Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinag-aaralan ng Department of Health na i-declarabilang Public Health Emergency
00:04ang pagdami ng mga nagkakaroon ng Human Immuno Deficiency Virus o HIV.
00:10May unang balita si Katrina Son.
00:1420 anyos pa lang daw ang HIV community organizer na si Kael Mata
00:19nang magpositibo siya sa Human Immuno Deficiency Virus o HIV.
00:24Nakuha ko po yung HIV sa pakikipagtalik ng walang proteksyon.
00:28Ayon sa World Health Organization, isa ang unprotected sex sa factors kaya na ipapasa ang HIV.
00:36Maari raw maipasa ang HIV sa pamamagitan ng palitan ng mga likido ng katawan mula sa mga taong may HIV.
00:43Base sa datos ng Department of Health, mula 21 kaso ng HIV kada araw noong 2014.
00:50Dumoble ito sa 48 bagong kaso kada araw noong nakarang taon.
00:55Sa datos natin, tayo na ang pinakamataas na new cases dito sa Western Pacific Region.
01:02At ang nakakaalarma ayon sa DOH, pabata ng pabata ang nagpositibo sa naturang sakit.
01:09500% daw ang itinaas ng mga kaso ng HIV sa mga edad 15 hanggang 25.
01:14Pinakabatang na italang Pilipino na nagpositibo.
01:19Labing dalawang taong gulang mula sa Palawan.
01:22Isa sa tinitingnang dahilan ng pagdami ng HIV cases sa mga kabataan
01:26ay ang social media dating apps at chat rooms
01:29dahil pinadadali raw nito ang pakikipag-meet up para sa sex.
01:34Pero giit ni Kael, hindi ang mga ito ang problema,
01:38kundi access ng kabataan sa proteksyon tulad ng kondom.
01:41If they go to health center, they ask, pwede mo makingi ng kondom?
01:45Ang sagot sa kanila, saan mo gagamitin? Bakit mo kailangan?
01:48Dahil sa paglobo ng mga kaso, pinag-aaralan ng DOH na ideklarang public health emergency ang HIV.
01:55Maganda magkaroon tayo ng public health emergency, national emergency for HIV
02:00dahil magtutulong-tulong ang buong lipunan.
02:03Pag ito ay na-declare as a national emergency,
02:06I think mau obliga na yung mga LGUs na, you know, gumawa ng mas komprehensibong programa.
02:14Ayon sa DOH, bukas ang testing kahit sa minor de edad na walang parental consent.
02:20Libre ito pati ang anti-retroviral na gamot.
02:23HIV is not a death sentence.
02:26Hinahawig nga namin yan parang high blood.
02:28Is it the end of your life? No, it's not.
02:29You just have to take maintenance.
02:31PhilHealth even has an HIV package.
02:33Maaari rin daw tingnan ang QR code na ito para sa directory ng mga HIV treatment hubs at testing facilities sa buong bansa.
02:41Pwede rin magtanong sa mga health centers at mga pampublikong ospital.
02:45Meron din sa mga pribadong ospital at non-government organization.
02:49Bukod sa kondom, may mga bagong gamot na rin tulad ng prep o pre-exposure prophylaxis
02:54na iniinom para pigilan ng HIV kung nakikipagtalik ng walang proteksyon.
02:59Ito ang unang balita.
03:01Katrina Son para sa GMA Integrated News.
03:06Igan, mauna ka sa mga balita.
03:08Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulak sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended