00:00Iisa lang ang active Philippine passport ni dating presidential spokesperson Harry Roque ayon sa Department of Foreign Affairs.
00:07Batay sa records ng kagawaran na issue ang passport na may 10-year validity noong July 2024.
00:13Bago yan, nakansila na ang in-issue kay Roque na regular passport noong October 19 o October 2019 at diplomatic passport noong December 2017.
00:24Ayon sa DFA, iisa lang dapat ang active at valid regular Philippine passport ng isang Pilipino.
00:31Binibigyan lang ang qualified government employee ng dagdag na official o diplomatic passport na magagamit para sa official mission abroad.
00:39Kamakailan, sinabi ng Department of Justice na dalawa hanggang tatlo umano ang passport ni Roque at pinakakansila na na raw nila ang mga ito.
00:47Sagot diyan ni Roque, isa lamang ang active passport niya na hawak ngayon ang mga otoridad sa The Netherlands kung saan siya humihiling ng asylum.
Comments