Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Para mapabilis ang biyahe ng mga pasahero, inalis na po ang x-ray machine sa ilang istasyon ng MRT-3.
00:07Balak din ang Department of Transportation na mas agahan ang operasyon ng MRT-3, oras na simulan ang EDSA Rehabilitation.
00:15Balitang hatid ni Joseph Moro.
00:19Nitong Marso, in-extend ng isang oras ang operating hours ng MRT-3.
00:24Ginawang 10.25 ang entrance closing sa North Avenue tuwing weekday.
00:28At 9.25 tuwing weekend, 11.04pm naman, nagsasara ang entrance ng Taft Avenue tuwing weekdays at 10.04pm tuwing weekend.
00:38Pero ang gusto ngayon ng Department of Transportation, palawigin ang operasyon sa pagbubukas ng MRT.
00:44Sa gabi kasi medyo sagad na tayo na halos 11 o'clock na nagsasara ang MRT-3 and kailangan ng maintenance time.
00:53Pinipigit natin ngayon na from 4.30am ang pagumpisa, gagawin natin 4am.
01:00Pinipigit ko pa yun sa ating maintenance operator.
01:03Ang MRT ang isa sa mga aasaang sasalo sa mga pasaherong iiwas sa EDSA kapag sinimula ng rebuild nito sa June 13,
01:11na sasabayan ang pagbubukas ng klase sa June 16.
01:14Yung mga misasakyan na nanggagaling sa Magayo, pwede sila magpark sa mga magapit sa mga stasyon ng tren and magta-trensiga o magbubusiga.
01:23Kaya naman gusto nilang alisin ang iba't-ibang nagdudulot ng pagkaantala gaya ng X-ray machine,
01:29na bahagyang nakakabagal daw sa pag-usad ng mga pasahero.
01:32Medyo, panilit na ako eh.
01:34For safety reason.
01:36Okay, pero pag marami kayo?
01:38Ah, carry lang kasi willing to wait naman din ako.
01:40Binaklas na ang X-ray machine sa Bonnie Avenue Station at isusunod ang mga nasa iba pang istasyon ng MRT.
01:47Ang kapalit pagpapakalat ng mga K-9 unit at mga heavily armed na tauhan ng Coast Guard.
01:52Sa halip ng mga X-rays, mga ganitong metal detector na lamang at yung mga bomb sniffing dogs
01:57ang ipapalit ng DOTR na pang security measure sa mga MRT stations sa susunod ng linggo ito raw
02:04ay para mas mabilis yung pagpasok ng mga pasahero.
02:07May ilang kinakabahan sa pagtatanggal ng mga X-ray machine.
02:11No, please don't.
02:13Kasi para sa aming mga pasahero, importante talaga siya.
02:19Nag-increase tayo ng visibility, ng Coast Guard and other enforcement visibility
02:25na medyo kamukha sa ibang bansa, ang mga barel, maraki, mahahaba para deterrent.
02:32Kasi yun ang nakita natin sa ibang bansa ginagawa eh.
02:34Gusto rin alisin ng DOTR ang ganitong eksena na halos isa't kalahating oras pumipila mga pasehero
02:40lalo na noong sampu pa lamang ang tren ng MRT.
02:44Dalawang pong tren na ang umiikot ngayon tuwing peak hour sa planong dagdaga ng tatlo ng DOTR.
02:50Ang dating pagpila na umaabot sa 30 to 45 minutes magiging lima hanggang sampung minuto na lamang.
02:5630 minutes ang mawawala sa pila time at saka sa travel time ng mga kababayanan.
03:01Babaklasin din at aayusin ang signage na ito na napulaan sa social media
03:05dahil ni hindi raw mabasa ng maayos dahil sa kulay at disenyo.
03:09Ang signages at ang wayfinders sa mga airport, train station, napaka-importante niya.
03:17Kasi nagdadagdag yan sa kaginhawaan ng experience ng mga commuter.
03:22It needs to follow standards.
03:24Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended