00:00Isang makasaysayang tagumpay ang naitala ng Philippine National Curling Team
00:03matapos silang mapasama sa Top 50 ng pinakabagong ranggo ng World Curling Federation o WCF na ilalabas nitong linggo.
00:12Ang naturang pagkilala ay isang malaking hakbang para sa Pilipinas na hindi kilala sa larangan ng curling,
00:18isang sports na nakaraniwang nilalaro sa mga bansang may malamig na klima tulad ng Canada, Norway at Switzerland.
00:25Ayon sa opisyal na tala mula sa WCF, tumasang ranggo ng Philippine Team kasunod ng sunod-sunod na magandang performance
00:33sa mga international qualifying tournaments sa Asia-Pacific region.
00:37Ang pagkakasama sa Top 50 ay nagbukas din ng mas maraming oportunidad para sa team
00:43kabilang ang imbitasyon sa mas malalaking torneo at posibilidad ng mas malaking suporta mula sa pamahalaan at mga private sponsors.
00:52Patuloy ang paghahanda ng team para sa susunod na kompetisyon sa Japan sa Oktubre
00:57kung saan inaasahan nilang muling mapapamalas ang kanilang husay at determinasyon.