00:00Bago tayo tumungo sa ating talakayan, hingi muna tayo ng update mula sa Department of Justice.
00:05Yusek Marge, may commitment ang DOJ para wakasan ang sextortion at online child sexual abuse.
00:12Ano yung detalya nito?
00:13Tama ka dyan, Asik Joey.
00:14Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo sa isang bagong Pilipinas,
00:20pinangunahan ng Department of Justice Action Center sa Region 7 ng isang talakayan
00:25laban sa online sexual abuse or exploitation of children at iba pang gender-based cybercrimes.
00:32Ito ay ginanap sa Madridejos Community College sa Madridejos, Cebu noong nakaraang buwan
00:37na layong imulat ang tao sa dumaraming kaso ng sextortion at iba pang uri ng online child sexual abuse.
00:45Kasama na rin dito ang pagbibayay kaalam sa mga batas na nagtatanggol sa mga babae at bata laban sa ganitong mga krimen.
00:53Higit sa lahat, ang forum na ito ay daan para ipabatid sa tao ang kahandaan ng DOJAC
01:02na tugunan ang mga legal na katanungan ng publiko hindi lang sa personal kundi pati na rin sa Facebook at emails.
01:09Nangako naman si Justice Secretary Boing Remulia na patuloy na palalakasin ng gobyerno
01:14ang mga hakbang laban sa online child sexual abuse alinsunod sa panata ng DOJ na Real Justice for All.
01:22Yusek Marge, ano naman yung masasabi ng Department of Justice sa pagbabalik sa bansa ni dating Congressman Arnolfo Tevez?
01:31Pinuri ni Secretary Boing Remulia ang desasyon ng Timor Leste na damputin at pabalikin sa bansa
01:37ang matinik na pagganteng si former Negros Oriental Congressman Arnie Tevez.
01:42Halos dalawang taong pakikipagpatentero sa mga otoridad si Tevez na sinasabing mastermind sa pagpatay
01:49kay former Negros Oriental Gov. Ruel de Gamo noong 2023.
01:54Pumaharap din si Tevez sa iba pang mga kaso gaya ng pagpatay sa tatlong katao sa Dumaguete noong 2019
02:00at ang iligal na pag-aari nito ng mga matataas na kalibre ng baril at pampasabog.
02:06Matatandaan din na noong June 2023, idineklara ng Anti-Terrorism Council ang mambabatas bilang isang terorista.
02:15Nangangako ang DOJ na walang special treatment na matatanggap si Tevez
02:20at dadaan ito sa due process ng batas kagaya ng isang ordinaryong akusado.
02:26Tinitiyak ni Secretary Remulia na mananaig ang katarungan sa kasong ito.
02:31Maraming salamat sa mga update mula sa Department of Justice, Yusek Marge.
02:35You're welcome, Master Chui.