayo inuulan.
00:56Pero dito sa ating latest satellite image, makikita natin yung epekto nitong southwest monsoon at ito yung magdadala ng maulap na kalangitan
01:05na may kasamang mga pag-ulan, lalo na sa Palawan, specifically sa buong Mimaropa, sa western part ng Visayas at sa western part ng Mindanao.
01:15Particular tayo dito sa Sambuanga Peninsula.
01:17Samantala, meron din tayong minomonitor na low pressure area.
01:21Ito po ay nasa silangang bahagi ng northeastern Mindanao or Caraga region ng about 1,120 km.
01:30At ang latest natin na time ng pag-locate ng location ito ay kaninang 3 p.m.
01:36Itong low pressure area na ito ay nasaan natin na sa loob ng 24 hours ay papasok sa Philippine Area of Responsibility.
01:43Pero yung development niya para maging tropical depression ay mababa.
01:48At yung northwest propagation niya dahil meron tayong trough or yung expansion niya.
01:53Ibig sabihin yung trough of low pressure area ay merong elongated extension yan na kung saan yung mga lugar na yun ay may lower atmospheric pressure.
02:02Kapag low yung atmospheric pressure natin, doon nagkakaroon ng movement ng winds paakyat from surface na maraming moisture papunta sa atmosphere.
02:14At dahil sa movement ng hangin na yun, nagkakaroon tayo ng maulap na kalangitan.
02:18At dahil dito sa mga ulap na yun, ina-expect natin na magkakaroon ng mga pagulan sa eastern part ng Visayas at ganoon din sa eastern part ng Mindanao.
02:28Bukod po doon sa low pressure area na yun, ay wala naman tayong ina-expect na bagyo except doon sa tinitignan natin na LPA na binanggit natin kanina.
02:40Para po sa ating forecast bukas, patuloy yung epekto ng parehong southwest monsoon at nung trough of low pressure area.
02:50At dahil dyan ay patuloy tayo makakaranas ng maulap na kalangitan dito sa Mindoro at sa Bicol region.
02:56Sa natitirang bahagi naman ng Luzon ay patuloy yung partly cloudy to cloudy skies.
03:02Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na tayo uulanin.
03:05So may chance na pa rin sa hapon at sa gabi, lalo na na magkaroon tayo ng mga isolated rain showers or thunderstorm.
03:12At dumadalas na yan sa mga susunod pa na mga araw.
03:17Agot po ng temperatura sa Metro Manila ay 26 to 33.
03:21Sa Baguio ay 17 to 24.
03:23Sa Lawag ay 25 to 33.
03:25Sa Tugigaraw ay 25 to 36.
03:27At sa Tlegaspi ay 25 to 33.
03:29Patuloy po yung epekto ng trough of low pressure area at yung hanging habagat or yung southwest monsoon.
03:38Kaya patuloy na magiging maulap dito sa Palawan, sa buong Visayas at ganoon din sa buong Mindanao.
03:44Pero hindi po ibig sabihin yan ay 100% na uulanin tayo.
03:47So maaari pa rin po tayo na maka-experience na maalinsangang panahon.
03:51Pero mataas din po yung chance ng mga pagulan.
03:54Dahil sa mga nabanggit natin na atmospheric systems.
03:57Dito po sa Puerto Princesa, ang agwat ng temperatura ay 25 to 32.
04:01At sa Calayaan Island ay 26 to 31.
04:04Cagayan de Oro ay 25 to 32.
04:06At sa Davao ay 25 to 32.
04:11So gano'n ba kadami yung in-expect natin na bagyo ngayong buwan ng June?
04:16So in-expect natin na may 1 to 2 tropical cyclone na papasok.
04:20Pero hindi ibig sabihin nun na limitado lang sa number na yun.
04:23Maaaring lumagpas din ito ng dalawa, depende sa atmospheric systems na makaka-apekto sa ating bansa.
04:29Also, kung mag-develop man yung low pressure area into tropical depression or maging ganap siya na bagyo,
04:34tatawagin natin itong O-ring.
04:36At ito yung magiging unang bagyo sa taon na 2025.
04:40Pero ito po ay somewhat na rare case.
04:43Dahil minsan may mga taon na January pa lang ay nagkakaroon na tayo ng bagyo.
04:48Pero this year, June po yung buwan na in-expect natin na baka dito pa lang sa buwan na ito magkakaroon tayo ng bagyo.
04:56So ito po yung climatological track o ito yung usual track pag tinignan natin yung mga previous na mga bagyo
05:01na dumaan sa ating Philippine Area of Responsibility sa buwan ng June.
05:06And kung titignan natin yung climatological number or yung historical average na dami ng mga bagyo
05:12na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility, during month of June ay nag-start pa lang na dumami.
05:19And then, sa first half ay konti yung mga pumapasok na bagyo.
05:22Pero sa second half, simula June hanggang December ay dito na or siguro November ay dito na yung mga buwan
05:28kung saan marami yung mga bagyo na pumapasok sa ating Philippine Area of Responsibility.
05:34Sa kabila ng epekto, yung southwest monsoon at saka yung trough of low pressure area ay nakababa po.
05:40So, wala po tayong gale warning at malaya po na makakapaglayag yung mga kapwa natin Pilipino na mga ingisda at seafarers.
05:46Pero hindi po ibig sabihin nun ay hindi na tayong maapektuhan dahil posibli pa rin yung mga localized thunderstorm
05:53at yung mga pagulan offshore o sa karagatan natin.
05:55Kaya kung maliit po yung saka yung pandagat natin ay mag-ingat po at maging mapagbantay.
06:01Lalo na kapag maliit yung saka yung pandagat ay maaari po tayong maapektuhan.
06:05Also, dahil po nag-onset na tayo ng rainy season, ay pinapaalalahanan po natin yung mga kababayan natin
06:13na halimbawa may problema pa rin tayo sa bubong, sa dingding ng bahay natin.
06:17Ngayon na po, ipagawa na natin para bago pa tuloy-tuloy na ulanin yung mga lugar natin ay at least handa tayo.
06:24Dito naman sa ating 3-day weather outlook or yung in-expect natin na panahon sa weekends hanggang sa Monday,
06:30Saturday to Monday ay dito sa mga piling lugar sa ating bansa, itong Metro Manila, Baguio City at Legazpi City
06:37ay una sa Metro Manila at sa Baguio patuloy yung partly cloudy skies, pero may chances pa rin na mga pagulan sa hapon at gabi.
06:46Pero sa Legazpi, dahil doon sa northwestward movement ng low pressure area or yung extension niya or yung trough of low pressure area
06:53ay patuloy na magiging maulap ang kalangitan sa Legazpi at magkakaroon tayo ng tuloy-tuloy na mga pagulan.
06:59Dito naman sa Kabisayaan, sa Metro Cebu, sa Iloilo at sa Tacloban, simula sa Saturday hanggang Monday ay tuloy-tuloy po na magiging maulap yung kalangitan natin
07:09at magkakaroon tayo ng mga pagulan.
07:12At sa Mindanao, specifically dito sa Metro Dabao, medyo konti po yung chances na ulanin tayo,
07:19pero patuloy yung partly cloudy to cloudy skies at may chance pa rin na mga pagulan.
07:25Hindi lang kasing pronounced dito sa Cagayan de Oro City at sa Sambuanga City na mas mataas yung chance na mga pagulan.
07:32Dahil patuloy sila na makakaranas, na maulap na kalangitan, na may kasamang mga pagulan at mga thunderstorm.
Comments