00:00Kinalala sa Asia-Pacific Broadcasting Plus Awards ang Panata Contra Fake News Campaign na pinangunahan ng GMA Network.
00:08Nanalo sa kategoryang Best Multi-Platform Campaign ang Panata Contra Fake News na inilunsad sa pangunguna ng GMA Integrated News.
00:17Katuwang ang halos 60 grupo mula sa pinakamalalaking media at academic institution sa bansa.
00:24Kampanya ito para labanan ng maling impormasyon sa iba't ibang platform kabilang na ang Fact Checking Initiatives at GMA Masterclass Eleksyon 2025 Dapat Totoo Series na nilahukan ng mahigit 12,000 estudyante sa Luzon, Visayas at Mindanao.
00:42Bahagi ng advokasiya ang mga komprehensibong special report, interactive media content at iba pang content sa TV at digital platforms.
00:49Naabot ng kampanya ang mga manunood at netizens para tulungan silang hindi mabiktima ng fake news.
00:57Para kay Oliver Victor B. Amoroso, GMA Integrated News Senior Vice President and Head ng GMA Regional TV at Synergy,
01:06ang pagkilalang ito ay karangalan at panawagan para umaksyon.
01:10Sinasalamin din ito ang panata ng GMA Integrated News sa credible journalism at pakikipagtulungan sa mga komunidad at institusyon.
01:18Para protektahan ang katotohanan.