00:00Samantala, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang European Union sa patuloy na suporta ng EU sa Pilipinas.
00:08Sinabi ito ng Pangulo sa courtesy call ni High Representative and Vice President of the European Commission, Kaya Calas, sa Malacanang kahapon.
00:18Binigandiin ng Pangulo ang halaga ng Philippines-EU Security and Defense Dialogue.
00:22Ito ay para matugunan ang geopolitical challenges, kasama ang mga kaparehong values at sumusunod sa rules-based international order.
00:32Si Calas ay nasa bansa para sa two-day official visit.
00:35Ito ang unang beses ng opisyal sa Pilipinas mula ng ma-appoint noong December 2024.
00:42Ang pagbisita ni Calas sa bansa ay mahalaga para sa patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at European Union.
00:49Samantala, nag-courtesy call din si United States Director of National Intelligence Tulsi Gabbard kay Pangulong Marcos sa Malacanang.