00:00Pumanaw sa edad na 72 ang OPM icon na si Freddy Aguilar.
00:05Gayunman, mananatiling buhay ang iniwan niyang musika at sining.
00:10Balikan natin yan sa pagtutok ni Aubrey Carampel.
00:13Sa awiting anak, sumikat ng gusto ang pangalang Freddy Aguilar,
00:18kwento ng hindi matatawarang pagmamahal ng magulang.
00:22Isinilang noong 1953, tumatak bilang isa sa mga music icons ng Pilipinas,
00:27si Ferdinand Pascual Aguilar.
00:30Na-inspirasyon daw sa pagsulat ng kanta, ang kwento ng mga ordinaryong Pinoy.
00:35Ang awiting anak nga raw, paraan niya ng pagsusori sa kanyang magulang
00:40dahil sa pagiging swail na anak, bagay na ikinuwento niya kay Mel Tiangco sa programang Powerhouse.
00:47Yung sitwasyon ko na ganun, kinuha ko yung gitara ko.
00:53Right then and there?
00:54Oo, right there and then. Parang gumalik ako.
00:56Pero parang ganyan.
00:58Tapos yun na, yun na, yun na, yun na.
01:00Yung isa lang ka sa mundong ito.
01:02Diret-diretso na.
01:02Diret-diretso na yun.
01:03In less than one hour, Mel, nagawa ko pati yung kwento, pati melody ng song.
01:08And then I recorded it in my mono kasi I felt sorry.
01:12Oo, may emotional, may kasamang emotion siya.
01:14Na totoo.
01:16Sinaktan ko yung anay tatay ko.
01:18Sinulat noon pang 1978, pero hanggang ngayon, marami pa rin nakaka-relate sa awiting naging hit,
01:25hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa, at isinalin pa sa halos 30 lingwahe.
01:32Ang kanyang folk rock na estilo ng musika, Pumatok sa Panlasang Pinoy.
01:38Mga awiting tulad ng Ipaglalaban ko, Estudyante Blues,
01:42at ang kantang sumikat noong Ed sa People Power Revolution, ang awiting bayan ko.
01:47Ang mensahe ng kanyang musika, tumagos sa kanyang mga tagapakinig at kinilala pa sa loob at labas ng bansa.
01:54Kaya naman noong 2018, kinilala si Ka Freddy sa Senado para sa kanyang Lifetime Outstanding Contributions to Philippine Arts and Culture.
02:04Hindi lang sa pagmamahal sa musika, umugong ang pangalan ni Ka Freddy.
02:08Dahil ang kanyang buhay pag-ibig, nabalot din ang kontrobersya.
02:12Kasunod yan ng pagpapakasal niya sa nooy labing-anim na taong gulang na nobya sa ilalim ng Islamic Wedding Rights noong 2013.
02:20Wala naman pong nakalagay sa batas ng pag-ibig na hindi ka pwedeng umibig kung mas bata sa'yo.
02:27Naging usap-usapan din ang kanilang di pagkakaunawaan ng anak na si Megan.
02:31I'm still wishing the best for Megan kahit balibalik na rin mo ang mundo, anak po si Megan.
02:37Yung nangyari kay Megan at sa akin siguro, isang lesson yun para for me to become a better father.
02:44Bukod sa pagiging musikero, sumubok din si Ka Freddy na pasukin ang mundo ng politika.
02:49Noong 2019, tumakbo siya bilang senador at inendorso ni noong Pangulong Rodrigo Duterte.
02:56Noong Marso, ay sumama pa siya sa pagtitipon para ipanawagan ang pagbabalik sa bansa kay Duterte.
03:03Pero nitong mga nakalipas na araw, napabalitang nakakonfine sa ospital si Ka Freddy base sa post ng kanyang asawang si Jovi.
03:11Di pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagkakaospital ni Ka Freddy.
03:17Pero ngayong araw, kinumpirma ng dating partner ni Ka Freddy na si Josephine Quepo sa programang Fast Talk with Boy Abunda,
03:24na pumanaw na ang mga awit sa Philippine Heart Center dahil sa multiple organ failure.
03:29Kinumpirma rin ito ng General Counsel ng Partido Federal ng Pilipinas na si Attorney George Briones.
03:36Dahil nag-convert sa Islam noong 2013, alinsunod sa kaugaliang Islam,
03:42inilibing na siya ngayong araw sa Manila Islamic Cemetery,
03:46bagay na kinumpirma ng Montilupa City Muslim Affairs Office sa mga larawang ito.
03:52Para sa GMA Integrated News, Aubrey Carampel, Nakatutok 24 Oras.
04:06Outro
Comments